Yuni's POV
"Oy! Bestfriend! Nakatunganga ka nanaman dyan! Kumain ka na di ka mahal nun" napa facepalm naman ako sa sinabi ng bestfriend kong si Sassy. Imbis na Pataasin ang confidence ko dinown pa ko.
"Mahal ako nun Sas!" Sya naman yung napa facepalm sa sinabi ko.
E bakit ba naman kasi? Masama bang umasa? Malay mo naman diba?
×pak!×
"Aray! Ano ba?!" Pesteng to binatukan ako. Hilig hilig mang batok. Tsss.
"Kahit kailan napaka martyr mong babae ka! Iniwan ka na nga nya eh!" Tch. Expected ko na iccheer up nya ko pero eto binatukan pa ko, anong klaseng kaibigan ka? Lihim akong napairap. At least sya tunay kahit ganyan.
"Sas. Alam mo naman na mahal ko sya eh" Napairap sya sa sinabi ko. Aba? Ako nga lihim lang sa pag irap sya lantaran? Bastusan!
"Bakit ikaw? Mahal ka ba nya?" Napatahimik naman ako sa tanong nyang yon. Minsan talaga nakakapunyeta na sya. Ipamuka ba naman sakin? Ano lang?
"Oh? Ano?! Di ka makapagsalita! Yan sinasabi ko sayo eh! Kung mahal ka noong tao, hindi ka iiwanan" Naasar sya. Habang kinakain yung fries nya.
Napatitig nalang ako sa kanya tsaka sumubo din ng fries. Tama naman sya e, pero lahat naman may dahilan.
Well anyway! Ako nga pala si Yuni Shi Sanchez at sa edad na 17 ay broken hearted ako. Bakit ba kelangang dumating sa buhay ko ang ganitong sitwasyon? Ang gusto ko lang naman ay magmahal . Mali ba yon? Sinasabi nyo bang mali ako ng taong minahal kung bakit ganito ang sitwasyon ko? At sasabihin nyo din ba na ang bata ko pa para sa mga ganitong bagay? Bakit? Diba age doesn't matter? Height doesn't---- Oh come on! Shut up!
Ito ang kauna-unahan kong magmahal, sabihin man nila na baka puppy love to. But my heart flutters when I saw him. And from there I knew I love him.
Ano nga bang reason kung bat ako Broken hearted ngayon?
Flashback.
Nandito ko sa garden. Magkikita kami ni Arghel! Yiiee! Kinikilig ako! Di ko alam kung bakit! Siguro dahil sya ang first boyfriend ko! 2nd monthsary kasi namin ngayon! Di ko akalain na magjging kami! Biruin mo ba naman crush ko lang sya. Pero eto kami na. Kung hindi ako umamin siguro di ko mararamdaman ito ngayon! Nakakainlove talaga ung mata nya! Ang haba kasi ng eyelashes nya. Lalo na yung ilong nya. Ang tangos ! Manipis yung labi nya na sobrang pula. Ano kayang sikreto nya? Hahaha Nagbake ako ng cookies para sa kanya. Sana magustuhan nya to! Di panaman ako marunong mag-bake pero para sa kanya nag-aral ako.
Maya maya lang nakita ko na sya na palapit sakin. Tumayo naman ako at binigyan sya ng isang ngiti.
Suot suot nya yung T-shirt na niregalo ko sa kanya nung birthday nya. Ang astig nyang tignan doon."Hi." Bati ko sa kanya. Napatungo pa ko habang nilalagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Ang isa ko namang kamay ay hawak hawak ang box of cookies na ibibigay ko sa kanya. Sa totoo lang kasi hindi ko parin talaga alam kung paano mag handle ng isang relationship. Una palang to, and I am hoping na sana mag-tagal kami.
"Yuni." Umangat ang ulo ko at tinignan ko sya. Ang gwapo nya syet! Seryoso naman ang muka nya. Bakit naman? May problema ba sya? Pero kahit ganon, nakakainlove parin sya, lalo na yung boses nya. Minsan nga ay natatakot akong may umagaw sa kanya
"Hmm? Bakit?" Medyo nahihiya kong tanong. Hindi kasi ako sanay na makipag usap sa lalaki. Kahit naman kasi 2 months na kami. Madalang lang kaming mag usap . Busy kasi sya sa studies nya at ganun din ako.
"Salamat" sagot nya
"Huh? Salamat saan?" Tanong ko ng may pagtataka, kung nag-papasalamat sya sa album na binigay ko sa kanya which is yung mga stolen picture na ako mismo ang kumuha ay wala naman yun sa akin.
"Basta" sabi nya yun ng di ako tinitignan. Naguluhan naman ako, bakit parang ang cold nya?
"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko sa kanya, para kasing meron e.
Bumuntong hininga sya tsaka umupo sa bench na inuupuan ko kanina lang.
"Oo"
"Ano?" Kinakabahan ako sa magiging sagot nya. Napaka seryoso kasi ng muka nya eh.
"Tapusin na natin to. Break na tayo" pagkatapos magloading sa utak ko na may virus nya ang sinabi nya ay para bang gumuho ang mundo ko. Nabitawan ko ang dala kong cookies na ginawa ko para sa kanya. Nag init ang gilid ng mga mata ko. Nagbabadya ang mga luha na pumatak.
Anong problema? Okay pa naman kami ah?
"B-bakit?"
"Basta" Pagkasabing pagkasabi nya noon ay iniwan nya ako sa garden. Doon na paiyak na ko. Napa upo ako at umiyak ng umiyak. Hindi ko lang matanggap. Bakit ganito? Anong nagawa ko? Anong mali ko?
Ang alam ko maayos kami, masaya kami pareho kapag magkasama kami at nakikita kong totoo yun. Ang sabi nya mahal nya ako. Bakit? Anong nangyari?
End of flashback...
"Hoy! Yuni! Ano?! Tulala ka padin?" Naasar na sya. Simula kasi noon ay lagi ko nalang binabalikan ang lahat sa aming dalawa at hindi ko makita doon kung ano bang mali sa naging relasyon namin.
"Baliw hahaha! Naalala ko lang kung ano ba yung gagawin ko mamaya sa precentation sa Biology. Wala pa kasi akong concept hahaha!" Pagpapalusot ko. Dahil alam kong kapag sinabi ko sa kanya ay sesermunan nanaman nya ako.
"Ayan! Ayan! Wala kang panahon dyan sa pag aaral mo! Inuubos mo yang oras mo sa walang kwentang tao!" Minsan feeling ko lagi kong kasama ang nanay ko dahil sa kanya. Lahat nalang ng pwede nyang isermon sinesermon nya. Pero masarap padin sa pakiramdam na nadyan sya.
"Hayy Oo na Sas! Basta tumigil ka lang"
Two weeks nadin simula nung nangyari yon. Pero ako, di ko pa din sya kinakalimutan. Sya kaya? Iniisip nya din kaya ko every night? O naiisip nya kaya ako?
"Uhhm Sas, pwede magtanong?" Malambing kong tawag sa kanya. Nangalumbaba ako at tumingin sa kanya.
"Bakit? Ano yon?" Ginaya nya naman ako..
"Sa tingin mo bakit sya nakipaghiwalay?"
Eto lang naman ang binigay nya sakin na sagot -----> --____--* Hala! Baka mamaya mahampas ako nito ng plato kawawa naman muka ko.
"Hahaha Joke lang tara na sa room!"
Habang higit higit ko sya napabuntong hininga ako. Bakit kasi ganoon? Iniwan nya ako ng hindi pinapaliwanag kung bakit. Hindi ko alam kung tanga lang ako or what pero, hindi ko talaga matanggap
Ang bigat parin sa pakiramdam. Hays