This Time It's Real: CHAPTER 1

138 2 0
                                    

Beeeeekkkssss, beeeeekkkssss

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Beeeeekkkssss, beeeeekkkssss..frieeennndddd.. ano ba, gumising ka nga!!! bonggang sigaw ang narinig sa loob ng Thai Beauty and Aesthetics Clinic.

Napatayo si Ronnie sa sofa..Napadilat ng di oras..

"Friend, crying crying ka na naman habang natutulog"..Sabi ni Chinks kay Ronnie.
Bakla ano ba, 2 years na tayo dito sa Thailand di ba? Pabalik na nga tayong Pinas e. Di pa ba tapos yang emote mo?"

Ronnie:
Ano ba naman Chinks.. Kung makagising ka naman aatakihin ako sa yo e. OA ka. Emote emote. Di ba puedeng nahimbing lang ng tulog?

Chinks:
Ewan ko lang sis ha. (pinahid ni Chinks ng daliri ang gilid ng mata ni Ronnie)

Eto, ano to, nakita mo, basa di ba? Kase may luha. Ano gurl, nanaginip ka ng horror kaya naluha ka na naman? 2 years ago ganyan ka na. Natutulog pero bumabagsak ang luha. Ngayon, pareho lang teh. Parehong pareho lang.

Ronnie:
Ewan ko sa yo. May luha lang di na agad maka move on, di ba puedeng nagmumuta lang?

Kahit ano namang sabihin ko e hindi ka naman maniniwala. Ok na ko. Moved on na ko. Kaya nga uuwi na ng Pinas di ba? Baka ikaw ang di maka move on.

Chinks
Wow ha. Ako daw talaga. Anyways ok Teh, push na natin mga bagahe natin. Maaga pa flight natin tomorrow. Yung mga beauty maintenance natin ha. Alam mo na.. Hay naku, thank you Thailand talaga ako sa beauty ko.

Ronnie
Ok ok. Ikaw lang ang thank you Thailand
Yung saken natural..hahahahaha

Nagharutan na ang dalawa para ayusin ang mga bagahe nila.

Pauwi na silang Pinas after 2 years na pagtatrabaho sa isang Aesthetics Clinic sa Thailand, kung saan nakita nila kung paano maaring maging ganap na babae ang isang beki. May mga Pinoy silang nagging kliyente, pero di nila puedeng sabihin kung sino dahil bawal. Dahil jan, wala na tayong pakiaalam.

Next Scene

Imaginin ang eroplano na naglanding airport. Naimagine mo ba!

Ok, lumapag na ang eroplanong sinasakyan ni Chinks at Ronnie sa Ninoy Aquino International Airport. 2 years din silang nawala.

Paglanding na paglanding ng eroplano, ini-on na ni Ronnie ang i-phone nya. Naghihintay sya ng text message na "welcome back babe, nasa parking na kame to fetch you. Naka land na ba kayo?" Pero hindi sya makakatanggap ng ganung text dahil unang una, di naman sya nagpasundo, at pangalawa, wala syang babe.. Wala na..

'Wag mo munang itanong kung bakit wala na. Mamaya pa sasabihin, otherwise, madaling matatapos ang istorya at walang thrill.

So dumaan na sina Ronnie at Chinks ng immigration. Habang nasa immigration cubicle si Ronnie, chineck ng immigration officer ang passport. Tinanong sya :

This Time, It's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon