Kasalukuyang nasa canteen ang magkakaibigang Andy, Yvone, at Candy ng biglang maagaw ng flash news sa t.v ang attention ni Andy.
"Para sa nagbabagang balita! Kani kanina lamang po ay isinugod sa ospital ang business tycoon and billionaire na si Mr. George Dela Falcon dahil sa pananambang--"
"Girls, mauna na ako sa inyo.." sabi ni Andy at tumayo.
"hah? Pero hindi pa nga oras ng uwian eh." nagtatakang sabi ni yvonne sa kaibigan.
"Nakalimutan ko kasi nagbilin si mama na magpaalam daw ako ngayon dahil may pupuntahan kaming importante. Paki paalam nalang ako ha?" sagot niya at mabilis na humalik sa dalawang kaibigan. Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at dumeretso na sa parking lot kung saan nandon ang kanyang kotse. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang kanyang cell phone at may tinawagan.
"hello kuya! How's--"
"We dont have any idea. Nasa operating room pa din siya." sabi ng kanyang kuya Tyron sa kabilang linya. Mas lalo siyang nakaramdam ng takot. Inistart na niya ang kanyang kotse.
"Pupunta na ako jan kuya. Hintay--"
"You're not coming Andy. Maraming taga media dito. Hindi ka nila pweding makit--"
"Nasa panganib ang buhay ni daddy tapus gusto mong umupo lang ako?!" nakaramdam siya ng matinding inis dahil sa sinabi ng kapatid.
"Look Andy, sumunod ka nalang, wag kang pupunta dito. Come here tonight, ipapasundo nalang kita." sagot nito saka pinutol ang linya. Napaiyak na lang siya. Nasa ospital ang kanyang daddy pero ni hindi siya makapunta dahil hindi siya pweding makilala ng mga tao. Naintindihan naman niya ang kanyang kuya. Ang totoo ay siya lang ang hindi kilala ng publiko bilang bunsong anak nina ni George dela Falcon. Ang alam ng publiko nag iisang anak ang kanyang kuya Tyron. Napahagulhul nalang si Andy. 'please hold on dad.. Wag kang susuko..' sa isip niya habang humihikbi. Maya maya pa ay lumabas na siya ng gate ng exclusive school na yon at dumiretso sa mall saka tinawagan si DK.
"Hello?"
"Hello babe? Napatawag ka?" -DK
"Busy ka ba?" tanong niya.
"Not really.. Andito lang ako sa condo. Teka, may problema ka ba?" nag aalala nitong tanong.
"No, i'm okay.. Gusto sana kitang makita.. Okay lang ba?" sagot ni Andy na pilit pinasigla ang boses.
"Namiss mo agad ako? Ikaw babe ha? Sige magbibihis lang ako. Nasaan ka?" napangiti siya sa sinabi ng boyfriend. Si DK ang kailangan niya ngayon.
"Nasa mall ako. Sa dati pa din.. See you babe.. Hintayin kita." nakangiti niyang sabi bago pinatay ang phone. Si DK ang kanyang boyfriend ng halos mag iisang taon na din. Forth year college na ito habang siya naman ay nasa forth year high school pa lang. Gwapo si DK, matangkad, maputi, mabait, at galing sa pamilya na kabilang sa pinakamayaman sa bansa.
"Hey--" nagulat si Andy ng may biglang humalik sa pisngi niya. Ng harapin niya ito, si DK.
"Babe!" nakangiti niyang bati sabay halik sa pisngi nito. Naupo ito sa kaharap niyang silya.
"For you.." sabay abot ng red roses. Nakangiti niyang tinanggap yon.
"Thank you..! Ang sweet natin ah?" ngumiti ito ng matamis kaya kita ang magkabilang dimples nito. Hindi niya mapigilang ngumiti. The guy in front of her is no doubt gorgeous!
"Namiss ko kasi ang Andy ko eh."
"Sus! Masyado ka kasing busy eh.."
"kaya nga bumabawi eh.." sabi nito sabay kindat. Napangiti siya.
"Oo na! Mag order ka na gutom na ako.." sabi niyang sumimangot. Agad naman nitong tinawag ang waiter at nag order ng pagkain nila.
"Babe.." tawag ni DK. Tiningnan niya ito.
"Are you okay?"
ANDY's
Napapitlag ako sa tanong na yon ni DK. siguro'y nahalata niyang may dinadala ako ngayon. Pinilit kong ngumiti sa kanya bago sumagot.
"O-oo naman! Gutom lang talaga ako. Hindi ko gusto yong pagkain sa canteen ng school eh.." sagot ko at mukhang naniwala naman siya. Kahit na gusto kong ilabas sa kanya ang problema ko, hindi ko magawa dahil wala siyang idea tungkol sa family ko. Ang alam niya wala sa bansa ang mga magulang ko.
"Akala ko naman may problema ang Andy ko.." napangiti ako sa sinabi niya. He's so sweet, at gusto ko ang pagkakasabi niya ng 'Andy ko', may pagka possesive ang dating.
"Nax! Nagpapakilig ka naman eh! Pero sorry, mas lamang ang gutom ko kesa kilig ngayon." napasimangot siya matapus kong sabihin yon kaya naman napatawa ako.
"Hahaha! Anong itsura yan?" natatawang tanong ko.
"itsurang malungkot?"
"Haha! Sira! Umayos ka nga Derryk!" natatawa kong saway sa kanya. Ngumiti naman siya. At ng dumating ang mga inorder namin ay nagsimula na kaming kumain.
"Babe, here, say ahh.." biglang utos sakin ni DK habang kumakain. Inilapit niya ang kutsara na may lamang adobo sa bibig ko. Nailang ako bigla.
"Eat.. C'mon, dont be shy.."
"Ano ka ba? Ang daming tao.." mahinang tanggi ko.
"Dont mind them babe.." nakangiti pa din nitong sabi. Naiilang na ibinuka ko ang bibig ko saka niya ako sinubuan.
"Masarap?" nakangiting tanong niya habang ngumunguya ako.
"Hmmm.. masarap!" nakangiting sagot ko at kumuha ng food gamit ang kutsara at siya naman ang sinubuan.
"Babe, ikaw naman oh.. Open your mouth.." nakangiti kong sabi habang inilalapit sa bibig niya ang spoon.
"Ahh..." sabi niya at tuluyan ko na siyang sinubuan.
"Masarap no?" tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango.
"Ang sweet naman nila.." -girl 1
"Oo nga! At ang gwapo ng guy.. Sana ganyan din maging boyfriend ko." -girl 2
"Oo nga.. Maganda din naman si girl, bagay sila!" -girl 3
Napangiti kami ni DK ng marinig ang bulungan ng mga babaeng dumaan..
BINABASA MO ANG
The love story of PHOENIX
General FictionLove and Hatred are two equally opposite feelings. Mahirap pagsamahin or talagang hindi mapagsama. But have you ever xperience of having this two feelings for one particular person?!? Mahirap at magulo. Parang labanan ng isip at puso. Pero sa ganito...