Pyre XI
Lahat Kami Napamura
---------------------------------------------------------------Margaery
I woke up groggy and there was a nasty aftertaste in my mouth. It felt as if I ate shit for breakfast.Nasaan ako? This isn't my room. Paglibot ko ng paningin ko, ang una kong nakita ay mga pader na nababakbak na ang pintura. Itsurang nasa lumang bahay ako.
And then, just like how an overfilled dam bursts and breaks down, yesterday's memories came crashing down on my brain with so much force, it dazed me.
Pero pagkatapos ng maiksing pagkalito, naghari ang takot sa buong pagkatao ko. I remembered na bigla bigla kaming nawalan lahat ng ulirat kagabi.
Ash just died and afterwards we all fainted.
What if...
Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang makita kong nakahandusay ang mga kaibigan ko sa maruming sahig ng lumang bahay.
What if hindi lang si Ash ang namatay?
What if...
No! Napabalikwas agad ako ng bangon at dali daling lumapit sa kinalalagyan nila. Aligaga kong chineck ang pulso ni Dany na siyang pinakamalapit sa akin. Nakahinga ako ng maluwag when I felt her pulse. It was weak, yes, but it was steady.
"Dany," sambit ko sa pangalan niya habang ginigising siya. "Dany, gising!"
Nakailang yugyog din ako sa kanya bago siya nagising. "Marge?", pupungas-pungas niyang tanong sakin. "What happened? You look like shit."
"We all look like shit," nagmamadali kong sagot sa kanya. "Bigla tayong nahimatay lahat kahapon. Help me check the others."
"What-," nalilitong sabi niya pero bigla siyang natigilan. Mukhang naintindihan niya na ang sitwasyon namin.
Dali dali naming nilapitan ang iba naming kaibigan para icheck ang kundisyon nila at unti unting nawala ang bigat sa dibdib ko nang makitang okay lang sila. Pero biglang napatigil ako ng magtama ang paningin naming ni Dany.
There's something wrong. And then it dawned on me.
Nasaan si Sora?
* * *
Kaldyr
Nagising ako na may yumuyugyog sa akin. Hindi naman ganun kalakas pero ramdam na ramdam ko ang urgency sa bawat pag-alog ng katawan ko. Kung sino man ang gumigising sa akin, I can feel his fear.Pagmulat ng mata ko, isang tingin ko pa lang sa balisang mukha ni Marge at bigla ko nang naalala ang mga pangyayari. Pagkatapos naming pagusapan yung nangyari kay Ash sa labas ng lumang bahay, pumasok kami para pagdesisyunan kung ano ang susunod na gagawin. Pero nakailang hakbang pa lang kami papasok, napansin ko na na iba ang kapal ng usok. Balak ko sanang sabihang magingat sila pero pati ako unti unti na ring nanghihina hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.
"What's wrong?", bobong tanong alam ko. Maraming masasamang bagay ang pwedeng nangyari. Kamamatay lang ni Ash kagabi. May nangidnap sa kanya at nagtali sa upuan at bigla kaming nawalan ng malay sa mismong lugar kung saan siya namatay. O pinatay. Ewan. What's wrong? Bobong tanong oo. Pero kailangan kong tanungin. Ayaw kong paglaruin ang imahinasyon ko dahil baka kung ano anong masasamang bagay lang ang maisip ko.
Pero bago pa man masagot ni Marge ang tanong ko, narinig ko na ang nanginginig na boses ni Dany, "Sora's missing."
Shit.Tangina. Kamamatay lang ni Ash kagabi. "Wag mong sabihing..."
BINABASA MO ANG
#PyreSB : Why Sleeping Beauty Decided To Burn The World
Mystery / ThrillerIt was a good game. Masaya. Nakakatuwa. Until somebody took it too far. The game became reality.