This Time It's Real: CHAPTER 2

40 0 0
                                    

Backgrounder – super best friend si Chris and Gino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Backgroundersuper best friend si Chris and Gino. Kilalang kilala nila ang isat isa. Classmates sila since kinder, at sabay silang pinaliliguan ng mommy ni Gino nung maliliit pa mga pututuy nila. Nagkahiwalay lang sila nung college dahil magkaiba course nila, but they remained best friends despite having other circles. In fact, naging magka squad na din ang circles nila dahil sa kanilang dalawa

They live in that condo.. Nakikitira si Chris. Kay Gino yung condo. Paminsan, nagdadala ng babae si Chris sa condo and Gino dont mind. Si Gino, never pang nagdala ng babae sa condo since nacquire nya yon. Sa eksena nila kanina, mukang nag aaway lang sila, pero ganun talaga silang magkaibigan. Magkapatid na kasi ang turingan nila — gets mo background ng story nila? Ok move forward tayo..

1 week after nakabalik ng Manila sina Ronnie. Nabisita nya na ang mga kamag anak. Nakapamigay na ng konting pasalubong. Nag hi-hello na sa mga dating customer at kaibigan.. Nagfocus na ulit sya sa salon..

Oo, negosyo ni Ronnie yung salon at si Joel ang mapagkakatiwalaan nyang kauna unahan nyang hair dresser na naging parang kapatid nya na. 4 years nya na ring negosyo ang salon nya. Nag Thailand sya for 2 years at kay Joel nya iniwan ang pagmamanage ng salon. Baket kay Joel? Wala ba syang kamag anak? Meron naman. Pero may mga kany kanyang interes sa buhay, so, wag na nating pakialaman si Ronnie dahil minamanage naman ng maayos ni Joel ang salon. Kumikita naman ito

It's another day sa Pinas para kina Ronnie and Chinks. Back to their old life ang drama nilang dalawa. Balik sa pagmamanage ng salon si Ronnie, at si Chinks naman, always at Ronnie's back para tumulong. Habang nag aayos ng stocks, si Ronnie, tinawag si Joel.

Ronnie: Joeeelll, joeeell.. 2 packs na lang langrebond mo. Di ka pa ba oorder? Tsaka may nag paschedule ng brazilian keratin bukas, sino puedeng gumawa. Si Dondie na lang? (Wag masyadong uriratin kung sino si Dondie. Kailangan lang ng pangalan ng tauhan sa salon)

Joel : Mama, dont worry. Mamaya magdedeliver na yung bagong supplier ng gamot. Keri na yan. 1 month supply yun. Yung sa keratin, ok, si Dondie na lang.

Parang nabigla si Ronnie nung narinig nya yung bagong supplier.

Ronnie: Bagong supplier? Why, hindi na ba si Tita Celly nag susuply saten?

Joel: Hindi na Mama. Di mo ba nabasa yung message ko sayo last year. Di ba nga, binenta na ni Tita Celly yung negosyo? Wala na din kasi nag aasikaso..actually parang yun din naman ang supplier pero iba lang may ari.. You know, di ba, si Tita Celly nagkasakit nga di ba, kaya di ba, si Papey, yung si Papey, remember? Kaya sya yung dating nagdeliver dito.. Hanggang sa...(masyado nang maraming sinasabi si Joel kaya mega shut up na sya ni Ronnie

Ronnie: Oo na Joel, naintindihan ko na. Alam ko na, di mo na kailangang i-elaborate. Ok na. Gets na gets ko. (Habang nagdadaldal si Ronnie, may pumasok na customer) Sige na, Paki assist si Ma'am ng matigil ka.

This Time, It's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon