Chapter 7

23 2 0
                                    

Yuni's POV

Nandito ako sa Cafeteria.
Kasama ko si Reigner Andoza. At hindi yung dalawa kong kaibigan na binubugaw ako. Hayy. Kaibigan ko ba talaga sila? Kumakain kami, sya ang nakasabay ko sa lunch dahil hindi pumasok yung dalawa

"Yuni..."

"Hmm?"

"May dumi ka sa.." tapos pinunasan ng hinlalaki nya yung gilid ng labi ko na may spaghetti "labi mo" sabi nya.

Si Reign?? Ang gwapo kaya nito. Maputi matangos ang ilong at Brown ang mata. Oo brown ang mata nya. Tapos matangkad pa. Tapos ay ang sweet ang caring nya pa, tulad nalang ngayon.

Naalala ko pa dati nung first year kami. Magkaiba kasi kami ng section. Pero magkatabi lang yung room namin.

Lumabas ako ng room kasi dahil break time na namin absent yung dalawa kaya solo Flight ako. Pagdaan ko sa room nila may lumabas na babae at lumabas din sya. "Ate Kung pede daw manligaw" sabi nung babae na lumabas. Akala ko di ako yung tinatanomg nya kaya tinuro ko yung sarili ko "ako?" Tinignan ko sya at napatingin din ako kay Reign. Nakatitig lang sya sakin pero wala naman epekto. Ah basta yun na yun.

"Salamat" sabi ko. Syempre lalaki padin sya. Nahihiya akong kumilos.

"Yuni..?" Tawag nya ulit sa akin

"Hmm?" Tapos inangat ko yung ulo ko. Nakatungo kasi ako eh. Pag angat ko nakita ko sya, nakatitig sya sakin.

"Pwede ba kitang ligawan?" Napaubo naman Ako kaya agad nya kong inabutan ng tubig

"S-sorry sorry" Sabi nya then inabutan nya din ako ng tissue.

"Hindi ok lang"

Ilang minutes walang nagsalita samin.

"Reignjosh?"

"Bakit?"

"Ayos lang ba kung sabihin kong hindi kasi, alam mo naman siguro na. Kakagaling ko lang sa break up though ilang bwan na yon. Tsaka, ang sama ko naman siguro kung payagan kita kahit alam kong wala naman akong nararamdaman para sayo?"

Mabuti ng mag straight forward. Biglaang sakit katulad ng sinabi ni Sassy kesa kapag dinahan dahan mo.

Ganun kasi naranasan ko, been there yah know?

"A-ah ganun ba? Ok lang dun ka naman masaya eh. Basta andito lang ako Yuni, Umaasa sayo."

Magkahalong guilty at saya naman ang naramdaman ko. Masaya ako dahil may Reign na nadyan para sakin sabi nya kasi "Andito lang ako Yuni" Pero naguilty ako dahil dun sa sinabi nya  na "Umaasa sayo"
ayoko syang paasahin, ayoko syang saktan.

"P-pero kasi Reign Kaibigan lang ang tingin ko sayo."

"Ah ganun ba. Sige Okay lang. Tapusin mo na yang pagkain mo para makabalik na tayo sa room" ang lungkot ng tono ng boses nya pero naka ngiti parin sya.

Sana sya nalang yung minahal ko.

"YUNI! REIGN!" Napalingon naman ako sa tumawag samin. Si Krizzy kasama si Sassy, Pero nakita ko rin sa Pheripiral vision ko si Arghel kasama si Mary at Anna. Nakatingin sya sa direksyon namin. Hindi ko nalang pinansin dahil nandyan yung dalawa. Malamang sa malamang babatukan nanaman nila ako. Kasi nga mag mmove on daw ako.

"WOW. ANG SWEET NYO NAMAN NI REIGNER!"
Kinikilig kilig naman na sabi ni Krizzy.
"Hoy ano ka ba? Ang lakas ng boses mo" saway oo sa kanya.

"Yiie! SASAGUTIN MO NA BA SI REIGN,HA YUNI?" Si Sassy naman na may nakakalokang ngiti

Napakunot ang noo ko. Si Reign naman di na mapakali dahil ang dami ng nakatingin samin.

May pinaparingan ba tong dalawa na to? Halata eh. Lakas ng trip mga shuterns.
"Ano ba kayo? Nakakahiya!"

"Wow?! PINAYAGAN MO NA SYANG MANLIGAW  YUNI?! KINIKILIG NA KO!" Si Krizzy naman.

"Sassy, Krizzy? Kelangan nyo ba talagang isi----"

*Tugsss!*

Napatigil naman ako. At napadapo ung tingin ko dun sa Lamesa na nakataob sa kaninang kinauupuan nila Arghel. Halata sa muka ni Mary at Anna ang pagkagulat pati narin sa mga tao sa Cafeteria.

"Anong nangyari dun?" Tanong ko sa dalawa na nakatingin sa naglalakad na si Arghel na palabas ng Cafeteria.

"Ewan ko?" Sagot ni Sassy tsaka nagkibit balikat

"Baka galit no? Kelan ka ba nakakita ng masayang itataob ng ganon yung lamesa?" Dugtong naman ni Krizzy ng may nakakalokong ngiti

Napatingin nalang ako sa kanilang tatlo at nagkibit balikat.

Wapakels ako sa kanya ngayon tch!

Pagpapatuloy ko na sana yung pagkain ko ng mahagip ng paningin ko si Mary na masama ang tingin sakin pati narin si Anna

"Yuni, wag kang mag feeling maganda, Hindi mo sya maagaw sakin." Si Mary at tinaasan ako ng kilay.

Abaaa, inaano ko ang babaeng ito? Sinong nagffeeling maganda, eh maganda naman talaga ako. -__- Lalo na yung nag susulat.

[Ehehe enebee !♥♥]

"Sa tingin mo babalikan ka pa ni Arghel? Wag ka ng umasa. Hindi ka na nya mahal. Hindi ka nya minahal." Nanggagalit yung mata nya. Ano bang problema ng isang to?

"Hindi naman ako umaasa. Sino bang may sabi na umaasa ako? Ang tagal na non? Bat ka nagagalit? Wala ka bang tiwala sa kanya? Tsaka, anong problema mo?" Syempre hindi nagpapatalo ang mga Dyosa.

"Ikaw ang problema ko. Para sabihin ko sayo, kahit anong gawin mong diskarte hindi na ulit sya magiging sayo,dahil sakin lang sya. Ginamit ka lang nya." Yung ngit nya, pang asar. Nakoo! Masasabunutan ko to eh! Taray taray!

"Nako, Yuni, Stop na kasi. Its not good na to your health." Nang aasar din yata si Anna

Gusto yata nilang matikman ang kagebushen teknik ko eh. -__-

Pero... ang sakit marinig yung mga katotohan. Ang sakit. Dagdag mo pa na marami kaming audience. Tatandaan ko mga muka neto sisingilin ko ng limang piso. Audience fee aba. Di pedeng wala akong talentfee. Okay ang corny.

Oo nga masakit marinig na ginamit pinaasa, sinaktan, niloko at pinaglaruan lang yung feelings ko.:( Pinaikot ikot nya lang ako.

"Di na ko umaasa Mary. Kahit ilangbeses ko pang makita na tinutugtugan ka nya ng gitara at kinakantahan sa harap ng maraming tao. Wala ng epekto. Marunong akong kumalimot. At ikaw!..." Turo ko kay Anna. "Wag mo kong ma Taglish Taglish dyan. Kalbuhin kita eh."

"Wowww! Taray ni bebe Yuni" Si Krizzy tsaka nag Dab, sunod din sa uso ang isang to ah

"Tara na nga, iwan na natin yang mga yan. Kakaloka.... Oh kayong mga audience? Tapos na ha!" Saway ni Sassy sa mga nanonood

Umalis kami at kitang kita sa muka nilang dalawa na barado sila. NYAHAHA! TEAM YUNI FOR THE WIN.

Habang naglalakad.

"Uhhm Reign. Pasensya ka na sa nangyari ha?" Sabi ko

"Okay lang. Pero, nakalimot ka na nga ba?"

"YON! Yun kasi yun tamang tanong!" si Drake na bigla nalang sumulpot, saan kaya galing ang isang ito?

"Aba hoy? Buhay ka pa pala?" Sassy

"Oo bakit? Miss mo ko?"

"Yaaack mahiya ka nga!!"

"Ayiiiie dyan nagsimula lola at lolo ko!!" Pangaasar ni Krizzy tsaka itinulak tulak si Sassy kay Drake

"Shattap!!" Both

"Okaaaay HAHAHA!"

Nakalimot na ba?

Di marunong kumalimot ang pusong nagmamahal guys.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon