This Time, It's Real: CHAPTER 11

5 0 0
                                    

So Coffee Shop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

So Coffee Shop. Masaya ang naging kwentuhan nina Gino at Ronnie.

Ronnie: Uy, Gino, kamusta nga pala si Tita Celly.

Somehow, napangiti ang 'heart' ni Gino sa tanong na yon ni Ronnie. In the middle ng awkward coffee moments kasi nila, naiiisip pala ni Ronnie and mother dear nya.

Gino: Ok naman si Mommy. Madalas sya tumawag to tell me about my Lola's condition. I'm trying to cheer her up para di sya masyado mastress dun. I don't want her to worry na din sa business nya ditto.

Ronnie: Wow, ulirang anak ka pala.. hahaha. E si Lola mo, ok naman na sya ?

Gino : Well, hindi masyado. Pero, somehow she's recovering I guess.

Ronnie: Naku, ganun ba. Sige, isama namin sya sa prayers namin.

Gino : Wow. Thank you naman..that's sweet, thank you.

Dahil that's sweet daw sabi ni Gino, medyo nagblush ng very very light si Ronnie. Siempre, hindi sya nagpahalata..Bawi agad sya ng pakemeng joke nya.

Ronnie: Ikaw naman, maliit na bagay. Pero, teka, maiba ako. Yung girlfriend mo, minsan isama mo sa Salon. I-hair treatment naming kayo pareho..O di ba, ang cute nyo non..hihihih..

Sa puntong ito, pansin mo ba na pumi-fishing na ang echoserang si Ronnie? Ano ang fishing? Simple lang, kunyari, sina-suggest na isama ang GF sa salon, pero sa totoong buhay, gusto nyang malaman kung may GF si Gino, nang hindi nya rektang tinatanong. Pag sumagot si Gino ng ok, isasama ko, that means may GF na sya, so, luz valdez ang laro nila ni Joel. Pag sumagot si Gino ng "a e, wala naman akong GF" o, e di, puma pag asa ang peg ni Ronnie, kung sa laro man o sa totoong buhay, hindi natin alam kay Ronnie.

Sumagot si Gino.

Gino: Ah, wala akong girlfriend.

Ronnie: Oh, e bakit naman..naghiwalay kayo?

O di ba, pumi-fishing pa rin ang lola

Gino: Hmmmm, nope...'haven't had any GF...

Sa sagot na 'yon ni Gino, napaisip sya ng bonggang bongga. Closet beki kaya si Gino? Sa gwapo nyang yun, never pa syang nagka GF? Kunyari lang ba noon na may beki phobia sya, pero in truth, in denial lang ba sya na beki din sya? Kaya ba ngayon, palagay na loob ni Gino sa kanya, kasi, akala nga ni Gino is beki sya. Kung beki si Gino, gugustuhin nya ba na ma in-love sa kanya si Gino, e gerlalu naman talaga sya?

Sa dami ng naiisip ni Ronnie, napansin na ni Gino na medyo natigilan sya at medyo nahulaan ni Gino kung ano ang naglalaro sa isip ni Ronnie. Nag react na si Papa

Gino: Oh, we-we--wait wait. I think I know what you're thinking..Ok, I'm not gay.. No, please. I just, I don't have time for that you know. I mean, I know I'm mid 20's but, I just got too focused with work. Ok.

Na feel ni Ronnie ang pagkadefensive ni Gino:

Ronnie: Ikaw naman. Di mo naman kailangan mag explain. Ker ilang yan Papa G. Ako din naman, di pa bagkakaboyfriend..since birth..hahahahaha..Focused din ako sa work..hahahaha..Dahil jan, palagay ko, compatible tayo..hahahaha..

Natigilan ng bonggang bongga si Gino dito. Serious na si Ronnie ? 'Is he reall telling me that ?'" Sa isip isip nya..At pinakawalan na ni Ronnie ang half meant punch line nya.

Ronnie: JOOOKEEE!!! Hahahahha..Ikaw naman kasi Papa G. napakaserious mo. Losen up..O ayan, juicecolored naapa English na ko sa yo. Ang serious serious mo naman kasi. Number 1, di mo kailangan mag explain kung NBSB ka. Tsaka kung isipin ng iba na beki ka, e kung kilala mo naman sa sarili mo at alam mong hindi, keri lang yan.

Pagkatapos ng dialogue nay un ni Ronnie, may pahabol pa syang bulong :

Bulong ni Ronnie : E ako nga, inakala mong beki ako.. ang ganda gandang gerlalu ko kaya. Bwiset.

Buti kamo, di yun masyadong narinig ni Gino

Gino : Sorry, what's the last one you're saying.

Ronnie: Ah, wala, basta, tanggapin mo yang sarili mo. Yun lang. Ikaw naman nakakakilala sa sarili mo di ba..Yun lang..naku, yang kape mo, lumalamig na..

Gino : Thanks Ronnie. Alam mo, buti niyaya kita mag kape. Ang gaan mo kasama. I mean, never in my entire life did I think na I would hang out with gays like you.

Napabulong na naman si Ronnie:

2nd Bulong ni Ronnie : Baklang bakla talaga tingin saken nitong kumag na to..babae ako, babae ako...

Habang bumubulong si Ronnie, may nag ring na phone na gang ringtone ay kanta ni Tuesday Vargas na 'Babae po ako. Mali kayo sa inaakala nyo..Babae po ako'. Oo, isa itong coincidence, ganun talaga ang mga istorya, kailangan may mga coincidence.

At dahil dumidilim na din, niyaya na ni Ronnie si Gino para makabalik na rin sila sa Salon.

Ronnie : Naku Gino, palagay ko, kailangan ko na bumalik sa salon. Check ko din kung ok na si Chinks. Tara, gorabels na tayo ?

Gino: Oh, of course, let's go.

Umalis na ang dalawa pabalik ng salon.

Nagiging mas palagay na si Gino kay Ronnie. Lalaki ba talaga si Gino o beki pala sya? Kung beki nga sya, may pag asa bang magkagusto nga sya kay ROnnie? Kung magkakagusto naman sya kay ROnnie, pano naman sya gugustuhin ni ROnnie, kung beki naman pala si Gino at closet king pa lang ngayon?

Hay, ang gulo. Pero, gusto ko to.

This Time, It's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon