Chapter 10

21 3 0
                                    

Yuni's POV

"HOOOY YUNI!!! LUMABAS KA NA JAN!"

"MALLATE NA TAYO OH!"

Naririnig kong sigaw nung dalawa sa baba. Excited naman eh! Aga aga pa.

"Oo eto na nga.!"

Nagtatakbo na ko papuntang hagdanan.

Im wearing a Skyblue ball gown na may mga beads pa it was strapless kaya kitang kita yung balikat ko. Fit na fit din ito sakin Pero sakto lang dahil kita nito ang kurba ng katawan ko. Bagay na bagay naman dito ang lightblue four inches heels na pinasuot sakin ni Sassy. Tss. Ang hirap maglakad. Light lang yung make up ko at nakalugay ang buhok ko. Nilagyan ako ng bangs at kinulot ang dulo ng buhok ko. I also have a small tiara that makes me looks like a princess. Cinderella. Tsh Fairytale -__-

Pagbaba ko. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata ng dalawa kong kaibigan.

"What the hell? YUNI?!" Sabi ni Krizzy na nakasuot ng Pink na gown

"ikaw ba yan?" Si Sassy na naka black gown na backless! Kaloka.

"Grr! Girls stop drooling! Tara na nga!"

"You're so Beautiful o my!"

"Psh, matagal na naman ah? Niloloko mo ba ako?"

"Duh? Yuni, wag mong niloloko ang sarili mo."

Nagselfie muna kami at ginawa ko silang model ek ek sa bahay  dahil muka silang mga manikaa. Pagkatapos nun Umalis na kami Pagkatapos ng Sandamakmak na compliment nila.

Pagpasok namin sa entrance napadapo ang tingin nila samin.

"Sino yang mga yan?" Natawa naman ako sa narinig kong iyon. Hayy nako. Ang dami nilang alam. Pink Blue at white ang motif ng venue. Ang galing naman ng nagplano nito. May mga bubbles at mga rose petals pang bumabagsak. Sobrang nakakamangha! Lahat ng nandito tingin ko nagsasaya pero ako? Wala naman akong gagawin kundi ang kumain at makipag kwentuhan sa mga kakilala ko

Kanina pa pala nagsisimula tong party. May mga nagsasayaw na sa dance floor.

"Kriz--? Sassy?" Luh? Nawala na sila

Nagpalinga linga ako. Nasan na sila . Hayy porket may date sila iiwan ako? Nakita ko si Anna at Mary sobrang ganda nila, mga Dyosa na ata ang nandito. Ang ggwapo din ng mga boys. Grabe lang mag evolve, parang mga pokemon.

Nilapitan ko sila, Malay mo naman good terms na kami.

"Hi."

Inirapan ako nung dalawa at nag walk out. -__- Ganda ganda ng ngiti ko eh leche. Kfine bahala sila.

Naglakad nalang ako papuntang dance floor. Sobrang ingay dahil sa music na pagkalakas lakas, Ang saya nila nagsasayaw sila ng sayaw na pang alien? Prom to diba? Bat may nagbubudots dito? -____- At dahil sobrang wild sa dancefloor naitulak ako ng isa sa  mga nagsasayaw na dahilan para maapakan ko ang gown ko. I was ready to face the floor when someone catched me. Shit buti nalang nasalo nya ko kundi mapagtatawanan ako.

"Salama-----t" Sakto namang naging slow ang kanta.

Anghel..

Nakakita nanaman ako ng anghel. At hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko sya ngayon. Mukha palang ang nakikita ko ay nakikisigan na ako sa kanya

"May I have this dance?" Sabi nya

"Arghel.." Sambit ko

Hindi na ako nakapalag noonh hinapit nya ang bewang ko palapit sa kanya, kinuha nya ang mga kamay ko at pinakapit nya ako sa shoulders nya. Pagkatapos ay tinitigan ako diretso sa mga mata ko.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon