This Time, It's Real: CHAPTER 6

8 0 0
                                    

Ok, review tayo. Mejo mahaba na kasi and alam ko naman na puedeng nakalimutan mo ang mga naunang istorya.

So si poging Gino ay anak ni Tita Celly na may ari ng ng salon delivery supplies na inoorderan nina Ronnie, may bestfriend sya na gentleman at mabait, ang pangalan ay Chris. Nag Amerika si Tita Celly para sa nanay nyang may sakit, kaya si Gino muna ang to the rescue sa negosyo nilang mag ina, kaya nag krus ang landas nila nina Ronnie, Chinks at Joel. May phobia si Gino sa mga beki, slight lang naman, at inakala nyang tansgender or retokadang bakla si Ronnie. Assuming kasi si Gino. Porket nagtatrabaho sa salon at beking beki ang pananalita bakla na? Hindi ba puedeng babaeng bakla?

E ito naman din kasing si Joel, na loyal staff ni Ronnie sa Salon e pinatulan ang maling akala ni Gino. Sinabi nya kay Gino na yung picture ng lalaki sa bahay ni Ronnie (na picture ng kuya niya na bakla din, na maagang nategi) e si Ronnie nung lalaki pa ito. So dahil kamukha ni Ronnie ang kuya nya, may pagka-tangang naniwala kay Joel na transgender si Ronnie.

Si Ronnie ay si Ronalda, na ipinilit isunod ang pangalan sa tatay nya na si Mang Ronaldo. Babae sya, pero dahil napalibutan ng mga beki mula ng bata pa, baklang bakla ang mga kilos at salita nya. Kung di mo sya kilala mula pagkabata, mapagkakamalan mo nga syang bakla..ok, magandang bakla. Focused sya sa negosyo, NBSB (no boyfriend since birth). Simula kasi ng mamatay ang Kuya nyang Beki, sya na nagpatuloy ng naiwan nito. At dahil dyan, marami syang taray moments, na gusto namang iresolve ng 2 taga rescue ng loveless life nya – sina Chinks at Joel.

Si Chinks, pinsan ni Ronnie. Beki din. Sya ang tunay na transgender. Nakita nya ang paglaki ni Ronnie. And kahit alam nyang happy naman si Ronnie sa pagmamanage ng salong na iniwan ng Kuya nya, alam nya that Ronnie deserves to be happier. Kaya, nang patulan ni Joel ang katangahan ni Gino na naniwalang transgender si Ronnie, nakakita sya ng pagkakataon na i-dare si Ronnie na ipa-fall si Gino sa kanya. Hoping sya na ito ang simula ng bonggang bonggang love story ni Ronnie. Pero, ang tanong..ito na nga ba?

February 10 na, malapit na ang birthday Chris. Naisip nyang i-invite ang mga beki sa simpleng dinner sa bahay nina Gino – pampasaya lang. Dumaan sya sa salon one time.

Chris: Knock knock

Si Joel ang sumalubong sa kanya.

Joel: Uy, Papa Chris..Kamusta ka na?

Chris: Hi Joel. Ok naman ako. Andyan ba sina Chinks at Ronnie?

Joel: Ouch, bakit sila hinahanap mo, e andito naman ako..

Chris: Oh, sorry. Mag-iinvite lang sana ako

Joel: Joke lang, ikaw naman. Masyado kang serious, nahahawa ka na sa kaibigan mo..hihihi. Tungkol saan ba yang invite nay an?

Chris: Birthday ko kasi sa Feb 14. Daan naman kayo sa bahay nina Gino. Dun kame magkakainan. Eto address.

Joel: Wow. Thank you naman for inviting us. Grabe, kalian lang naman tayo nagkakilala, pero invited na kame sa birthday mo..thank you naman

Chris: Ano ka ba. Wala yon. E ang saya nyo naman kasing kasama. Tsaka konti lang din naman friends ko, so sama sama na tayo. Pakisabi na lang kina Ronnie ha.

Joel: Ok, push yan Papa..See you there!!! Aaaaaayyyy...hhihihihi

Pag alis ni Chris, maya maya, dumating na si Ronnie at Chinks. Mega salubong na naman ang hyper na si Joel.

Joel : Hello Mama Rons, Mama Chinks. Kamusta ang mga thunders sa shelter ?

Ronnie : Hoy, Joel, umayos ka nga. Respertuhin mo yung mga matatanda sa shelter. Wala na ngang tagapag alaga yung mga tao.

Joel : alam mo Mama Rons, ang bitter bitter mo. Di ko alam kung baket? Yan ba nagagawa ng maagang nagme menopause? Grabe sya oh, kinukumusta ko nga e di ba? Hay naku, may good news pa naman ako sayooooooooo!!!

Si Chinks, bilang sabatera ng taon, mega sabat:

Chinks: O, e ano naman yang good news na yan? Matutuwa ba kame jan?

Joel: Ay naku, mama Chinks. Oo, bonggang bonggang tuwa. Invited ako..Invited ako sa birthday ni papa Chris, sa Feb 14. Sa bahay ni Papa Ginoooooo !!!! aaaaaaayyyy... di ba, ang bongga !!!

Ronnie : Ikaw lang ? Ikaw lang ang invited ?

Joel : Ay, maka react o, halatang halatang inggitera...

Binatukan ni Ronnie si Joel

Ronnie: Tingnan mo to.

Joel : Joke lang..napaka serious kasi lagi..Ok, fine, invited din kayo. Sabi ni Papa Chris, isama ko daw kayo. Pero kung di kayo makakapunta ok lang.

Chinks: E saan ba yan?

Joel: Malapit lang, jan, sa bahay nina Papa Gino. Punta tayo ha..pleaaasssseeee!!!

Chinks: Aba siempre, puntahan natin yan.. Ronnie, sama ka ha..Naku, kung hindi ka sasama, mapupuntusan ka nitong si Joel.

Ronnie: Ok fine. Paghahandaan ko yan. Sa palagay ko sa event na yan. Mapo-fall na saken yang ungas na Ginong yan.

Dahil sa sinabi ni Ronnie, nagkindatan na naman sina Joel at Chinks. Mukhang nagbubunga na ang plano nila.

Simula na nga ba ng pagka fall ni Gino kay Ronnie? Let's all find out in the next chapters!

This Time, It's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon