This Time, It's Real: CHAPTER 10

8 0 0
                                    

After ng shelter episode, mas naging maayos ang "business at friendly relationship" nina Gino at Ronnie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After ng shelter episode, mas naging maayos ang "business at friendly relationship" nina Gino at Ronnie. Linggo linggo pa rin ang delivery nina Gino ng salon supplies. Wala ng away. Minsan nale late ng delivery sina Gino, pero for some reason, keri na kay Ronnie. Si Chris, minsan sumasama sa pagdediver pag wala syang ginagawa. Nakakalibre na rin sila ng hair color at gupit sa Pink Salon. Basta ang kondisyon, si Joel ang gagawa.

(Na-imagine mo ba ang scene na ito. Parang yung sa mga pelikula na walang dialogue, background music lang. Ang background music, yung "I'll be there For You", yung sound track ng U.S hit series nung 90s na FRIENDS.) Para ma-imagine mo, eto link sa youtube: https://www.youtube.com/watch?v=SCQGnVrTsAM

After matapos ng background music, back to regular programming tayo na may dialogue na ulit.

Nung isang araw nagdeliver ulit sina Gino sa salon, kasama si Chris.

Chris: Ronnie, kailan ang balik nyo sa shelter? Sama nyo ko ha. Nakwento saken ni Gino yung lakad nyo last time

Ronnie: Ah, oo. Sa Friday, lalakad kame ni Chinks. Di kame nakabisita ng 3 weeks kasi mejo ang daming trabaho sa salon. Join ka din ba ulit Gino?

Gino: Oo naman. Im in..

Chris: Shoot! See you on Friday then. Hoy, Gino, dun na ko sa yo matutulog ng Thursday.

So, Friday na, papunta ulit sila sa Shelter. Eksaktong alas-syete ng umaga, dumadating na ang kotse ni Gino sa salon. This time, si Chris and nagda drive. Mag isa sa labas ng salon si Ronnie.

Gino: Hi Ronnie. Good morning. Si Chinks, wala pa?

Ronnie: Naku, Papsie, nagkasakit kagabi si Chinks, and bongga ng ubo nya. E, mabigat daw pakiramdam nya. Pass daw muna sya today. E di ko na maipacancel sa inyo, kasi baka nagready na kayo. Ok lang ba tayo-tayo muna?

Chris: Oo naman Ronnie. Tara na.

Sa sasakyan, habang nasa byahe sila, ang daming tanong ni Chris kay Ronnie tungkol sa mga "Thunders" sa shelter. Mega sagot naman si Ronnie. Lagi kasing excited si Ronnie pag experience nya sa shelter ang pinag uusapan. Halos buong trip, si Ronnie at si Chris ang magkausap. Si Gino, OP na OP sya. Ano ang OP? Out of place. Parang di sya belong. Ganern. At dahil OP sya, di masyadong nagugustuhan ang nangyayari. Bakit? Nagseselos ba sya kay Chris dahil nakuha nya ang attention ni Ronnie? Kung ganun, bakit, may ibang pakiramdam na ba sya kay ROnnie? O baka naman sadyang KSP lang si Gino na mas gusto nya sya lang lagi ang bangka sa usapan. Oh well, check out natin pano bang conversation nina Chris, Ronnie, at Gino sa saskayan.

Chris: So Ronnie, I heard na sikat na sikat daw kayo sa Shelter. At mahal na mahal daw kayo ng mga lolo at lola dun.

Ronnie: Ay grabe sya oh, di naman bonggang sikat. Artista lang? Sobrang naging close lang kame sa mga thunders dun, kaya, hayun, parang mga apo na nila kame kung ituring nila. Karamihan kasi sa kanila wala na ding kamag anak na bumibisita.

Chris: Wow, na-excite naman ako ng sobra. Are we still far?

Ronnie: Ay naku. oo, masaya talaga pag dating natin. Malapit naman na tayo.

Nag try sumingit sa usapan si Gino, pero, di sya masyadong napansin ng 2.

Gino: Yeah, si Lolo Pepe Ronnie, sinagot na ba sya ni Lola Linda?

Si Ronnie DEADMALUSH ang drama. Hindi nya naman sinasadya. Di nya lang talaga narinig si Gino.

Maya maya pa, dumating na sila sa shelter. Masaya ulit ang mga thunders. Happy din si Chris. Si Gino, medyo iba ang mood, pero di nya naman pinahalata sa mga thunders. Mas maaga silang umalis ngayon. Alas tres pa lang, nagpaalam na ang grupo sa mga Lolo at Lola.

Pabalik sa Fairview, tahimik na tahimik si Gino. Actually, napansin yun nina Chris and Ronnie, pero, tahimik na lang din sila. Baka kasi biglang maging monster si Gino, e syanag naman ang happy happy nila kanina sa Shelter.

Nung nasa Marcos Highway na sila, nagpaalam na si Chris na mauuna na sya bumaba.

Chris: Gino, pare, Drop off na ko dito. Ikaw na mag drive.

Gino: O, bakit, I thought, daan ka muna sa bahay.

Chris: Nakalimutan ko pala, may pinapabili si Mommy saken dito sa Wilcon Depot.

Gino: E, samahan ka na namin

Chris: No, it's ok. Go ahead. Baka matagalan ako.

Gino: Are you sure Pare?

Chris: Yeah, of course. Go ahead guys. Ingat kayo.

Bumaba na si Chris ng sasakyan at si Gino na ang nasa driver's seat. Si Ronnie, lumipat na sa unahan na passenger seat. Tapos, drive na ulit sila

Ang tahimik na tahimik kanina na si Gino, bigla na lang magyayang magcoffee sila ni Ronnie. Hindi rin alam ni Gino, pero bigla na lang nya naisip yayain si Ronnie na magkape.

Gino: Aaah, Ronnie, tara, coffee muna tayo.

Siempre, ang Ronnie, di na rin tumanggi. Choosy pa ba sya? Tsaka, baka din mapikon si Gino kung tatanggi sya.

"Ah, sure, sige" Sabi ni Ronnie.

So nag stop over sila sa Starbucks sa Marcos Highway. Mocha Frap na grande ang inorder ni Ronnie. Yun lang din kasi ang alam nyang kape sa starbucks. Ayaw nya naman magpahalata kay Gino na hindi sya madalas mag Starbucks. Si Gino, hot espresso ang binili. Nag order din si Gino ng banoffee for Ronnie. Habang nagkakape, nagkwentuhan na ang dalawa. Si Ronnie ang unang nagsalita

Ronnie: Uy, Papa Gino. May sakit ka ba?

Gino: Huh? Wala, bakit mo naman naisip yun?

Ronnie: Ah, eh, parang ang tahi-tahimik mo kasi ngayon. Masakit ba ulo mo? May biogesic ako dito

Nagblush ng konti si Gino. Una, napansin pala ni Ronnie na iba sya today. Pangalawa, feeling concerned ang status ni Ronnie.

Gino: Hindi naman. Sorry naman. Nabother ka ba sa pagiging tahimik ko today?

Bago pa nakasagot si Ronnie, may nagtext kay Gino. Si Chris.

Eto ang text ni Chris:

"Pare, why do I feel na nagseselos ka saken kay Ronnie? Hahahahhaha. Sorry, I just really need to say this, hahaha"

Si Gino, imbes na mainis sa text, medyo napangiti ng ver very light. Pero ang sagot nya kay Chris ay ito:

"The fuck pare. Ok ka lang? Of course not. What made you say that"?

Text ulit si Chris:

You're so quiet kanina. But anyways, ingat kayo pauwi.

Ang sagot ni Gino:

Ano ba Pare, cut it. Medyo masakit lang ulo ko kanina. Malapit na kame. Ingat ka din pauwi.

Di na sumagot si Chris. Bumalik na sa kwentuhan si Gino. Suddenly, nag iba na ang mood ni Gino. Parang happy na sya. Dahil ba solo na nya si Ronnie? So, naiinis ba talaga si Gino kanina dahil mas pinapansin nito si Chris? Attention seeker lang ba talaga si Gino or, may something different na sya kay Ronnie? Ewan.

This Time, It's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon