Chapter 2

246 10 6
                                    

______________________________________________

Chapter 2: (Jeepney Ride) 

______________________________________________

[Jeanne’s POV]

 

              Dumeretso si Saver sa... *toooot* shop!? Di kaya... SYA YUNG NAGPARESERVE AT KINUHA ANG MGA PRECIOUS DOUGHNUTS KO?! The hell?!

              Hindi na ako pumasok sa loob kaya nandito pa rin ako, nakatayo sa sahig na muntikan kong pagbagsakan, at tinatanaw sya. Nakita ko sya sa loob na nakipag-yakapan (yung panlalaking yakapan ha?) dun sa gwaping na may-ari ata ng shop na sumita sa ‘kin. Tss! Kaya pala ayaw ibigay! Kaibigan pala nung may-ari yung nagpareserve! Tss! Napaka-bias nila!

              Pagkatapos namang makuha ni Saver yung my-dear-favorite-doughnuts eh tumakbo na sya papunta sa’kin. “Sorry it took a few minutes, so... let’s go?” he said that while smiling—eww! Nakakapag-english tuloy ako ng wala sa oras.

              Ngumiti na lang ako ng medyo. Oo medyo, peke. Kasi medyo hate ko sya kasi nga nauna sya sa aking precious doughnuts, pero gusto ko syang maka-date! Hahaha! Landi ko ata? “It’s okay. Ahm, okay? Let’s go.”

              Ayun, pumunta lang kami sa Starbucks at may mga information akong nalaman tungkol kay Saver. Yung mga basic lang naman. Yung mga tipong kung saan sya nakatira, anong real name nya, kung saan sya nag-aaral yung mga ganun ba? And also add his age! His 21 and I’m 20. Kuya ko pala sya!

              And I knew that we’re studying at the same school, and we were at the same year! I mean we’re both graduating. Nasa Fifth year college na sya. Hahaha! Kaya fifth kasi he took up Engineering, while me... Ahm, I took up Business Ad? Kasi naman sila Mama! Nakakainis! Gusto nila akong magtrabaho sa company nila eh hindi ko nga yun passion! I love to travel. So ang gusto ko talaga maging eh isang Flight Stewardess. Pasok ako! I’m 5’5 in height, maputi, maganda... Knows English not to well but not that worst. Basta marunong akong mag-english and talagang ipagmamalaki kong I have a good diction! Oha! Can’t believe it?

              Okay enough of me, kay Saver naman tayo. Nandito pa rin kami, nagkekwentuhan, ang sarap nyang kausap, really. Di ka mababagot. Magkakaroon kayo ng iba’t ibang interesting topics. At sa ngayon eh nasa lovelife kami nakafocus. Yes. May time na kayo para masilip ang aking lablayp.  

              “So... How many? Ahm, girlfriends?” nakakahiya rin kaya ano! Babae ako, tapos ako pa yung unag magi-initiate ng move. Tama pa yung english? Sa diction lang ako maganda. Hindi sa grammar.

              “Hmm... I’ll answer that, pero isa lang yung sa lovelife ha? I don’t want to talk about it.” he said it with a bitter smile. “I only had one.” ramdam ko yung pait! Grabe! Bitter si Koya!

              “Ohh... Okay. If that’s what you want—” pinutol nya ako, “You? How many? Ahm, boyfriends?” haha! Nag-iwas pa sya ng tingin na parang nahihiya. Ang cute! Okay tama na muna ang landi Jeanne!

              “Hmm... Me? Honestly? I didn’t have any. My parents were sooooo strict. And also include my ever-dearest Kuya. Overprotective sila e. Kaya studies first muna ang peg ko.” can’t believe it? Sa ganda kong ‘to? Wala pa akong nagiging boyfriend! Unbelievable right?

              “Hahaha! Ganyan talaga pag unica hija. Masyadong protective. Ganyan din ako sa Ate ko.”

              “Sa Ate mo? May Ate ka pala? And to think na protective ka pa! Ang cute nyo siguro tignan.” I smiled at him. “Hmmm...” tumango-tango sya, “...yun nga yun e. Sa sobrang pagka-protective ko, ako pa yung nagmimistulang mas matanda kesa sa kanya. Hahaha!”

Love and Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon