I Can Hear A Coffin Lid Slowly Closing

6.5K 316 69
                                    

Pyre XVII

I Can Hear A Coffin Lid Slowly Closing

-------------------------------------------------------------

Sora
"Siguro naman pamilyar na kayo sa DNP diba?" tinitigan ko yung mga mukha nila pero mukhang hindi na ata nila maalala na alam nila yung sagot sa tanong ko.

"Ahh, diary ng panget?" natatawang sabi ni Barbie na siyang ikinakunot ng noo ko, namin. 'Tong babaeng to talaga, di alam magbasa ng mood.

"Hindi." asar na sagot ko sa hula niya. "Guess again. This time seryosohin niyo."

"Teka," natitigilang sabi ni Kaldyr. "Kasama ata yan sa lesson nung pinalabas ako sa classroom ni Prof. Kung di ako nagkakamali, dinitro something yun eh."

"Dinitrophenol?" pagtutuloy ni Dany sa gustong sabihin ni Kaldyr. "Pero diba, kung di ako nagkakamali, herbicide yun?"

"No. Not really. Hindi siya herbicide per se. Kung magiging specific tayo, and DNP ay isang chemical intermediate. But who cares about that?" sabat ni Marge na nakatingin na rin sa cellphone niya. "Sabi rito, ginamit rin ang DNP or 2,4-dinitrophenol dati para gumawa ng explosives."

"Ano naman ang kinalaman nitong DNP na 'to sa nangyari kina Ash at Krishna? Hindi naman sila sumabog eh. Nasunog sila remember?" nagtatakang tanong ni Barbie.

"Yeah. Essentially, tama yung sinabi niyo. Kung magiging dart board ang labanan, bull's-eye ang mga sagot niyo. Kaso ang problema, yung dart board ng kalaban niyo yung tinamaan niyo at hindi yung nasa harapan niyo. DNP is also a banned and prohibited weight lost drug." hindi ko maiwasang murahin uli ang sarili ko habang sinasabi 'to sa kanila. We've been had. To think na nakalusot 'to samin, sa akin, ay nagpapakita lang na nagpakatanga nanaman ako. Bakit nga ba hindi ko naisip na iresearch 'to nang mabuti? Bakit ba nagpakuntento na lang ako sa paliwanag na baka spontaneous human combustion lang ang lahat? Dahil ba ayaw ko pa ring tanggapin na totoo ang mga masasamang nangyayari sa'min at hindi lang isang napakalaking bangungot ang lahat?

"Pero hindi ko pa rin naiintindihan kung ano ang koneksiyon ng pagiging weight lost drug ng DNP sa pagkasunog ni Ash at Krishna." nagugulumihanang tanong ni Barbie.

Napabuntonghininga ako nang narinig ko yung sinabi niya. Posible bang magkaroon ng tao na ganito ka dense? "Weight loss. Fat burning. Increase in temperature." Pero nung nakita kong kahit na naintindihan na ni Barbie pati narin ang mga kaibigan ko ang gusto kong palabasin, mukhang kailangan pa rin nila ang mas in-depth na explanation. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko para mabawasan ang frustration na nararamdaman ko bago ko pinagpatuloy ang pagsasalita. "Alam niyo naman kung ano ang mitochondria diba? Powerhouse of the cell. Ang nangyayari sa isang coupled mitochondria ay electron transport to oxygen coupled by the formation of adenosine triphosphate or ATP. In simpler terms, ang product ay kalahating energy, kalahating heat. Now, DNP is a mitochondrial uncoupler. Ibig sabihin, imbis na kalahating energy at kalahating heat yung product, ang kakalabasan, puro heat lang. Naiintindihan niyo na ba ang relationship ng DNP sa nangyari kina Krishna at Ash?"

Nang makita ko ang pagtango nila, nabawasan ng kaunti ang frustration na nararamdaman ko. "Ngayon, tandaan niyo na kailangan ng katawan natin ng energy para gumalaw. Kailangan ng muscles natin ng ATP para magfunction. Ngayon ano kaya ang mangyayari pag walang dumating na ATP? Teka, para mas maintindihan niyo gagawin kong simple ang sitwasyon. Isipin niyo na nasa isang kainan kayo at nagorder kayo ng pagkain. Ano ang gagawin niyo kapag ang tagal dumating nang inorder niyo?"

"Tatanungin yung waiter. Kukulitin. Kung talagang wala pa rin, aalis na kami." sagot ni Tyrion sa tanong ko.

Nagpasalamat ako sa Diyos nang marinig ko ang sagot niya. Mukhang hindi na ako masyadong mahihirapan sa pagpapaliwanag. "Nadale mo. Except ang problema, hindi pwedeng umalis ang mga cells natin sa katawan para maghanap ng ibang energy source so ang mangyayari, kukulitin nila ang katawan natin na gumawa pa ng mas marami na susundin naman ng mitochondria. Except?"

"Kahit na gano karami ang gawin ng katawan natin, hindi pa rin magiging sapat yung supply," pagtutuloy ni Dany sa sasabihin ko.

"Tama. Dahil nga uncoupled na ang mitochondria, hindi na ganun kaefficient ang production of energy. So habang tumatagal, palaki ng palaki ang demand ng katawan natin sa dagdag na energy kaya pataas nang pataas ang init na nararamdaman ng katawan natin." Tumigil muna ako saglit at tinitigan ko silang lahat bago ko tinuloy yung sasabihin ko. "Darating yung puntong sa sobrang init ng katawan mo, masusunog ka. Katulad nang nangyari kina Krishna at Ash."

***

Marge
I'm a pretender.

A great pretender. But who cares? Everyone's a pretender in their own right anyway. Walang tao sa mundo ang kayang manatiling magpakatotoo sa buong buhay niya. Meron at merong mga panahon at mga sitwasyong, kailangang magpanggap ang isang tao. Sometimes, it's harder to be yourself and easier to be someone you're not.

Parang ngayon. Parang palagi. All these talk about ATP, mitochondria and DNP... To be honest, wala akong naiintindihan kahit na isa man lang sa kanila. Kaya nga kanina pa ako tahimik. Kaya kanina pa ako hindi sumasali sa usapan.

Minsan talaga pag usapan na ng talino pagdating sa mga ganitong bagay, na-o-op ako.

"Pero teka, may hindi ako maintindihan," nagugulumihanang tanong ni Kaldyr. "Oo nga at ninanakaw ng DNP ang energy natin. Oo nga at pinapainit nito ang katawan natin. Pero sapat na ba yun para pagliyabin ang isang tao?"

Namayani ang katahimikan sa paligid. May punto si Kaldyr. Pero kahit hanggang ngayon, mukhang hindi pa rin talaga nawawala sa grupo ang habit na pagdeny sa katotohanan. Mukhang, sa loob loob namin, hinihiling namin na sana tama yung sinasabi ni Sora. Na sana totoo ang explanation niya. Dahil ayaw na naming bumalik sa dating kami. Yung kami na takot sa isang bagay na hindi namin alam kung ano ito at kung paano ito nangyayari. The deaths and the threat of death is taking its toll on us.

Tinitigan nanaman ni Sora ang cellphone niya, obviously searching something. At nung mukhang nakita niya na ang hinahanap niya, napabuntonghininga siya. "This is only a theory. I have no way of confirming this. Pero mukhang posible namang mangyari. Normally ang ginagamit ng mga crematorium para masunog ang isang bangkay ay 1700 degree Fahrenheit or 920 degree Celsius pero ang minimum temperature para masunog ang katawan ng isang tao ay 480 degree fahrenheit or 250 degree Celsius lang. Ang problema, wala pang 100 degree Celsius, patay ka na. So paano nga naman nasunog ng buhay sila Krishna at Ash?" My answer to that question? I have no idea. "Pwedeng maging sagot ay ang mga methanogens na nakatira sa mga tiyan natin."

"Methanogens? What the fuck is that? Isang uri ng bacteria?" takang tanong ni Tyrion.

"Tama. Methane forming bacteria to be exact. Methane is highly flammable so posibleng ito ang naging dahilan ng apoy. Pero sabi ko nga, hindi ako sigurado sa lahat ng 'to. This is all just a theory. Isa lang ang alam ko." Napapikit si Sora saglit bago nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga. "We backed ourselves in a corner. It could be possible that the killer is using a new type of DNP. Maraming research projects ang university natin at posibleng maging isa sa mga 'yon ang ginagamit ng killer."

"So what?", takang tanong ni Barbie. "In what way did we back ourselves in a corner?"

And then it struck me. Ito kasi ang isa sa mga problema sa barkada namin. Mahilig naming takbuhan ang mga problema. Hiding Ash's death was a wrong decision. It limited our movements. Instead of being able to openly ask questions, mas naging limitado ang pwede naming gawin.

It scared me.

It's as if I can hear a coffin lid slowly closing.

"Hindi mo naiintindihan," nakakunot na sabi ni Sora. "Hindi tayo masyadong nakakagalaw samantalang libreng libre gumalaw kung sino man ang may pakana ng lahat ng ito. At ang masama pa, hindi trip trip lang ang paraan niya ng pagpatay sa atin. Pinagisipan. Matalino ang kalaban natin Barbie. And finding that person would be..."

Napapikit ako nang maintindihan ko ang gusto niyang palabasin. Finding that person without making sacrifices would be impossible.

Virtually impossible.

[End]
Pyre will be updated every Sunday, Wednesday and Friday on or before 11:00 p.m.

Official Hashtag:
#PyreSB

Di ako nakaupdate kahapon dahil di talaga matino ang internet connection ko lately. Pasensiya na mga bes. Baka next week pa ako magkaroon ng internet connection.
Double update tayo today. Chapter 17 para kahapon and Chapter 18 na para bukas in advance.

#PyreSB : Why Sleeping Beauty Decided To Burn The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon