To the old readers, please read this story as if hindi niyo nabasa yung dating version. May mga binago akong details dito na ibang iba dun sa dati. Minsan di niyo sila mapapansin pero they can make or break your experience sa pagbabasa ng kwentong ito. Baka malito pa kasi kayo. So read this story as if first time niyong basahin itong kwentong ito.
PYRE I
This World Is Filled With Monsters
--------------------------------------------------Aurora
Once upon a time, a baby was born into the world. That baby was you.You were born pure into this world and you were very beautiful. But this world hates beauty or maybe this world is too cruel for beauty to exist. Because as you grew older, the muck and filth of this world clung to you and changed you. The you today is very different from the you when you were young. Hindi ka na maganda at hindi ka na pure. You became one of the many ugly broken lumps of mass trying to survive in this world and every day, you see someone who gets that purity and beauty beaten out of them. And you just stand there at the sideline without really caring because you already know that that is the price that you need to pay to live in this cruel world. And you accept it as the reality.
That this world scars everybody.
Once upon a time, a baby was born into this cruel world and she was named Aurora. She was very pure and very precious just like how most of us were when we were young. She was beautiful. The people around her were beautiful. The world was beautiful.
Or so she thought.
She didn't know yet that this world is filled with monsters.
*****
Krishna
Minsan talaga mararanasan natin ang mga sitwasyon na maaari tayong ikumpara sa isang gulong na nasa likod ng isang sasakyan. Isang reserba.
Minsan mararanasan din nating umasa sa wala. Maniwala sa hindi totoo. Magpakatanga.
Magpakamartir. Magpakamartir sa hindi pagbitaw kahit na alam mong nasasaktan ka na.
Para kang humawak ng baga na ayaw mong bitawan kahit na nasusunog na ang palad mo. Pero bakit mo nga ba kasi hinawakan? Siguro kasi hindi mo pa alam na nakapapaso ang isang baga at noong nakita mo, nagandahan ka. Maganda naman kasing tignan ang mga baga e, mapula at matingkad ang kulay. Buhay na buhay. Tapos minsan magugulat ka kasi bigla na lang mabibiyak bigla bigla ng walang dahilan. Unexpected.
Siguro noong araw na yon, halos mamatay ka na sa lamig at noong nakita mo yung baga na nagbibigay ng init, naisipan mong mas ilapit pa ang sarili mo. Bakit nga naman hindi? Maganda yung baga, nagbibigay ito ng init na kailangang kailangan mo at tsaka hindi mo pa alam na kaya kang saktan nito. Ayun, ginusto mong angkinin kaya hinawakan mo. At nung napaso ka, hindi mo binitawan. Yun yung katangahan dun. Hindi yung paghawak ng baga, dahil pagkakamali yun, kundi ang hindi mo pagbitaw kahit na nasasaktan ka na. And your reason for holding on? Because it was beautiful.
Pero ganoon naman talaga e. Hindi porke maganda ang isang bagay ibig sabihin na nun na hindi ka na nito sasaktan. Madalas, kung ano pa yung maganda 'yun pa ang masakit.
"Hoy! Krishna ano ginagawa mo?" pabulong na tanong sa akin ng katabi kong lalake na siyang naging dahilan kung bakit naputol bigla ang pagiisip ko.
BINABASA MO ANG
#PyreSB : Why Sleeping Beauty Decided To Burn The World
Mystery / ThrillerIt was a good game. Masaya. Nakakatuwa. Until somebody took it too far. The game became reality.