This Time, It's Real: CHAPTER 9

5 0 0
                                    

Wednesday na, araw ng punta nila sa Shelter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wednesday na, araw ng punta nila sa Shelter

Maagang nagbasta sina Ronnie and Chinks. Ayaw naman nilang malate at paghintayin si Gino. Nasa labas na sila ng salon bago pa mag 7am. Maya maya dumadating na si Gino.

Gino: Hello guys..Good morning..Sorry, am I late?

Chinks: Ay hinde Papey, maaga lang talaga kame..baka kasi maghintay ka pa if malate kame.

Ronnie: Hi Gino. Ikaw lang? Di mo kasama si Chris ?

Mejo na hurt si Gino sa paghahanap ni Ronnie kay Chris. Pero di sya aware na mejo hurt sya..Pansin lang sa mukha nya at sa mejo sarcastic nyang sagot. Gets mo ?

Gino : Ah, hindi e. Gusto mo ba sya kasama?

Na-awkward naman ng slight si Ronnie. Sa loob nya, hanap pa kasi sya ng hanap sa taong wala. Mejo natakot syang baka magsungit ulit si Gino kaya mega bawi sya agad.

Ronnie: Ano ka ba.. hindi naman. E akala ko naman kasi magkadugtong bituka nyo, kung nasan yung isa, andun din yung isa. Nagtaka lang ako na wala sya..Pero ok nga yan, masosolo ka namin..hahahahaha

Bubble thought ni Ronnie : Ay shet, ano ba yung nasabi ko. Nakarecover na sa slight na pagkainins si Gino

Gino: May lakad kasi sya today, e mejo importante. So, pano, let's go?

Sumakay na ng 2 sa kotse ni Gino. Mabango sa loob ng kotse ni Gino. Toyota Vios ang kotse nya, pero maayos na maayos . Sa simula ng trip, awkward pa ang 3 sa loob. Pero sa wakas, nagsimula na ring dumaldal si Chinks .

Chinks : Papa Gino, buti ok lang sa yo na kasama mo kame ? Balita kasi naming takot ka daw sa beki?

Tinitigan ni Ronnie so Chinks. Ang bongga naman kasi ng pagka straightforward ni bakla. Sumagot naman si Gino.

Gino: Uhm, yun ba? Well, hindi naman sa takot. I mean, maybe uncomfortable..I don't know.maybe that.

Iniba ni Gino ang usapan dahil mejo na o-awkward na sya.

Gino: Mahilig ba kayo sa acoustic music? Ito na lang patugtugin natin ha.

Chinks: Ay wag yan, eto, may USB ako ng music ni Mariah..Eto eto na lang ha..KEri mo?

Ronnie: Ay, hindi ka rin ready Chinks no. Naku pagpasensyahan mo na yan si Chinks Gino. Kung ano gusto mong pakinggan, push namin yan.

Gino: Oh, no, it;s okay. Here, let's do Mariah.

After 1 hour ng travel paantipolo, dumating na sina Ronnie sa Shelter. Feel at home na sina Chinks at Ronnie sa lugar. Pagkakita pa lang sa kanila ng guard, pinagbuksan agad sila ng gate

Guard: Hello po Ms. Chinks, Ms. Ronnie. Wow, asensado po kayo ngayon. De tsikot kayo, may poging driver pa.

Chinks: Hello manong. O di ba ang bongga namin today. Madami din kameng lafang ngayon.

Guard: Uy, ayus po yan. Tulungan ko na po kayo.

Pinakilala ni Ronnie so Gino kay Manong Guard.

Ronnie: Kuya, ito pala si Ronnie. Supplier namkn sya sa salon. Nakwento namin sa kanya tong shelter kaya ngayon join na sya samen.

Guard: Ay, hello Ser. Mabuti naman po at naisip nyong sumama din dito. Naku, matutuwa po ang mga lolo't lola. Tara, pasok na ho tayo..

Gino: Salamat Kuya.

Pagkakita pa lang ng mga "thunders" (oo, tawagin na natin silang thunders.. Para cool lang), nagmamadali itong sumalubong sa grupo

Lola Eldy: Oy, nako Ronnie, andito ka na ulit. O, e nadala mo ba yung Hiwaga Komiks ko? E may inaabangan ako don

Ronnie: Ay opo Lola Eldy. Eto, nako, e muntik pa yang di mailagay sa bag. Buti naalala ko.

Lola Eldie: E salamat naman. Sige, hayun andun si Pepe. Kanina pa yan naghihintay at may ipapakita daw sa yo

Pinuntahan nila si Lolo Pepe

Chinks: Lolo Pepe, kanina nyonpa daw kame hinihintay?

Lolo Pepe: Oo, mga ganda. Tingnan mo, tingnan mo. Itim na ulit buhok ko. Ako nag kulay nito. E di ba tinuruan nyo ko ni Ronnie

Ronnie: Wow, lolo Pepe, ang pogi pogi mo. Baka magka girlfriend ka pa nyan?

Lolo Pepe: Oo, e ito lang namang si Linda ang ayaw akong sagutin.

Si Lola Linda ay isa rin sa mga Thunders sa shelter na nililigawan ni Lolo Pepe. Dating sumasali si Lola Linda sa mga beauty contest nung kabataan pa nya, hanggang sa dinala na sya sa shelter ng pamilya nya. Maganda si Lola Linda kahit matanda na. May hawig sya kay Anita Linda. (Kung di mo kilala si Anita Linda, GMG - Google Mo Gurl). Kaso, ulyanin sya, kaya araw araw nyang nakakalimutan na nililigawan pala sya ni lolo Pepe. Kaya hindi masagot sagot ng matamis na oo si lolo pepe

Balik tayo kay Lolo Pepe

Lolo Pepe: O, e sino ba yang poging kasama nyo. E, syota mo ba yan Ronnie?

Ronnie: Naku, lolo Pepe. Ikaw talaga napakapilyo mo. Si Gino ho ito. Supplier namin sa salon.

Lolo Pepe: Nako, e. Sa simula lang ganyan yan. Bukas makalawa syota mo na yan

Ronnie: Naku Lolo Pepe. Ang imahinasyon mo talaga. Magconcentrate ka sa pnalikigaw kaynLola Linda para sagutin ka na.

Sa part na to, sumabat na ang amaze na amaze na si Gino

Gino: Hello po Lolo Pepe. Kaibigan ko po sina Chinks at Ronnie.

Lolo Pepe: Nakoooo, kaibigan kaibigan. E baka kayo e magka-ibigan.

Natigilan si Ronnie. For some reason, natigilan si Ronnie. Hindi nya alam kung bakit. Subconsciously ba, wini-wish nyang ma-inlove si Gino sa kanya? Ewan.

Chinks: Hay naku Lolo Pepe, ang dami mong alam. halika na nga at kainin na natin tong mga lafang natin. Masarap to, may kare kare kame ngayon. Lolo Pepe tawagin mo na si Lola Linda para maka 1 point ka today.

Hinanda na nila ang pgkain. Maya maya pa, nakipagkwentuhan, kantahan at biruan na sina Ronnie, Chinks at Gino sa mga Thunders. Aliw na aliw si Gino sa mga biruan at tawanan ng mga lolo't lola at nila Ronnie. Si Ronnie ang bumabangka ng joke time. Habang tawanan ng tawanan ang mga thunders, di maiwasan ni Gino na mapatingin kay Ronnie na kayang kayang ang mga matatanda sa mga simpleng hirit nya.

Bandang ala-sinko na ng hapon ng umalis ng shelter ang 3. Ang saya sayang nagkukwnetuhan ng 3 habang nasa daan. Si Gino, di maitago ang saya sa bagong experience nya kasama sina Chinkee at Ronnie. Aliw na aliw sya dahil sobrang close nina Ronnie at Chinks sa mga matatanda. There's something about Ronnie that day na napapangiti si Gino pag naiisip. Kung ano yon, di rin maipaliwanag ni Gino.

Mag pag asa nga ba na magkaron ng spark si Gino kay Ronnie kahit ang pagkakaalam nya e, beki si Ronnie? Oh, well, let's see.

This Time, It's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon