[Yuni's POV]
Naglalakad kami sa corridor ng bestfriend kong si Sassy. Papunta kami sa cafeteria dahil lunch break na namin. Habang naglalakad. Di ko akalain na makakasalubong namin si Arghel katabi nya si Drake, tropa nya.
Tumungo ako dahil ayaw ko syang makita. Nahihiya ako, at hindi ko alam kung bakit kailangan kong mahiya, e sya naman ang humiwalay sa akin, naramdaman kong parang itinulak ako ni Sassy pero narinig ko syang umaray nagulat naman ako ng sa pag angat ng ulo ko ay nakabangga ko si Arghel na dahilan para muntik na kong tumalsik, pero buti na lang naalalayan nya ko.
"Hoy! Peste kang babae ka! Takbo ka ng takbo ! Tumingin ka sa dinadaanan mo!" Sigaw ni Sassy sa babaeng kumakaripas ng takbo
Bumulis ang tibok ng puso ko dahil narealize ko na nakahawak sya sa kamay ko. Binawi ko yun "Ugh Sorry, Pasensya ka na" sabi ko. Hindi parin ako makatingin sa kanya. Baka kasi mamaya maiyak nalang ako sa harapan nya. Two weeks ko na syang hindi nakikita ngayon lang.
"Ikaw din, pasensya ka na itinulak kasi ako ni Drake" ah tinulak din sya ni Drake? Parang nagusap naman sila ni Sassy sa ginawa nila ngayon -_- bakit ganito ang takbo ng utak nila?
"Oy! Teka bakit ako!" Natatawa tawa pang singit ni Drake tsaka tumingin sa akin "Hindi ah!"
"Nakita kaya kita!" Sassy
"Bakit? Ikaw din naman ah?" Pang bubuking ni Drake
"Ahh Yang tama na yan, tara na. Arghel pasensya na talaga ha." Hinging paumanhin ko ulit at finally, nagawa kong tumingin sa kanya but it was a wrong move
Nginitian nya ako ng kaunti, dahilan ng pag bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ngiting ibinigay nya. Pagkatapos nun naglakad na sila paalis ni Drake
Lord naman? Galit po ba kayo sakin? Gusto ko na pong magmove on. No, Hindi ko alam kung gusto ko bang mag move on. Alam ko sa sarili kong mahal ko sya. Ilang taon ko syang sinubaybayan. Ilang taon ko syang pinagpantasyahan at kung kailangang nakuha ko sya ay bigla nalang syang mawawala.
"Gusto mo ba talaga?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita nitong si Sassy Teka? Sa isip ko lang yun sinabi eh! Napalakas ba?
"Ha?"
"Abnormal ka talaga kahit kailan tss" Inis nya akong inirapan
"Wala naman akong sinasabi dito ah"
×Pak×
"Aray ko! Sisipain na kita jan!" Aba binatukan banaman ako
"Yun, Siguraduhin mo na mag mmove on ka na talaga ha! Nagmumuka ka kasing tanga dahil sa lalaking yan. Wala na kayo no! at isa pa may iba na sya!" Abaaa at pinapagalitan nya ko -_- Teka? May iba na?
"Sino?" Tanong ko sabay nag iwas sya ng tingin
"Sino ba kasi yung tumulak sakin!" Sigaw nya "Hay nako! Mga tao ngayon! Kahit nakasakit na wala lang e!" Hindi nya sinagot ang tanong ko kaya hinayaan ko nalang
"Oo nalang. Tara na nga sa caf." Pag aanyaya ko sa kanya
Pagkadating namin doon ay agad syang naghanap ng mauupuan naming dalawa
Naupo kami dun sa part na pinakadulo.
"Oy. Sassy diba? Crush mo si Drake? Ayyyie nakausap nya kanina!" Pang aasar ko sa bestfriend ko. Napairap naman sya pero halata mong namula. Kaya nga kami naging mag bestfriend dahil sa dalawang iyon. Nahuli kasi namin ang isa't isa na sumisilay sa kanilang dalawa. Nag away pa kami dahil akala nya crush ko si Drake at ako naman akala ko crush nya si Arghel. Childish right?
"Hindi na no! May bago akong crush!"
"Luh? Sino naman? Ikaw ha! Akala ko wala ka ng time sa mga ganyan?" Ang sabi nya kasi sakin noong malaman nyang may Gf si Drake ay hindi na sya mag kakaroon ng crush kahit kanino.
"At bakit? Masama bang magbago?" Inirapan nya ko. Itong babae na to pag di tumigil kakairap tatanggalan ko sya ng eyeballs. Pero totoo naman ang sinabi nya. Lahat naman nagbabago. Kahit feelings.
"Che!" Singhal ko "Pero teka ? Sino?" Controbersyal kong tanong sa kanya.
"Si Rawlei" Mahina at simple nya sagot.
[Pronounce as Rolei]
"Ha?! Si Rawlei? Yung mukang abnormal? Yung nerd? I mean yung di nagsasalita crush mo sya?" Grabe tong babae na to. Nakita ko naman ang ekspresyon nya Ganito ----> --____--×Pak×
"Aray ko! Nakakailan ka na ha! Sasabunutan kita!" At nagpout pa ako sanay na sanay na palagi akong binabatukan. Ang ganda ganda ko tapos ay babatukan nya lang ako?
"Hindi yun! Si Rawlei Purification!"
"Pisting yan! Bagong crush?! Eh halos tatlong taon mo na yang crush eh! Simula ng ibreak mo sa imagination mo si Drake!"
"Hayy Whatever!"
Pagkatapos nun kumain nalang kami. Pero napatigil ako sa narinig ko mula sa kabilang table. Masaya na sana pero bakit kailangan ko pang marinig?
"Ayiee! Mary kamusta kayo ni Arghel? Diba kayo na ulit? Kahapon binigyan ka nya ng Roses ah! Kinikilig ako!" Rinig kong sambit ni Anna na kapatid ni elsa este bestfriend ni Mary.
"Ano ka ba! Wag ka ngang maingay" pabebeng sambit nito
"Ang sweet nya!" Kinikilig parin na turan ni Anna
Sa narinig ko. Naginit ang mata ko. Naiiyak ako. Si Mary? Isa syang famous sa Campus. Ang ganda kasi nya at ang sexy pa. Ano namang panama ko sa kanya? Feeling ko tuloy isa akong Ugly Piggy dito na naiiyak. Oo medyo chubby kasi ako. Kaya siguro ayaw na nya sakin? Mag diet kaya ako? Di rin kasi ako marunong mag ayos. Ni hindi nga ako nagppowder at nagllipgloss manlang! Tsaka isa pa naging sila na dati. Nakita ko pa kung paano sila maglambingan noon na tiniis ko dahil naniniwala akong magiging akin din sya.
"Oy! Pigilan mo yang pag iyak mo. Sasabunutan kita." mahinang pag babanta sa akin ni Sassy
"Waah Kahit kelan ang mean mo !"Sabi ko at tuluyan ng umiyak. Napaub-ob nalang ako sa lamesa habang pinipigilang may kumawala na hikbi mula sa akin.
Nakakainis. Wala pa ngang 1 month nung magbreak kami eh.! Nakakaasar! Yun ba ang dahilan kaya nakipagbreak sya sakin? Para saan yung Salamat nya ? Dahil ba ginamit nya lang ako para pagselosin si Mary? Diba dati naging sila nun? Waaah bwisett!!
Ano bang akala nya? Na okay lang yung ganoon? Sana sinabi nya nalang sakin para hindi ko sya minahal pa ng sobra! Lahat ba ng ipinakita nya sakin ay hindi totoo? Pati natin ang sinabi nyang mahal nya ako?
Tumunghay ako at pinunasan ang luha sa mata ko. Nakakahiya na ko. Kahit pa si Sassy lang ang nakakakita.
Bakit ba kasi lagi nalang ganito? Kung pwede lang mag delete ng feelings nagawa ko e!