This Time Its Real : CHAPTER 18

4 0 0
                                    

Alas otso ng umaga. Yes 8:AM.
Nasa harap ng salon si Gino.
Sarado pa ang salon, pero nakatitig lang si Gino sa pinto nito at hinhintay na sana may lumabas na at magbukas.

After few minutes, binuksan ni Ronnie ang pinto, naka shorts and sando, hindi pa ang usual nyang damit sa salon. Basa pa ang buhok nya, halatang bagong ligo. Nagulat sya pagbukas ng pinto.

Ronnie:
Uuuuy..Ginooo..anong ganap mo jan? ang aga mo. wala naman kameng order this week. Tsaka long time no see. para kang kabute ha, biglang sumusulpot..

Gino:
Hi Ronnie. Pasensya na..ngayon lang ako ulit nakadaan. may inasikaso lang ako.

Ronnie:
Oo nga..balita ko may girlfriend ka na daw (mejo may sakit ang pagkakasabi nito ni Ronnie)..e mabuti naman..

parang walang narinig si Gino sa.sinabi ni Ronnie, lutang pa kasi sya. Kaya eto nasabi nya.

Gino:
Ah, Ronnie..puede ba tayo mag coffee sandali?

nagulantang si Ronnie sa sinabi ni Gino..biglang parang ambilis ng hangin na kunyari di nya narinig si Gino sabay..

Ronnie:
Ay ano ulit Gino? Sorry di ko narinig.

Gino:
Kung puede sana tayo magcoffee sandali

Ronnie
ah. ok. e mag aagahan na kame. actually bibili nga ako ng pandesal. gusto mo ba sumabay na lang samen?

Gino:
Eh, ok lang ba if tayong dalawa lang. may sasabihin sana akong importante.

Sa moment na to, aba nag aassume na ang lola Ronnie. Bubble thought ni Ronnie: sasabihin na ba nya? Winner na ba sya sa pustahana nila ni Joel? Nainlove nga kaya sa kanya si Gino? E paano? Kailan?

habang lahat yan ay naglalaro sa isip ni Ronnie, eto na lang nasabi nya kay Gino.

Ronnie:
Ah eh, ok. sige. tara?

end of chapter

This Time, It's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon