Chapter 6

114 5 3
                                    

______________________________________________

Chapter 6: Mika

______________________________________________

[Jeanne’s POV]

             

              Nakabalik na ako sa may kama nya para kumain, halos naubos ko na yung Caldereta wala pa rin syang imik. Nakakabingi na nga yung katahimikan eh. Tulala pa rin sya. Tss. Ano bang meron sa Vin? Nakakaintriga ha!

              Mukhang natauhan naman sya at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ko, “Oh, kumain ka na! Ikaw pa naman yung nagpahatid nito dito.” sabi ko, pero as usual, walang response.

              Nang makarating sya, sinimulan na nyang kumain, “Haist! Ano bang meron sa Vin at bigla kang nanahimik at natulala bigla, ha?” di ko na napigilan itong bunganga ko. Nakaka-curious kasi masyado!

              He did not respond to my remark, instead he continued to eat in silence. “Hoy Saver! What the hell? Di mo ba talaga ako iimikin? Nakakainis na a!” wala pa ring progress. Kumakain lang sya habang nakayuko. At hindi na nagsalitang muli.

              Nung matapos syang kumain, itinabi nya yung pinagkainan nya sa may upuan. At saka dumeretso sa may pinto.

              “Tara na. Bumaba na tayo.” sabi nya sabay talikod, papunta sa may pintuan. I stopped him by grabbing his arm, “Ano ba Saver?! O Vin!? O Marvin!? Bakit ka ba nagkakaganyan? Diba magkaibigan na tayo? Bakit ayaw mong sabihin? Huh?” inis na tanong ko sa kanya. Nakakainis kasi talaga!

              Tumigil sya pero di nya ako nilingon, “Wala. Halika na, bumaba na tayo. Bilisan mo.” sabi nya habang papalabas ng kwarto.

              What was that?

--

              Parang kanina nagkukulitan pa kami a! Anong nangyari sa kanya? Kanina pa yan paikot-ikot sa akin. Di ko kasi sya maintindihan! Kanina masaya pa sya, pero simula nung tinawag ko syang “Vin” naging tulala at tahimik na sya. Kasalukuyan kaming bumababa ng hagdan, nasa likuran nya ako. Ayokong sumabay sa kanya, baka mamaya magalit pa sya sa akin.

              Isang nakakabinging katahimikan, dahil dito naalala ko si Kuya... si Kuya!? Nandito nga pala sya! Hala ka! Lagot ako nito! Tsk!

              “Nakakainis!” pagmamaktol ko, kaasar!!! Bakit ko ba kasi nakalimutan na nandito yung magaling kong Kuya? Ay teka nga... diba dapat sya yung matakot!? Kasi naiinis pa rin ako sa kanya sa paglilihim nya!? Diba!?

              “Oo nga! Dapat di ako matakot sa kanya!”

              “Bilisan mo nga dyan Jeanne!” ay! Naku! Nasa baba na pala si Vin, oo kahit medyo pissed off sya sa nickname na “Vin” tatawagin ko pa rin sya ng ganun. Eh sa haba ng Saver saka Marvin eh!

              Bumaba naman ako kaagad kasi baka sumabog na yung isa sa inis. “O nandito na ako! Ano na namang gagawin natin ngayon? Ihahatid mo na ako?” tanong ko sa kanya.

              “Hindi. Pupuntahan natin sila Ate sa kusina.” sabay talikod. Wow ha! Talagang ilalaglag nya ako sa Kuya ko! Kaenes talaga! Nalukot tuloy yung mukha ko. I mean yung nakakunot noo tapos nakasimangot? Ganun! Nakakainis kasi sya!

              “Napakabossy mo talaga! Nakakainis ka!” bulong ko. Sumunod na lang ako sa kanya sa kusina. Pero bago ako pumasok, nakinig muna ako sa pinaguusapan nila.

Love and Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon