Chapter 7

155 8 5
                                    

______________________________________________

Chapter 7: Friend

______________________________________________

[Jeanne’s POV]

              Hanggang ngayon, nandito pa rin ako, pero wala na akong naririnig na nagsasalita. Siguro pumasok na si Marvin. Haist! What was that? Anong nangyari? At higit sa lahat... ano yung mga narinig ko?

              “Kanina ka pa ba dyan?” tanong ng isang malamyang boses... si Marvin. Hindi ako nagulat, nanlaki lang ang mata ko kasi kala ko pumasok na sya. Teka parang ganun rin naman yun a? Tss. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nagulat, siguro some part of me eh nage-expect rin na nandoon pa rin sya... “Hindi naman... Ngayon nagyon lang...” minabuti ko ng magsinungaling (Sorry Bro! Ngayon lang naman po e!) kasi baka pag nalaman nya, magalit pa. Mahirap na.

              “Ahh...”

              L O N G S I L E N C E.

              M A H A B A N G  K A T A H I M I K A N.

              “Marvin? Pwedeng magtanong?” sorry di ko na napigilang hindi magtanong. Eh sa curious ako e! Baka mamaya mamatay ako nang dahil sa curiousity! “Hmm... What is it?” buti naman pumayag sya.

              “Ba... bakit ayaw mong magpatawag na Vin?” yun na lang yung tinanong ko, ayaw ko ng malaman kung sino si Mika, lalo lang nya kasing pinagulo! “Ahh... Yun ba? Ayoko kasi... naaalala ko sya.”

              Naalala ko sya

              Naalala ko sya

              Naalala ko sya

              Teka nga, sinong sya?  “Naalala ko sya kasi sya lang ang tumatawag sa akin ng ganun.” sabi nya, grabe, lungkot na lungkot sya. Ang bilis naman! Parang kanina... nagkukulitan pa kami, tapos ngayon bigla na lang syang mago-open up sa akin. Pero sa bagay, nagtanong ako e!

              Pagkatapos nung pagtatanong ko, hindi na lang ako umimik. Kasi baka lalo pa syang malungkot, hindi ko kayang makita ang kaibigan kong nagkakaganun.

              Teka nga! Nasan ba sya? Ako nga diba nakaupo sa swing, tapos nakayuko... eh sya? Nasaan? “Uy Marvin, nasan ka?” tanong ko. Feeling ko kasi nandyan pa sya. Gloomy pa kasi yung atmosphere e. “Nandito ako sa likod, nakaupo. Nakasandal sa puno...” sabi ko na nga ba e! Nandito pa sya, so bali... magkatalikuran kami? Kasi diba? Kindly use your imagination na lang. Hahaha!

              “Ahh...” yun na lang yung nasabi ko. Teka nga! Matabihan na lang yung lalaking yun at baka kailangan ng masasandalan. Hahaha! Okay akong sandalan e! Maasahan mo ako!

              So tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa swing then lumipat dun sa kabilang side ng tree, kung saan sya nakaupo at nakasandal. Nung naramdaman nyang merong tumabi sa kanya, napalingon sya, “Oh? Bakit ka lumipat?” takang tanong nya. “Wala, baka sakaling kailangan mo ng mapagsasabihan, nandito lang ako.” sabay ngiti.

              Ngumiti rin naman sya pabalik, “Ikaw talaga!” sabay gulo ng buhok ko! Argh! Pinaka ayoko pa naman eh yung pinakikialaman yung buhok ko! “Yah! Tama na! Wag mo ng guluhin! Naman oh!” inis kong sabi.

              “Hahaha! Okay lang yan, mababalik mo pa naman sa dati e. Ayusin mo na lang.” tapos ngumiti na lang sya. Alam nyo, kahit nakangiti sya, parang may mali. Ang lungkot kasi kahit nakangiti, pero I swept that thought on my mind, baka guni-guni ko lang ulit.

Love and Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon