Chapter 3
"What?" Napatayo ako sa gulat. "Bakit ko naman 'yon gagawin?"
"Key, calm down. Ito lang ang naisip kong paraan para makalapit ka sa kanya. Para makapahiganti ka."
Napa-isip naman ako sa sinabi niya. "What do you mean? Hate na hate ko siya at pagkatapos sasabihin mong gawin ko siyang boyfriend ko?"
"Break his heart," her eyes gleamed. "Pagkatapos mo siyang pa-ibigin, break his heart. That's your sweetest revenge ever, Keyziana." Ngumiti na naman siya. "But.. still I need information about him."
Napabuntong-hininga ako. So this is the setup? I will break his heart? "I will try, then." I said.
"Deal?" tanong niya.
I nodded. Wala na akong magagawa. If it's the only way I can take revenge. Why not, right? Marami siyang salitang binitawan kaya babawiin ko 'yon.
"Deal!"
Ngumiti naman si Penny. She was really satisfied with my answer.
"Key! Are you really sure about it?"tanong sa akin ni Hanica.
"I think so." I shrugged. Hindi ko alam kung magagawa ko ang deal namin ni Penny. Pero kung ito lang ang paraan na makaganti ako sa lalaking 'yon, then I'll grab this opportunity.
"Be sure about it, Key!" sabi naman ni Jerelle. She looks very serious.
"I'm very sure about it. I will never change my mind,"
**
PAGKATAPOS ng class ko ay pumunta agad ako sa Cafeteria para bumili ng pagkain. Everyone was looking at me. But I should act like I'm not affected. I ordered chocolate cake and pineapple juice. Stress really wants me to eat more. Well, hindi naman ako tumataba kahit anong kainin ko. I'm very thankful about that.
Habang naglalakad ako, narinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante.
"Ang gwapo niya talaga!"
"Sana maging boyfriend ko siya."
Pero hindi ko 'yon pinansin dahil nakatuon lahat ng atensyon ko sa aking Luis vuitton shoes. Kulay black ito na bumabagay sa aking white blouse at black and white skirt.
Nagulat ako nang biglang tumilapon ang lahat ng pagkain ko. Bigla akong naiinis dahil ang pineapple juice at chocolate cake ko'y natapon lahat sa damit ko. I feel so sticky. "Oh no! What did you do?"
Napatingin ako sa taong bumangga sa akin. Nakatalikod siya, kaya hindi ko alam kung sino siya. It's a guy but I can't help to appreciate his sexy back. And he is too tall that makes me so small. Wait, did I say sexy? Oh crap. There's no time for this kind of thing. "Hey! Look at me. Alam mo ba ang ginawa mo?"
Tiningnan niya naman ako at nagtama ang mga mata namin. My eyes widened. At biglang umusok ang ilong ko. Yunjiro. !"Ikaw?"
He squinted his eyes at me. Pero wala talagang ekspresyon ang mga mata niya. He's a cold-blooded monster.
"Jerk! Sinusundan mo ba ako?" inis na sabi ko.
"Why would I do that? You're not even my type," he said with a flat-toned voice.
Laglag panga ko sa sinabi niya. He's getting on my nerve. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Fresh pa kasi ang news about sa aming dalawa.
"Look at my blouse. You ruin it," bakas pa rin ang inis sa akin. Stress na nga ako mula kahapon dahil sa kanya, dumagdag na naman ngayon.
"You are a graceless woman. In other term, tanga." bigla na lang siya tumalikod at umalis.
Naiwan akong naka-nga-nga. Ginagalit niya talaga ako. Sinusubukan niya talaga ang pasensya ko. Napatingin ako sa aking paligid at ang lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Ang iba kinukuhaan ako ng litrato.
BINABASA MO ANG
Woman Hater's First Love
RomansaGumuho ang lahat ng pride ni Keyziana nang ipahiya siya ng isang Woman-Hater na si Yunjiro Lacson. Pinagpustahan nilang magkakaibigan na kapag naging boyfriend niya si Yunjiro ay may makukuha siyang reward. At ito na ang hinihintay niyang pagkakatao...