Chapter 4

170 7 4
                                    

______________________________________________

Chapter 4: Learning and Knowing 

______________________________________________

[Jeanne’s POV]

                Naramdaman ko na lang na may tumabi sa ‘kin. Si Saver ‘to. Amoy na amoy yung tapang ng pabango e! Kala mo naman aalis. “Kung kapatid mo si Fort, edi hindi mo rin alam na... Ikakasal na sya?” tanong ni Saver. Mukhang magkakaroon kami ng masinsinang paguusap ah.

                “Hmm...” pagsang-ayon ko. “Ni hindi ko nga alam na may girlfriend na yung Kuya kong abnormal eh.”   

                Gulat syang napatingin sa ‘kin, “Eh!? Hindi nya sinabi sayo!? Edi mas masaklap pa pala yung pagkainis mo... compared sa ‘kin. Kasi ako, alam ko namang may boyfriend si Ate, pero hindi ko lang alam na ikakasal na sya. Ikaw, di mo na nga alam na may girlfriend, nalaman mo pang ikakasal na.” oo naman! Nakakainis!

                “Hay! Tama ka. Nakakainis! Yung tipong, sarili mong kapatid? Pinaglihiman ka? Nakakainis na masakit!” okay. Ang drama ko naman ata.

                “Pero... Kung dun naman sila sasaya... edi suportahan na lang natin diba? Kesa maging hadlang pa tayo sa kanila.” dagdag ko pa.

                “Hmm...” pangsang-ayon nya.

                “Oh! Marvin, hijo! Nandito ka pala? I thought manunood ka ng tv sa salas kaya inaya ko si Jeanne dito.” bigla namang sumulpot si Tita. Kala ko hahaba pa yung masinsinang paguusap namin e! “Hindi na Mom, boring din kasing manuod ng television. Kaya manunuod na lang ako sa inyo.” magalang na  sagot naman ni Saver.

                “Okay. Just keep yourself comfortable here in the kitchen. Manuod ka na lang sa amin ni Jeanne. Baka masapawan mo ako sa galing mong magluto.” magaling syang magluto!? Wow!

                “Hahaha! Si Mommy talaga! Hindi kaya!” ngumiti lang si Tita tapos bumaling na sa ‘kin, “So... Halika na Jeanne? Let’s start?” tanong ni Tita Helen. “Opo!” sabi ko habang nakangiti.

                Ayun na nga, nagsimula na akong—este kaming magluto. At kinakain na rin ako ng aking curiosity. Kasi naman! Nakakapukaw ng interes ang pagiging cooking hottie ni Saver ‘no! Oo! Hottie! Kasi nga hot sya. Hahaha!

                Kita mo ngayon, nakahalumbaba sya habang tinitignan yung... Cooking book ba yun? Basta yun! Pero ang hot-hot na nyang tignan! Mwahahaha! Mukhang may hidden desire ako kay Saver ha? Okay stop na nga! Jeanne ang landi mo na. Stop it!

                “Ahm, Tita? Pwede pong magtanong?” syempre magpapaalam muna ako, diba? Baka sabihin wala akong galang. “Oh? It’s okay Jeanne. Come! Ask me and I’ll try to answer it.” nagwink pa sa ‘kin si Tita. Grabe! Isang araw ko pa lang nagiging friend si Saver, oh scratch that! Wala pa ngang isang araw ko syang kaibigan at nakakasama, close ko na agad family—este Mommy nya!

                Sumulyap muna ako kay Saver, “Ahm, Tita? P-paano po natuto si S-saver magluto?” nakaw. Nakatanaw ako kay Saver habang sinasabi yun. Baka maging assuming eh sabihin interesado ako sa kanya!

               

                Me talking to myself: Oy babae! Aminin mo na lang na interesado ka sa kanya! Magtatanong ka ba sa Mama nya kung hindi!?

Love and Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon