Chapter 12

128 8 11
                                    


______________________________________________

Chapter 12: After All

______________________________________________

[Jeanne's POV]

 "Ayan Ateng! Ang ganda mo na! Perfect!" sabi nung paminta na nagayos sa akin. Well, tonight is the night! Ngayong gabi na yung party or whatever they call that. Parties are not my thing kaya iritang-irita na ako sa mga kolorete na nilagay ng baklitang ‘to sa mukha ko. Pero dahil may kabaitan naman ako, nginitian ko sya ng pilit.

 "Hoy panget nandyan na yung sundo mo!" narinig kong sigaw ni Kuya sa labas ng kwarto, and that means nasa baba na rin si Marvs at hinihintay ako.

 "Ateng nandyan na daw yung sundo mong pogey! Wait titignan ko itey, yummy sya dibuh?" biglang singit naman nitong baklang ito. At ano daw? Yummy? Ang landi ah!

 Di ko na lang sya pinansin at tiningnan na lang ang repleksyon ko sa salamin. Feel na feel ko yung kantang Reflection ni Mulan. Chos! Pero sa totoo lang, tila di ko na nga kilala ang babaeng nakatingin sa akin ngayon sa salamin. Parang ang laki kasi ng pinagbago ko. Totoo pala na malaki talaga ang epekto ng make up. It can turn you into a different person who you don't know.

 Nakatitig lang ako sa salamin ng biglang bumukas ang pinto, "Ay reflection!" sa gulat ko napasigaw ako with matching hawak pa sa dibdib.

 "ANO BA KUYA! WAG MO NGANG BUBUKSAN BIGLA YUNG PINTO! MAMAMATAY AKO NG MAAGA DAHIL SAYO EH!"

 "OA lang?" pabirong sabi ni Kuya habang lumalapit sa akin, "Alam mo baby girl,"

 "YUCK BABY GIRL TALAGA?"

 Binatukan naman nya ako, badtrip mamaya masira pa yung ayos ko ayoko na namang umulit ulit, masakit kaya sa pwet-an na umupo ng ilang oras, "Patapusin mo naman kasi muna ako bago ka mag-react!"

 "Oo na, oo na. Go na Kuya! Magdrama ka na ulit!" sabi ko na lang habang inaayos yung buhok kong kinulot sa laylayan.

 Pinatayo nya ako mula sa pagkakaupo ko dun sa harap ng salamin saka kami umupo doon sa kama ko, "Alam mo lumaki ka na napakapangit," napasimangot naman ako. Napakapangit talaga? Tsh!

 Natawa naman si Kuya sa naging reaction ko, "De, seryoso na nga. Ang ganda-ganda mo na baby girl. You've grown so much. I never expected na magiging ganito ka. Sayang wala dito sila Mommy para makita ka. Pero I am so damn happy that I with you sa mga sandaling ito. I am so proud of you baby girl."

 Nagtataka naman akong tumingin kay Kuya, "Kuya anong nakain mo? Bakit mo ‘to sinasabi? Parang naman mawawala na ako pagkatapos nito!"

 Napa-poker face naman sya, "Ang galing mo talagang mambasag ng trip ‘no? Dyan ka na nga!" sabay walk out. Anong nangyari? Bakit nag-walk out yung isang yun?

 Habang iniisip ko kung bakit linayasan ako ni Kuya e naalala ko si Marvs. Hala! Nagaantay nga pala sya sa baba! Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. At bago ko pa marating ang dulo ng hagdan, I saw him standing… there, at the end of the staircase staring at me as if I am the most beautiful girl in the world. Joke! Wala nakatitig lang sya! As if naman makikita nya ako na ganun diba?

 Tinitigan ko lang din ang kabuuan nya. He's wearing a tux that matches with my light gray dress. He look dazzling while waiting for me. Parang prinsesa talaga ako na hinihintay ng prince charming ko.

 "Ready?" tanong nya nang marating ko ang dulo ng hagdan habang nakangiti at nakalahad ang isang kamay.

 Nakangiti naman akong tumango at tinanggap ang kanyang kamay.

Love and Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon