Pyre XVI
Wala Na Akong Pakialam--------------------------------------------
Kaldyr
You know what's the big fucking deal about confidence? You always need it to be happy. You need enough confidence to do something right without fucking things up. You need enough confidence to succeed. You need enough confidence to really live.It's not love that makes the world go round, it's confidence. Love without enough confidence is a love without trust. Love without enough confidence is a love filled with fear. You always suspect. You always doubt. Magigising ka na lang isang araw na unti unti na pa lang napapalitan ng takot ang pagmamahal na nararamdaman mo. All because you lack confidence.
Lack of confidence is akin to fear. Sinabi sakin yan dati ng teacher ko. Napansin niya siguro na most of the time, hanggang tingin na lang ako. Na takot akong isugal yung sarili ko dahil siguro hindi ko ito pinagkakatiwalaan. Sobrang liit daw ng self-confidence ko.
Masisisi niya ba ako? Para sakin kasi, ang confidence ko, parang isang malaking pambura. Bawat katangahan, bawat maling desisyon na ginagawa ko, unti unti 'tong lumiliit. Sobrang dami ko nang nagawang pagkakamali. Sobrang liit na ng pambura ko.
Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko. Kung bakit ako takot magkamali. Siguro kasi nagsawa na yung katawan ko. Siguro kasi natrauma ako nang hindi ko nalalaman. Na siguro kasi. Na siguro kasi.
Na siguro kasi.
Sabi nila nung elementary tayo, pinapagamit nila tayo ng lapis para matutunan natin na pwede nating itama ang isang pagkakamali. Nung high school naman, ball pen para maintindihan natin na mahirap at minsan imposibleng itama ito. Magiiwan at magiiwan palagi ng marka, ng lamat. Eh ngayong college? Friction pen naman ang gamit natin. Bakit? Siguro para marealize natin na mahal at maeffort ang pagtatama ng isang pagkakamali. Minsan nga ang sarap gumamit ng invisible ink para kahit magkamali ako, walang makakakitang tao. Walang manghuhusga.
Confidence. Tanginang salita.
"Guys, alam ko na kung ano ang ginamit para patayin si Krishna at Ash," narinig kong sabi ni Sora. Halatang halata ang confidence niya sa mga salitang binanggit niya. Siguro kasi sigurado na siya na hindi siya magkakamali.
Kumpara sa kanya, natahimik lang ang grupo. Takot na basagin yung katahimikan, takot magtanong. Ika nga, maraming bagay sa mundo ang mas magandang hindi mo na malaman. At natatakot kami na baka isa ito sa mga bagay na 'yon.
"Teka Sora, bago mo sabihin yung gusto mong sabihin, pwede bang ipaliwanag mo muna kung paano mo nalaman at kung kailan?", napalingon kaming lahat kay Tyron nang banggitin niya ang mga salitang ito. Masyado kaming nagulat sa sinabi ni Sora kaya lumipad sa mga isipan namin 'yon. Paano nga ba nalaman ni Sora?
"Ah yun? Kani kanina ko lang din nalaman."
***
Sora
"Sora, anak, binubully ba si Krishna?" napatanga ako sa sinabi ng nanay ni Krishna.Binubully? Si Krishna? Imposible. Kung meron man sigurong tao sa barkada namin na kailanman hindi mabubully, si Krishna na 'yon. Malakas ang apog ng babaeng 'yon eh. Palaban. Di mo maaapi.
"Hindi po. Bakit niyo naman ho natanong?" nung narinig niya yung sagot ko, medyo kumalma yung mukha niya. Parang nabunutan siya ng tinik. Bakit ba kasi naisipan nilang binubully si Krishna?
"Sigurado ka ba Sora? Wala ba talagang nambubully sa kanya?" may bahid na galit ang tono ng tatay ni Krishna.
"Hindi ko po kayo maintindihan tito. Bakit po niyo naisip na binubully si Krishna?" nagtatakang tanong ko. "Malabo pong mangyari yun. Kung meron man pong tao na sigurado akong hindi papayag na mabully, si Krishna po yun. Palaban po ang anak niyo."
BINABASA MO ANG
#PyreSB : Why Sleeping Beauty Decided To Burn The World
Mystery / ThrillerIt was a good game. Masaya. Nakakatuwa. Until somebody took it too far. The game became reality.