chapter 1.4

17 0 0
                                    

Matapus makipag usap kay DK ay binalikan ko na si mommy sa labas ng ICU. Pagdating ko don kakatapus lang kausapin ni mommy at kuya ang doctor. Agad ko silang nilapitan.

"How's Dad?" agad kong tanong pagkalapit na pagkalapit ko.

"Mukhang maganda naman daw ang prognosis sabi ng doctor niya.." nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi ni kuya.

"Thanks God! Mommy.." maluha luha kong sabi sabay yakap kay mommy. Masaya ako at hindi ganon kalala ang situation ni papa. Salamat sa Diyos..

"Salamat sa Diyos anak.. Akala ko--" hindi na naituloy ni mommy ang sasabihin dahil umiyak na naman ito. Niyakap na kami ni kuya at maya maya lang ay tumahan na din si mommy. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nakaupo sa hallway na yon ng ospital bago kami pinayagang makita si papa. Isa isa lang ang pweding pumasok kaya pinauna na namin ni kuya si mommy. Ako ang sumunod na pumasok pagkalabas ni mommy. Bago ako tuloyang makapasok ay nagsuot na muna ako ng gown, cap, at mask dahil sterile are ang ICU.. Ng makapasok ako ay naluha ako ng makita ang ibat ibang aparato na nakakabit kay papa. Unti unti ko siyang nilapitan..

"Pa? Si Andy po ito.." usal ko ng makalapit. Naupo ako sa naruong silya tsaka ko hinawakan ang kamay niya. Hindi siya kumikilos na parang lantang gulay ang itsura. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, umiyak na ako kasabay ang ala ala ng masayang bonding namin ni papa.

"Pa.. Magpagaling ka na.. Ang pangit tignan na nakahiga ka lang oh?" umiiyak na usal ko. Maya maya pa ay lumbas na din ako at pumalik si kuya.

Halos 12 am na kami nakauwi. Nagstay sa ospital si mommy kasama si kuya.

"Oh, nanny, gising pa kayo?" gulat na tanong ko kay yaya ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Nagising ako ng marinig ko yong tunog ng sasakyan nyo.. Ang kuya mo?"

"Nasa ospital ho, sinamahan don si mommy.." sagot ko.

"Ganon ba?"

"Opo. Sige po akyat na ako. Matulog na din po kayo." paalam ko. Dahil bukod sa pagod na talaga ako, inaantok na din ako at may pasok pa ako kinabukasan. Kaya pagdating ko sa kwarto, mabilis lang akong naghugas ng katawan sa banyo at nagbihis agad na din akong nahiga pagkatapus at hindi ko na namalayang nakatulog ako.

--Next Day--

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa kwarto. Kahit mabigat ang mga mata ko sa antok ay pinilit kong bumangon. 6:00 am.

Dumiretso na ako sa banyo at naligo tsaka nagbihis ng uniform. Kinuha ko na ang bag ko at cell phone ng mapansin kong may text.

-Love DK-

Good morning my princess! Ingat ka papuntang school today. I love you!

Napangiti ako ng mabasa ang text galing kay DK. Dali dali akong nagreply.

Compose message

To: Love DK

Good morning too babe! Ingat ka din, and wag kalimutang kumain bago pumasok, okay? Love you too!

Message sent!

Matapus etext si DK ay bumaba na ako. Naabutan ko si kuya Tyron sa hagdanan.

"Good morning kuya!" bati ko at nilingon naman niya ako.

"good morning din sis!"

"Si mommy?" tanong ko at sinabayan na siya pababa.

"Nasa ospital. Umuwi lang ako para magpalit ng damit. Kailangan ko din pumasok ng opisina ngayon."

"Hindi uuwi si mommy?" tanong ko.

"Ayaw niya. I'll just ask nanny to bring her breakfast later."

"Sige. Don na din ako didiretso mamaya kuya, pakisabihan ang tauhan natin don." sabi ko.

"That's a good idea. Tatawagan ko nalang si Raul, siya ng bahala sayo." sagot ni kuya bago namin marating ang breakfast table.

"Good morning hija, sir Tyron!" nakangiting bati sa amin ni nanny. Ngumiti naman kami ni binati din ito.

"Good morning din nanny!" sagot namin na naupo na.

"Any development with daddy?" tanong ko na bumaling ulit kay kuya.

"Not yet, but according to the doctors, maganda ang pinapakitang response ng katawan niya sa gamot. Although hindi pa siya nagigising, we can expect na magigising siya by tomorrow or the next day." nakangiting sagot ni kuya. Napangiti ako sa tuwa.

"Talaga?! Sana magising na si papa.." nakangiting sambit ko saka pinagpatuloy ang pagkain. Kinausap naman ni kuya si nanny na dalhan ng breakfast si mommy. Nauna akong natapus kesa kay kuya kaya nagpaalam na ako para pumasok. Si kuya boss naman yan, kaya okay lang ma late, pero ako kapag na late, patay tayo jan!

"Bye kuya! Una na ako." paalam ko bago humalik sa pisngi ni kuya. Ganyan kami ka close na pamilya, apat lang kasi kami, ang pangit naman kung hindi pa mgkasundo.:-)

"Nanny alis na po ako!" paalam ko bago tuloyang lumbas ng bahay. Dumiretso agad ako sa kotse ko at pinagbukas naman ako ng gate ni mang ernie.

Pagdating ko sa school, andon na sina yvonne at candy.

"Oh, andito na pala si Andy. Kumusta?" bati ni candy sakin ng makaupo ako. Nginitian ko sila.

"Good morning girls!" bati kong nakangiti.

"Good morning din! Kumusta ang lakad niyo ni tita cass kahapon?" -yvonne

"Huh? Ah..hindi natuloy eh.." sagot ko.

"Huh? Bakit?! Akala ko ba

Importante?" si candy.

"Oo nga!" sigunda naman ni yvonne.

"Ah.. Ewan ko kay mommy, hindi kami tumuloy. Pero.." sabi kong inilapit ang mukha ko sa kanila.

"Si DK ang kasama ko kahapon.." mahinang usal ko. Nanlaki ang mata ang mata ng dalawa bago ngumiti.

"Bruha ka! Kaya pala absent ka pati hapon, kasama mo si fafa DK!" mahinang ding sagot ni candy. Bahagya akong tumawa.

"Sira! Namasyal lang kami.. Bihira ko na din kasing makasama yon.." ngiting ngiti kong sagot. Naalala ko kasi ang mga ginawa namin kahapon sa resort, kinikilig pa din ako! Haha!

"Ang lapad ng ngiti mo, kwentohan mo kami mamaya." si yvonne.

"Oo ba--"

"Good morning! Class!"

The love story of PHOENIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon