Chapter 1

477 17 9
                                    

______________________________________________

Chapter 1: (Mr. Gwapo) 

______________________________________________

 [Jeanne’s POV]

             

              Out of the corner of my eye, I see Peeta extend his hand. I look at him, unsure. “One more time? For the audience?” he says. He’s voice isn’t angry. It’s hollow, which is worse. Already the boy with the bread is slipping away from me.

              I take his hand, holding on tightly, preparing for the cameras, and dreading the moment when I finally have to let go.

                             End of Book One                           

              “Ahhhh!” nagunat-unat ako. Grabe! 3 araw ang ginugol ko sa pagbabasa ng The Hunger Games! Ang sakit ng katawan ko! Huhu!

              “Jeanne! Bumaba ka na dito at kumain!” tawag sa’kin ni Kuya Fort. Oh well, di ko namalayan ang oras... 12:06 na pala ng tanghali? O kala nyo gabi na ‘no? Wala ayaw ko. Gusto ko tanghali.

              Dali-dali na akong bumaba, at baka kaladkarin pa ako ni Kuya pag hindi.

              Pagkadating ko sa baba... “Kuya anong ulam?” yan agad ang tanong ko. Eh sa medyo gutom na ako e. Tiniis ko lang kasi malapit na akong matapos kanina sa THG.

              “Diba nakikita mo naman? Ano ba Jeanne! Gamitin ang mata hindi ang bibig!” okay nasermonan na naman ako. Parang nagtatanong lang! “Oo na po! Sungit.” walang personalan ha? Ganyan talaga kami ni Kuya Fort.

              Yung viand pala namin eh beef steak. Yum yum! Specialty ni Kuya! Ang sarap talagang magkaroon ng Kuyang Chef!

              Napansin kong  hindi pa nagsisimulang kumain si Kuya, “Uy Kuya, di ka ba kakain? Ang sarap o!” bola lang yun. Wag kayong maniwala.

              “Wag na. May date ako mamaya. Baka di magkasya sa ‘kin yung polo ko.” aba’t! Bakit di ko alam na may girlfriend na si Kuya!? “Hala ka! Bakit di ko alam na may girlfriend ka na Kuya!? Bakeeet!? Sarili mong kapatid— Aray!” batukan ka ba naman di ka mapapaaray?

              “Anong girlfriend?! Makikipagdate lang! Pero wala akong girlfriend.” asuuus! “Yiieeh! Maglilihim pa e! Dali na! Di ko sasabihin kila Mama pagbalik nila.” hahaha! Pag meron nga... Mwahahaha! Magagamit ko itong pangblackmail! Makakakuha na ako ng extra baon! Mwahahahaha! Yes!

              “W-wala nga! Kaw Jeanne ha! Kuya mo pa rin ako!” kala nya naman masisindak nya ako! “Wa epek na yan Kuya. Mwahahahaha! Ano meron nga?” pakiramdam ko nagtitwinkle na yung mga mata ko. Hahaha! My money here I come!!!

              “Wala nga! Bahala ka na nga dyan.”

              *craaack*

             

Sounds yan ng nawasak na ngiti. XD Pakiintindi na lang.

             

              Nawala yung mga ngiti ko... Tumigil sa pagtwinkle yung mga precious eyes ko. Waaaaah! Ang pera koooo! Huhu! Nawala na sya ng parang isang bula! Huhu! So wala talaga? Anakngchuchu talaga oo!

Love and Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon