[Yuni's POV]
3 Months since nung break up nsamin. Di padin ako makaget over. Kahit naiinis parin ako sa ginawang pag-uusap namin ng ate ni Arghel noong nakaraang linggo ay paulit ulit parin akong bumabalik sa nakaraan. Chos, pero iniisip ko parin talaga sya. Ewan ko ba. Droga ata iyon.
"Hoy! Babaita ano nanamang in emote mo jan? Magpapasko na oh!" Si Sassy na umupo sa tabi ko
"Sus? Seriously Sassy? Tinatanong mo sya? Alam mo naman ang sagot eh" sagot ni Krizzy na kasunod nya lang.
"Hoy Yuni! Itigil mo na yan. Mabubugbog ka na namin! Tignan mo grades mo ang baba nanaman!" sinermunan nanaman ako ni Sassy hays
"Oo nga! Last Quarter na oh! Ano bang balak mo sa buhay mo? Mabubuhay ka ba ng pag eemote mo dyan?" dugtong naman ni Krizzy
"Ayan ang sinasabi ko sayo eh! Nakakasira lang talaga yang lovelife na yan! Nako! Nako!" Napaapdukdok sa arm chair nya si Sassy dahil sa inis.
"Yuni! Kelan ka ba magigising? Wala ka ng pag asa" hinawakan pa ko ni Krizzy sa balikat. Ako naman napa facepalm. Minsan sumusobra na ang panenermon nila sa akin dinaig pa nila ang mga magulang ko.
"Ma? Pa? Is that you?" Tanong ko sarcastically.
Mag kabilaang batok ang natanggap ko . Tsk!
"ARAY KO! PATI BA NAMAN KAYO SINASAKTAN AKO! SINAKTAN NA NGA AKO NG TAONG MAHAL KO EH" I shouted from the bottom of my lungs.
Napatingin naman ako sa paligid ko. Nakatingin samin ang mga kaklase ko. Nasa classroom kasi kami.
"Ouuuuch Hugot" sabay sabay naman sila. At ng marealize nila yun napatawa sila.
Peste? Anong nakakatawa?"Hayys" napapikit ako.
"Pede ba? Yuni Tumigil ka na? Iniwan ka na nya!" Sabi ni Sassy Hala ? Galit na sya, halata sa muka nya. At bakit sya pa ang may ganang magalit sa akin? Hindi ba nila ako naiintindihan? Kahit anong pilit nila sa akin, hindi ko kayang kalimutan ang lalaking yun ng ganon lang!
"Bakit ba? Sassy?! Krizzy?! Bakit nyo ako pinpilit gawin ang bagay na hindi ko naman kayang gawin? Bakit hindi nyo nalang ako suportahan? Kaibigan ko naman kayo diba? Ayaw nyo ba kong maging masaya?" Napaiyak nalang ako. Nakakaiyak na kasi, Imbis na pagaanin nila ang loob ko, pinapasikip nila dahil lalo nilang pinapamuka sa akin na wala na akong dapat asahan sa taong mahal ko.
"Of course we want you to be happy! Bakit ba kasi ayaw mong gumising sa katotohanan na Iniwan ka na nya?! Hindi ka na nya mahal Yuni!" Sigaw pabalik ni Sasst.
"HINDI KA NYA MINAHAL YUNI!" Doon sa sinabi ni Krizzy. Lalo akong napaiyak.
Alam ko naman eh. Alam ko. Simula nung malaman ko na naging sila na ulit ni Mary. Pumasok sa isip ko ang bagay na iyon pero pilit kong isinasantabi. Pero eto, silang dalwa at pilit iyong inihahampas sa pagmumuka ko.
Hindi ako makapagsalita. Yung mga kaklase namin na tumatawa kanina tahimik nalang na nanonood.
Tinitigan ko silang lahat. Nahihiya ako sa mga nangyari ngayon!
Huminga ako ng malalim at binigyan ng isang ngiti sila Sassy at Krizzy.
Umalis ako. Nahihiya ako dahil, dahil lang sa isang lalaki ay nagkakaganito ako"Yuni!" sabay nilang tawag sa akin pero hindi ko sila pinansin
Rinig kong parin ang tawag sakin nila Krizzy.
Tumatakbo ako. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha na pilit kong pinapigilan ngunit sabay sabay ring nagtutuluanOo tama naman sila eh. Bakit ba kasi hindi ako magmove on? Ano pa bang kinakapitan ko? Ni wala nga syang pakialam. Sya ang unang bumitaw, at mukang hindi nya naman talaga ako sinalo e!
Tumigil ako sa pagtakbo. At narealize ko na nasa Gym ako. Walang ibang tao. Tamang tama dahil ayokong may makakita sakin ng ganito ako
Pumasok ako sa loob at doon ako umiyak ng umiyak. Halos humahagulgol na nga ako. Nagmahal lang ako. Umasa ako na sya na. Na sya na ung una at huli ko.
Siguro kung ikaw din naman ang nasa posisyon ko. Ganito din ang mararamdaman mo. Para siguro sa Iba ang oa ko. Its just 2 months. Pero kasi Sobrang nahulog ako sa kanya. Oo nga. Sinalo nya ko. Sinalo nya ko ng mahulog ako sa kanya. Pero mas masaya siguro kung di nalang nya ko sinalo! Kasi ang sakit eh. Sobra! Sinalo nya ko pero Binitawan nya din ako. Mas masakit yun. Kasi umasa akong di nya ko bibitawan, nagtiwala ako sa kanya."Waaaah!" Sumigaw ako. Di ko na kasi kaya, nang dahil sa kanya nag-away pa kami ng mga kaibigan ko. Minsan nauumay na ko sa sarili kong nararamdaman pero parang paborito ko ring pagkain ito. Nauumay ako pero hindi ko kayang tigilan.
maya maya lang ay may naramdaman akong lumapit sakin. Pero di ko sya tinignan.
"Oh" Lalaki sya base sa boses nya. Pamilyar pero hindi ko kayang tignan. Nahihiya kasi ako dahil sa pagiyak ko. Baka sabihin nya ang arte ko, at ang laki ko na umiiyak parin ako.
Naramdaman ko na may inilagay sya sa kamay ko. Isang Panyo.
Nakatungo padin ako. Pinunsan ko yung mga mata ko, gusto ko bago ako humarap sa ibang tao ay wala na akong luha.Tumunghay ako. "Sala----nasan na yun?" Nawala na sya? Sino yun? Di manlang ako nakapagpasalamat ng maayos.
Tumayo na ako tsaka lumabas ng Gym, Napatigil ako ng maramdaman kong may nakasandal sa pader malapit sa pinto ng gym.
Nilingon ko iyon at heto nanaman ang makulit kong puso. Bumilis nanamn ang tibok nito aalis na sana ako pero tinawag nya ang pangalan ko.
"Yuni.." Bakas sa boses nya ang lungkot. Hindi ko alam kung para saan iyon. Naaawa ba sya sa akin? Hindi ko kailangan ang awa nya.
Hindi ko sya muling nilingon bagkus ay naglakad na ako palayo. Hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko. Hindi ko na hahayaang saktan nya pa ulit ako.