Chapter 3

199 7 8
                                    

______________________________________________

Chapter 3: (Day of Revelations) 

______________________________________________

[Jeanne’s POV]

              Nakakainis! Nakakainis talaga sya! Mawawala ba daw ako!? For Pete’s sake I’m alive and kicking for at least 20 years! Tapos mawawala ako!? To hell with that! Nakakainsulto kaya iyun! Anong akala nya sa’kin!? Walang sense of direction!? Okay. OA na naman ako.

              Yung huli kong narinig sa jeep eh puro ‘Yieeeh!’ o kaya naman, ‘Ang sweet naman ni kuya.’ Tch. Really?! Sweet an yun sa inyo? Ang babaw ha! “O, bakit hindi ka na umimik?” hala ka! May gana ka pang magtanong?

              “Ang lakas din ng ampog mo ano? Sa tingin mo, bakit?” sana mapansin nyang sarcastic ako. Baka pairalin nya ang kaslowan nya. Tss.

              “E? Anong nangyari sayo?” aba’t! Ayan na nga ang sinasabi ko! By the way, we are on our way to their house. At tama nga ang hinala ko! Richkid itong si Saver! Nasa isang exclusive-subdivison-for-rich people lang naman ang bahay nya. Kami naman eh nasa subdivision na not-so-rich-exclusive. Gets nyo? Bale kung nasa taas sila ng pyramid ng mayayaman, nasa gitna kami. Basta yun na yun!

              “Wala! Nevermind! Wag mo nga akong kausapin! Bwisit.” inirapan ko na lang sya at nauna sa paglalakad. “Pst.” sinitsitan pa ako. Tss. Galing mo talaga pre. “Pst!” ay hindi pa rin tumigil? Ang tibay ha! “Pst!!!”

              “ANO?!” gulat sya nung lumingon ako ng padabog sa kanya. “A-ahm, nandito na tayo. Hehe.” O.O E?! Bakit hindi nya sinabi agad!? Napahiya pa tuloy ako!

              “Bakit hindi mo sinabi agad!? Kita mo na! Bisita mo hindi mo manlang gina-guide papunta sa residence nyo! Kabastusan kaya iyun!” nakakainis! Nakakainis talaga syaa!!!

              “So-sorry naman! Eh kasi kanina pa k-kita sinisitsitan ayaw mong lumingon! Ikaw din naman e!” a-aba’t!? Sinisisi pa ako!? Ayos ka ein a! Wait, wait! Parang kanina lang cool kami, anyare sa ‘min?

             

              Me talking to myself: Oy Jeanne Allyssa! I-off mo nga yang Katarayan 101 mo!

              “A-ah... Okay! *smile*” nagsmile na ako... Baka naninibago kasi sa change of mood ko. Baka sabihing my bipolar disorder ako. “Sorry din kung natarayan kita ha? Nainis kasi ako dun sa “Baka mawala ka eh.” line mo. Nakakinsulto kasi. Biruin mo!? 2 decades na akong nakatira sa earth tapos sasabihin mo pang mawawala ako sa pagbaba sa jeep? Are you nuts?” ayan nasabi ko na ang aking hinanakit.

              “Oh. I’m sorry my words offended you.  I’m really sorry Jeanne.” I saw sincerity in his eyes. Wow! Lalim naman! Hahaha. “No, it’s okay. Nagover-react lang ako. Okay lang, kaw naman. At least you apologized.” sincere din ako ‘no! Okay lang naman talaga, naoffend lang ako. Uso kasing magmove-on diba? Try nyo. Di nakakamatay.

              “So... We’re cool? Now?”

              “Yes. We’re cool now.” at ayun na! Nagsimula na ang ngitian at titigan fight! Ayaw nyang kumurap edi hindi ako magpapatalo! Ayaw mapawi nung mga ngiti nya, edi ngingiti rin ako!

              “Marvin?” naputol lang ang aming pangngingitian at pagtititigan nung merong isang malambing boses ang nagsalita. Syempre boses diba? Maririnig mo ba yun kung walang boses?

Love and Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon