PYRE XIX
Siguro Nga
----------------------------------------------------------Marge
Nagumpisang manginig ang mga labi ko nang maintindihan ko ang mga pangyayari."Oh look, what do we have here?" naliligayahang sabi ni Barbie habang winawagayway ang papel na hawak niya. "Is this possible? Bakit parang charred lahat ang nabunot natin?"
"May nantitrip ba sa inyo?" galit na sabi ni Kaldyr. "What the fuck guys? Sino ang nagpalit ng nabunot nilang papel?"
"Not me~!" pakantang sabi ni Barbie. "Definitely not me. Bakit hindi niyo na lang deretsahing tanungin yung dalawa?"
Pagkasabing pagkasabi ni Barbie sa mga katagang iyon, naramdaman ko agad ang pasimpleng pagtingin nila sa direksiyon ko. Kahit walang sinasabing pangalan si Barbie, alam kong nahinuha na nila ang gusto niyang palabasin.
Hindi ko alam kung paano maidedescribe ang mga titig nila sa akin, sa aming dalawa, pero kung susubukan ko, siguro pagdududa ang gagamitin ko. Punong puno ng pagdududa ang mga tingin nila sa amin.
"Sora and Marge right?" kalmadong tanong ni Dany. "Sila yung tinutukoy mong dalawa diba?"
"Totally! Nang nakita natin yung scrolls sa loob ng lumang bahay, sino ba ang nagsabing laruin natin ang Pyre? Si Sora diba? And silang dalawa ang nanilip sa mga papel nila Krishna at Ash. Who knows kung nagsisinungaling sila diba?" habang nagsasalita si Barbie, napansin kong nagpapalit palit sa aming dalawa ni Sora ang mga tingin ng barkada. "Walong charred. Paninilip. Planadong pandaraya. Hindi ba kayo nagtataka? Hindi ba masyadong malaking coincidence lang ang lahat? O coincidence nga ba?"
It was like we're trapped in a hopeless situation. Kahit anong paliwanag, kahit anong effort, alam kong naguumpisa nang magsara ang utak ng mga kasama ko. It's only natural anyway. When humans are placed in a tough situation, they generally find the easiest way out. So if you present them with an answer that they wanted to hear, an easy solution that will not bring them any harm or hassle, they'll easily gobble that up. Wanting to escape and flee from your responsibilities and problems is human nature after all.
"Fuck that logic Barbie," galit na sabi ni Sora. "Puro assumptions lang at conjectures ang mga ebidensiyang prinisinta mo. Sigurado ka bang nagsisinungaling kami?"
"Hindi ba?" nanghahamong sabi ni Barbie.
"Hindi Barbs," kahit na nanginginig ang katawan ko, pinilit ko pa rin ang sariling sagutin ang tanong niya. Alam kong walang mabuting mangyayari kung mananahimik ako. Not in this situation anyway. Kung mananahimik ka, iisipin nilang guilty ka. Kung magsasalita ka, iisipin naman nilang defensive ka. It's a no win situation. But that doesn't mean that I'll continue moping in the corner just as I have always done. I have nothing left to lose anyway.
"And who will believe your lies?" natatawang sagot niya. "For all we know, baka magkasabwat kayong dalawa."
"Show them again," napapabuntunghiningang sabi ni Tyr. "Ipakita niyo yung mga nabunot niyong papel at sisiguraduhin natin kung talagang yung original scrolls pa rin ang meron tayo. Who knows, baka nagpalit yung iba sa atin."
Biglang nawala yung bigat sa dibdib ko nang marinig ko yung sinabi niya. It's as if I can see the light at the end of the tunnel. Of course! Paniguradong may dalawang sulat kamay na naiiba sa mga papel. At kung sino man yung may hawak nun, sila ang totoong nagpalit ng nabunot nila.
Pero mali pala yung hiling ko. Mali palang natuwa agad ako. Nagpakatanga nanaman ako.
Nakalimutan ko na kapag matagal ka nang nanatili sa dilim, being suddenly exposed to light won't necessarily mean salvation. No. Instead of saving you from the darkness, the light at the end of the tunnel, will blind you.
BINABASA MO ANG
#PyreSB : Why Sleeping Beauty Decided To Burn The World
Tajemnica / ThrillerIt was a good game. Masaya. Nakakatuwa. Until somebody took it too far. The game became reality.