Chapter 11

135 7 2
                                    

______________________________________________

Chapter 11: I'm sorry

______________________________________________

[Jeanne's POV]

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kagabi dahil sa pagiisip, at hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng mga katanungan.

"To all students of King University, please proceed to the auditorium now. To all students of King University, please proceed to the auditorium now." umalingawngaw ang boses ng aming directress sa mga intercom. Ano na naman bang pakulo ito?

Wala na akong nagawa kung 'di pumunta na lang doon, tutal, sa malamang-lamang eh may umaaligid pa rin naman na student council officers at teachers na naninita ng mga estudyante.

Nang makarating ako sa auditorium, sumalubong sa akin ang kakaunting estudyante. Bakit kakapiranggot lang 'tong mga tao dito? Well, maybe, hindi pa nila alam, or naglalakad pa lang papunta dito. Dahil isa ako sa mga ulirang estudyante ng King University, pumunta na ako sa pinakaharap ng stage.

Unti-unti na ring napupuno ang auditorium. Naku! Kahit may aircon dito, bakit di man lang nararamdaman? Nakaka-suffocate yung init kasi ang daming tao!

Habang nakatayo, iniisip ko kung anong meron ngayong month. Eh next month pa naman yung Christmas ball. Medyo pang-highschool, pero totoo! May ball din dito every Christmas, and that event usually happens before Christmas vacation, pero next month pa yun kasi November pa lang!

"Hello? Dear students, please calm down because I have some announcements to say today." naputol ang paiisip ko ng magsalita ang directress namin,

"Anong gusto nyong unahin ko? The good news, or the bad news?"

Marami ang nagsabi na bad, kabilang na ako dun. Syempre, para pampa-good vibes yung huli! Diba?

"Marami ang nagsabi ng bad news, syempre dahil mabait ako," pwe! Mabait? Saan banda, Madam? "good news ang uunahin ko."

"This month of November, we will have our 2nd Acquaintance party as our cue for the 2nd semester." naghiyawan naman ang mga estudyante dito, ano bang nakakatuwa doon? Magpapasosyalan na naman dito, magpapatalbugan ng mga dress na isusuot at kung sinong gumawa. Pwe! Kadiri! Di na lang ako a-attend. Tinatamad na ako, saka naka-attend naman na ako ng mga ganyan nung-

"But the bad news is... everyone must go and join the party." WHAT DAPAK? Everyone must go? Kasasabi ko lang kanina! Pero... hindi naman siguro lahat yun mache-check nila. Maniwala ako na kilala kaming lahat at mache-check talaga nila yun.

"Kaya yung mga nagbabalak na hindi sumali at pumunta, better to leave it hanging kasi whether you like it or not, pupunta kayo,"

"Kasi pag indi kayo pumunta, I tell you, uulitin nyo lahat ng subjects nyo this year. Sa mga graduating naman..." ito na... sa amin na ang nakasunod... sana Madam will spare us na kasi graduating na naman kami. Ilang taon naming naranasan na yan! Kaya please.... Spare me!

"Hindi kayo makaka-graduate."

H-huh? Tama ba ang narinig ko? Nakumpirma ko ito ng magsigawan ang mga kapwa ko nagluluksa.

"But Ma'am! I think that is too much! Nang dahil lang sa hindi pag-attend sa isang acquaintance party ay hindi na makaka-graduate? That's bullsh*t Ma'am!" isang malakas ang loob ang nagsalita. Pero gosh! Tinrash talk nya si Madam!

Love and Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon