Krizzy's POV
THE DATE OF YUNI WITH REIGN. Planado namin ni Sassy yun. Gusto lang naman naming iganti ni Sassy etong si Yuni.
Sobrang lambot ba naman kasi ng puso ng babaeng to kaya kami na ang gumawa ng paraan para mapamuka dyan sa Arghel na yan na hindi lang sya ang may karapatan na magmahal ng iba. Ipapamuka namin sa kanya na di sya kawalan para kay Bebeyuni!
Yung date sa Garden ? Ganito yung nangyari...
Flashback....
Hinila namin Sassy si Yuni papuntang Garden. Nandun si Reign nakaupo sa isa sa mga bench doon. Nandoon din kasi si Arghel at si Mary.
Pinaupo namin si Yuni sa Tabi ni Reign.
"Ayan ha! Mag-usap na kayong dalawa. Reign Wag kang masyadong mabilis ha?!" Nilakasan ko ang boses ko at sinadya kong iparinig kay Arghel na isang bench lang ang layo samin.Nakita ko naman na napalingon sya samin
"Oh sige maiwan na namin kayo ha?"
Yung dalwa naman parang tanga lang na nakatanga samin. Tss.
Iniwan namin sila pero nasa Malayo lang kami nagmamasid.
"Sa tingin mo ba gagana tong plano natin?" Tanong ni Sassy
"Oo naman! Tiwala lang!" Ako
Nakatingin lang kami sa kanila.
Si Reign at Yuni may pinaguusapan. Seryoso sila. Siguro ay sinasinabi na nya na malamang ay pinaglalaruan lang namin sila ni Sassy, I know Reign marunong naman syang umintindi.Sunod naman ay tinignan ko ang pwesto nila Arghel at Mary. Dakdak ng Dakdak si Mary habang si Arghel ay nakalingon at masama ang titig sa Pwesto nila Yuni.
Mweheheheh! Sabi ko na!
"HUH! SABI KO SAYO! EFFECTIVE EH!"
Bulong ko kay Sassy
"Wow ha! Lakas mong bumulong bwiset ka!"
Mag sisi ka ngayong lalaki ka! Kahit ganyang parang galing sa nakaraan ang itsura ng Friendship naman malakas ang appeal nyan. Sige titig lang! Hintayin mong matunaw sya peste kang lalaki ka!.
Ang gusto lang naman namin is maging masaya ang friendship namin. Pero kahit ganon alam naman namin na walang sino man ang makakapigil sa pagtibok ng puso ng isang tao. Hindi kami ang mag didikta kung sino ang dapat nyang ibigin, pero gusto lang namin syang tulungan, mahal kasi namin yan. So yun.
Sassy's POV
Nandito kami sa Girls room ni Krizzy, Tinignan ko yung mga Cubicle baka kasi may tao. Nilock ko din yung pinto.
"Hahahaha! Sigurado ako na kaya nagkaganon yun dahil yun sa pinag sasasabi natin"
"Halata naman eh. Akala nya kasi basta basta lang si Yuni." Natatawa sabi ni Krizzy
"Hayy! Sana talaga maka move on na yang si Yuni dun sa lalaki na yun!"
"Oo sana nga. At sana maramdaman din nyang Arghel na yan kung ano ang pakiramdam ng pag sisisi at yung hirap ng pag mmove on!" Sabi nanaman ni Krizzy na may panggigigil
Lumabas naman kami at nakita na papuntang Cr si Mary, Umiiyak sya? Nagkatinginan kaming dalawa at basang basa ang laman ng utak.
Bumalik kami sa Cr para tsismisin sya. Pagpasok namin nasa isa sa mga Cubicle sya at naririnig din namin ang pag-iyak nya."Oh? Bakit ka Umiiyak?" Tanong ko Habang kinakatok ko. Alam na nyang sya tinatanong ko. Sya lang naman ang naiyak dito at syempre, sya lang naman ang nandun sa kinatok kong cubicle
"Wala kang pake!" Sabi nya habang rinig na rinig ko ang hagulgol nya.
"Tao kami kaya may paki kami." Krizzy then rolled her eyes
"*Sobs*Sobs"
"Woy babaita?"
"Waaaah! *Sobs* Nakipag *sobs* nakipagbreak sakin si Arghel!"
Wtf! Asdfghjkl! Yun lang?!
"Eh bat ka umiiyak?! Ano bang meron sa lalaki na yan at kung makaiyak kayo ng ganyan eh parang namatayan kayo ng magulang? Pwede ba? Dapat di nyo sinasayang ang luha nyo sa mga walang kwentang lalaki!" Sabi ko.
"Waaaah huhuhuhu!" Grabe makaiyak to eh. Di mo aakalain isang famous na magandang babae!
"At isa pa Yuni! Lalaki lang yan! May mas deserving na lalaki para sayo, para sa inyo!. Hindi sya kawalan for pete's sake!" Nagddrama na si Krizzy oh!
Tumigil sa pag iyak si Yuni.
"Mahal ko sya eh." Mahinahon.
"Mahal ka nya?" Lakas neto ni Krizzy basta basta nalang Hahaha
"OO." confident nyang sagot, lakas din nito e.
"Kung mahal ka nya di ka nya iiwan."
Umiyak ulit sya
-____- Nagkatinginan kami ni krizzy at napailing.
"Tumahan ka na, ayusin mo nga sarili mo. Para san pa yung pag tataray mo. Nasan na ba yang Anna nayan? Umiiyak din ba?"
"Hahaha! Sana naman kung kikiligin sya sa Lovestory ng iba, umiyak din sya. Ang unfair nya."
"Waaaaah Maryyyyy!" Napatalon kaming dalawa sa biglang pagpasok ni Anna. Speaking of the bata.
Kinatok nya si Mary.
"Mary? Are you okay? *sobs* dont worry I already sampal na the muka of that Arghel for you.! DontCry na!"
Avuuuh. Kaloka ang mag bestfriend na iterch.
Binuksan na ni Mary yung pinto. Nagyakap agad sila at parang ilang linggong hindi nagkita.
Hahaha! Grabe sila.
Maya maya lang tumahan na sila.
Buti naman tumahan sila. Kung hindi baka masira ko na ang pinto ng cubicle dahil nabbwiset na ko.
"Ang haba ng hair ni Arghel ah. Umabot hanggang edsa. Kumulot pa sa Highway. Tch" Sarkastikonh sabi ni Krizzy tsaka pinaikot nanaman ang mata nya.
"Dapat dun di iniiyakan." Dugtong nya pa
"Toraaay bes? San mo ba nakukuha pinagsasasabi mo?" Tanong ko sa kanya kakaiba kasi ang lumalabas sa bibig nya ngayon e
"Nabasa ko lang sa Watty."
"Wag ka na magbasa noon panget yun!"
"Asus, broken ka lang kasi may girlfriend na si Drake at Rawlei Hahaha! Bittah!" Bitter with accent pa sya. Sakalin ko na to guys pede?
---