Chapter 8

149 7 2
                                    

______________________________________________

Chapter 8: Phone Call

______________________________________________

[Jeanne's POV]

Start na ng 2nd semester, at nandito na ako sa university. Nagmumuni-muni sa may bench malapit sa open field. Hay! Gusto nyo bang ikwento ko ang nangyari sa best friend ko sa America? Ito kasi yun...

**Flashback**

Nagkita na sila? Papaano? Sambit ni Jeanne sa sarili nya, at inisip kung maaaring tama ang hinala nya. "Na-nagkita kayo? Answer me Amber, nagkita kayo?" gulat at gulong tanong nya sa kanyang matalik na kaibigan. Bilang kasagutan, simpleng tumango si Amber at tuluyan ng humagulgol habang hawak ang kamay ni Jeanne.

"It hurts Jeanne, masakit makitang... Masakit makitang kasama nya yung ipinalit nya sa akin. They look so happy and inlove..." pumiyok na sya sa huling salitang sinambit nya, na tila pinapatay sya nito. Hindi na natiis ni Jeanne at tuluyan ng niyakap ang kaibigan, "Sshh, tahan na, tama na..." ngunit imbis na tumahan ang dalaga, mas lalo itong humagulgol, "Mas-akit Jeanne, sobrang sakit. I-I thought, we will last, for-ever."

Di alam ni Jeanne kung anong maipapayo nya sa best friend nyang pinagtaksilan ng magaling nitong boyfriend. Oo, boyfriend ni Amber ang nakita nya sa America, looking happy and inlove, kasama ang ipinalit nito di umano sa babae. "Bebe, kasi naman! Ito lang ang masasabi ko, walang forever ha? Di totoo yun! Kaya wag kang magpapaniwala sa mga ganun," tanging sabi nya, dahil wala naman syang ma karanasan sa ganyan. Sa love? Wala, kasi nga manhid yang babaeng yan, di nya nakikita ang mga lalaking nagtatangkang mangligaw o kaya mga nagpaparamdam sa kanya. Kaya hanggang ngayon, NBSB pa rin sya o No Boyfriend Since Birth. Yun ang alam nya...

"Ang h-hard mo na-naman Bebe!" humihikbing sabi ni Amber sa kanyang kaibigan na hindi alam kung papaano sya patatahanin, "Ganun talaga Bebe, truth hurts e!" parehas na lamang silang natawa sa kagagahan na nangyayari sa best friend nya.

**End of Flashback**

Natapos ang pagbabalik ko sa nakaraan ng may kamay na marahang kumakalabit sa akin, sino naman itong lapastangan na ginugulo ang magandang dilag na ito!? Okay OA na naman ako, "Ano ba!? Kita mong nagpapahinga..." okay? "Hello!" ngiti-ngiti nyang bati sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Saka bakit ka ba nangangalabit? Kita mong nagpapahinga ako e!" sabi ko sa kanya ng tuloy-tuloy.

Napataas naman yung kilay nya saka yung kamay nya e tinaas nya, "Woah! Chill lang naman Jeanne! Are you not happy seeing me here?" tanong nya sabay taas-baba ng kilay nya. Inirapan ko lang sya bilang sagot. "Paano ako magiging masaya kung inistorbo mo yung pagmumuni-muni ko? Hmp!" antaray ko mga Ati! Hahaha! "Sorry okay? Tss." nakaw mukhang sumobra ata ako sa pagtataray ko! Pero keri lang, mas matayog pa sa Statue of Liberty ang pride ko kaya, bahala sya. Umupo naman sya sa tabi ko at nanahimik.

Ito na naman ang katahimikan na nagbabalik, ilang beses na syang ume-extra ha? Hindi ko na kaya! Kaya nagsalita na ako, "Wala ka bang pasok?" tanong ko, pero nakatingin ako sa mga taong dumadaan, aba't! Tinitignan nila ako ng para bang may kasalanan akong ginagawa, kaya tinitignan ko rin sila! Aba di ata ako papatalo!

"Meron. I cut classes, why?" HA?! Nag-cutting sya? Napatingin naman agad ako sa kanya, at nakita ko ang napakagwapo-este nakita ko ang seryoso nyang mukha. "Di nga? Seryoso Marvin? Nagc-cutting ka!?" tumingin rin naman sya sa akin, sige magtitigan tayo dito magdamag, "Nope. Kidding!" sabi nya then tawa na sya ng tawa. Yung totoo? Inirapan ko na lang sya at tinuon na lang ang pansin sa mga dahon na unti-unting nalalaglag mula sa mga puno na nakapaligid sa amin.

"Jeanne," tawag ni Marvin sa akin, "Have you ever been inlove?" halos masamid naman ako sa tanong nya, kahit wala akong iniinom, "Ako? Nainlove? Hah! Ayoko pa, kaya it means na, hindi pa." matapang kong saad, naku! Ayoko ng mainlove! Aasa ka lang naman, kaya in the end, masasaktan ka lang. At ayokong masaktan

"Yeah, masasaktan ka lang..." mahinang sabi ni Marvin, but it is enough for me to hear those words. Bakit kaya ganyan 'to magsalita... saka may pinagdadaanan kaya itong lalaking ito? SAKA OMG! Nasabi ko yung nasa isip ko?! GHAD! Naman oo! Pwede pala iyon? Yung unconsciously mong masasabi yung nasa isip mo? Hahahaha!

Nagulat ako ng bigla syang tumayo, at nagsimulang maglakad papalayo, "HUY! Saan ka pupunta?!" I shouted, kasi medyo nakakalayo na sya. "Papasok na ako, sige bye!" sabi nya habang nakatalikod

***

[5:00 pm]

"I'm home!" sigaw ko, habang papasok sa bahay. Hmmm... tahimik ata? Nagtuloy-tuloy lang akong pumasok, I opened the lights, to found out na wala talagang tao. Nasan na si Kuya?

I scanned the room and there! May nakita akong note na nakaipit sa may tv namin. I quickly read what's within that piece of paper. Ah! Kaya pala wala ang magaling kong Kuya! Nagdate pala sila ni ate Cassey! Psh. Ang nakalagay dun sa letter e.

Jeanne,

Oy babae! Walang pagkain sa lamesa ha? Magde-date kasi kami ni Ate Cassey mo! :D HAHAHAHAHA Luto ka na lang ng pancit canton, o kaya hotdog o kaya itlog. Pakabait bunso ah? Hanggang 12 lang si Kuya. Labyu bunso!

-Kuya mong Gwapo :D

Sorry medyo mahangin si Kuya, oh well! Wala pa lang pagkain, anong gagawin ko? Magluluto? Nah. Magbubukas na lang ako ng century tuna! Hahaha! Nakakatamad kayang magbukas ng kalan.

Pumanhik na lang ako sa kwarto ko at nagsimulang magbasa sa eBook, oo wala na akong pambili ng book. Hahaha!

"Saan nga ba ako natapos sa Catching Fire?" tanong ko sa sarili ko, ah! Yung pumunta na si President Snow sa bahay ni Katniss! Agad kong hinanap yung page nay un, pero habang naghahanap ako, bigla akong nakarinig ng kaluskos. Gah, what was that? Dinapuan agad ako ng kaba, wala pa naman si Kuya ngayon! Dali-dali kong binaba yung cellphone ko at kinuha yung baseball bat sa ilalim ng kama ko. Oo meron ako pang-self defense, sa mga pagkakataong katulad nito.

"Lord! Sana wag naman yang rapist!" I silently prayed. Pinatay ko yung ilaw sa loob ng kwarto ko para di nya ako makita. Huhuhu! Kuya bumalik ka na! Naiiyak, na naiihi, na naeewan ako habang nanginginig na nakahawak sa baseball bat ko. Nakaharap ako sa pintuan ng veranda ko, dahil dun nanggagaling yung kaluskos na narinig ko kanina.

Dahil madilim sa loob, tanging shadow nung kung sino man yung makikita ko. Talagang nakatutok ako sa labas ng biglang may nag "meow". HAH! At ayun, confirmed, isang pusa lang ang nasa labas, lumingon ito sa akin, at boom! Kumikislap yung mga mata nya.

Psh! Kala ko naman kung ano. "Pisti kang pusa ka!" sigaw ko sa kanya, saka binitawan ang baseball bat at nagdesisyong bumaba na at kumain. I doubled checked the locks dito sa taas, para naman sure akong di kami malolooban. Buti na lang napalagyan ni Daddy lahat ng pinto ng double lock sa loob. Di naman kasi nawawalan ng tao dito sa bahay. Kaya sa loob lang yung double lock. Okay, bakit tayo napunta sa double lock?

Kumain na lang ako ng kanin at ang ulam ay... century tuna! Ang sarap hano? Hahaha! Pagkatapos kong kumain e, hinugasan ko na lang yug pinagkainan ko at umakyat na sa taas para magbasa ulit.

Nasa chapter 3 na ako ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko at lumabas sa screen ang isang unknown number. Huh? Paano naman nalaman nitong lalaki or babae or whatsoever ang number ko? Binubugaw na pala ang number ko ngayon, huh?

Pero for the sake of formality, "Hi? Hello? Sino po ito?" pero walang sumagot. Tanging paghinga lang ang naririnig ko.

"Hoy! Tumawag-tawag ka tapos di ka sasagot?! Naglolokohan ata tayo a!"

"...I miss you Allyssa..."

Hah? Ano daw? "Miss mo ko? E hindi-" sige. Binabaan nya ako. Great lang ha? After calling me, tapos di mo pa sinabi yung pangngalan mo, then you'll tell me you miss me? Duh! Tapos kilala nya ako, e bakit ako di ko sya kilala? Peymus na pala ako, ganun? Tsh. Ganito na ba talaga ang mga tao ngayon?

Love and Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon