[Yuni's POV]
Natapos ang Christmas party at ang bagongtaon. Maayos naman. Maayos na maayos na ko. Madalang kong makita si Arghel at Mary pati narin si Anna
Pero alam mo ba yung nakakatawa? Mahal ko padin sya. @#$/^&*() Oo, hindi na ako gaanong umiiyak pero deep inside, nandoon padin sya.
HAYYY! Ang bilis ng araw! Last day na ng january. Magvvalentines day na. Sa Valentines day nga pala gaganapin ang Promenade namin.
Aatend ba ko?Wag na? Paniguradong boring lang yon.
Anyway nabalitaan ko na nag break na pala sila Arghel at Mary, Ano kayang nangyari?Hayy! Sabi na nga bat walang forever.
"Oy Yuni? Sino date mo sa Prom?" Tanong ni Sassy habang nagsusulat sa notebook nya nandito kaming tatlo sa sala ng bahay namin
"Wait lang!!" Nilabas ko yung phone ko at nakipag groufie sa kanila.
"Sumelfie ka nanaman!"
"Ang hilig talaga nito mamicture! Nakailang memory card ka na?" Biro ni Krizzy
"Ako? Di na ko aatend don. Hindi naman ako umaatend ng mga party. Tsaka ayokong magmake up at magsuot ng gown, nakakadiri." Sagot ko at hindi pinansin ang sinasabi nitong si krizzy
×Pak×
"Aray ko! Matatapos na't lahat ang story ko sinasaktan parin ako!" Nakanguso kong daing sa kanila. Binatukan nanamn ako ng dalawa
"Sus tumigil ka nga sa kakahugot dyan! Di yan nakakabusog!" Krizzy
Palibhasa kami lang ang tao dito kaya grabe kung makasigaw.
"Hindi pwedeng hindi ka aatend don! Kami bahala sayo at sa Date mo!" Sassy at tsaka namewang sa harapan ko, ano nanaman ang problema ng dalawang ito.
"Ayokoo nga. Eh bakit kayo? May date na ba kayo?"
"Aba! Oo naman! Si Phil ang Ka date ko!" Sabi ni Krizzy
Remember Phil? Kaibigan sya ni Arghel
"Si Phil? Diba tropa yun ni--.."
"Oo tropa nya yun. Boyfriend ko na nga yun eh" hindi na hinayaan pang banggitin ni Sassy ang pangalan ni Arghel. Kung ako ang tatanungin ay ayos lang naman. Hindi na naman ganon ka big deal. O baka nasanay lang ako. I dont know.
"Wow naman oh! Lumalovelife sya! Hahahaha"
"Kailan pa? Grabe sya di sinasabi samin!"
"Alam nyo naman nanliligaw sakin yun eh, kahapon ko lang sinagot yon!hihihi!"
"Ikaw Sassy? Sino kadate mo?" tanong ko tsaka kumain ng chips
"Ako? S-si Drake" Sagot nya at parang nag bblush pa ang bruha
"Wow hahahah! Si Drake?"
"Nililigawan nya ko, break na sila nung dati nyang girlfriend kasi di naman daw nya talaga gusto yun." sabi nya
And so naman? Hindi nya ba naisip baka ipanakip butas lang sya noon?
"Ang sagana ng lovelife nyo ah. Ingat kayo baka iwan din nila kayo." Seryosong sabi ko. Hindi ako bitter concern lang ako sa kanila
"Sus ang bitter mo nanaman dyan!" Krizzy
"Oy hindi ah! Nakamove on na ko." No. Hindi pa ko nakakamove on. Sinsabi ko lang yun para tigilan na nila ang paggawa ng kung ano anong plano. Kala nila di ko alam pinaggagawa nila huh. Alam ko no! Ang dami na nilang nagawa. Kung kanikanino ako binubugaw, tapos sa lahat nalang ng scenario nadun si Arghel. Nananadya tong dalawa na to eh.
"Wow ang galing naka move on na sya..!" sarkastikong sabi ni Sassy "Totoo naman kaya?hayys!"
"CONGRATULATIONS YUNI!" Sarkastiko ding sambit ni Krizzy
Well ano pa bang aasahan mo sa kanila eh bestfriends ko na sila. Kilala na nila agad ako dahil napakadali ko daw basahin. Masyado daw akong showy sa feelings ko.
"Hayy Yuni. We gave our best para mabaling sa iba yang pagtingin mo pero waepek?" Sabi ni Krizzy tsaka sya nagbuntong hininga at gumulong sa carpet papunta sa bowl ng chips
"Yaan na natin dun naman sya masaya ehh. " sabi naman ni Sassy Bumuntong hininga sya. "Wala naman tayong magagawa.. Anyway? Asan si Reign?."
"On vacation padin nextnextweek pa uwi nya." Sagot ko
"Ay ganon? Baka naman nag hahanap lang ng forever." Sabi nya sabay tawa.
"Tara na nga! Mag shopping na tayo para sa Prom. Kami na ni Sassy bahala sa Gown mo pero ikaw magbabayad hahahaha"
"Heh! Hahahah!"
Kahit kailan napakakuripot ng dalawang to!
------
Pumunta na kami sa Mall. Nag enjoy ako. Pero nawala yun ng makita ko si Arghel with some other girl.What the hell? Kakabreak nya lang kay Mary ah!
Ggrrr! Bakit lagi syang ganyan? He's a heartbreaker! Di ko akalain na hanggang ngayon mahal ko parin sya! Bakit ang hilig nyang manakit?!
Naglakad ako palapit sa kanya.
"Yuni!/san ka pupunta?" Tawag naman sakin nila Krizzy alam ko sinundan nila ako"Arghel Atienza!" Tawag ko sa kanya. Nilapitan ko sya then I slapped him. Nakuha naman nun ang atensyon ng mga tao sa paligid!
"Para yan sa panloloko mo sakin!" At isa pang sampal sa kabilang pisngi nya.
"At eto para yan kay Mary!" Nanggigigil ako. At feel na feel kong malakas yung sampal ko sa kanya kasi lagapak talaga.
"At E------" sasampalin ko pa sana sya pero hinawakan nya yung wrist ko. He held my eyes. He stepped forward at yung free hand nya ay ginamit nya para hawakan ako sa batok. And the next thing I knew. He was covering my lips by his lips. In a seconds. I realized that we are kissing . Sa harap ng maraming tao. Nanlaki ang mata ko. Sobrang na shock ako! Itinulak ko sya.
"What the-----"
"Hooy! Yuni! Gumising ka na! Nandito na tayo sa bahay nyo! Yuni.."
"What the Hell Arghel?!" Nagising ako ng hingal na hingal.
Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa loob ng sasakyan nila Krizzy habang hawak-hawak ang labi ko
Shit nandito ako sa Van nila, tumingin pa ako da paligid, panaginip?
"What?" Nakita ko naman ang nagtatakang muka ni Krizzy at Sassy
"Nightmare" I said.
Akala ko totoo na. Hindi pala. Tss. Panaginip lang
Bumaba na ko ng Van.
"Bye Yuniii! Umattend ka ha! Sasakalin kanamin pag hindi! Susunduin ka namin dito Goodnight!" Sabi ni Krizzy at nag flying kiss pa."Matulog ka na ha! Hahaha! Bye. Wag mong isipin yun di ka mahal nun!" Dagdag ni Sassy na may pagkindat pa.
Hinitay kong mawala yung Sasakyan nila sa paningin ko.
Napabuntong hininga ako
Panaginip lang pala. Imposible namang mangyari ang lahat ng nangyari sa panaginip ko. Kasi di ko naman kaya yon.Tsk. Umaasa nanaman ako.
Pero, I know na kailangan ko lang hintayin at mawawala din tong nararamdaman ko. Sa ngayon? Ililihim ko nalang na mahal ko parin sya sa kahit ano pa man ang nagawa nya para saktan ako. Ganito nga ata talaga kapag nagmahal ka, kahit saktan ka nya ng paulit-ulit ay paulit-ulit mo parin syang mamahalin.