chapter 1.5

14 1 0
                                    

"Mamya na tayo magkwentohan." mahinang bulong ko sa dalawa bago ako umayos ng upo dahil nasa room na ang teacher.

"Class, may bago kayong classmate. Transferee siya from a foriegn school, so be nice to him." sabi ng teacher.

"Mr. Davidson, please come in." nakangiting utos ng teacher at napatingin kaming lahat sa pinto ng pumasok ang matangkad, maputi, at gwapong lalaki. Mukhang palakaibigan ang isang ito dahil nakangiti na pagpasok palang ng pinto. Napuno ng bulungan ang buong classroom ng magsimula itong maglakad papunta sa unahan para magpakilala.

"Good morning everyone! My name is Alexander Miguel Davidson. You can call me xander. I hope maging friend ko kayo lahat!" nakangiting pakilala nito bago iginala ang paningin sa buong klase at ng dumako ang paningin sakin, bahagya ko lang siyang nginitian.

"Thank you Alex! You may take your seat." sabi ni ms. Dela cruz.

"San kaya siya uupo?"

"sana dito nalang sa tabi ko!"

"Oh my god! Ang gwapo gwapo niya!"

Bulungan ng mga babaeng classmates ko habang nakatingin kay Xander na naghahanap ng vacant seat. Huminto ang paningin niya sa tabi ko at nagsimulang maglakad. 'wag mong sabihing dito ka mauupo?' sabi ko sa isip habang pinapanuod siyang maglakad.

"Xander, dito ka na maupo oh?" naagaw ang attention namin ng magsalita si Dea. Tiningnan ito ni Xander bago ngumiti.

"Ah.. Thanks! But no.." magalang nitong tanggi bago lumapit sa vacant seat sa tabi ko. Napasimangot naman si Dea.

"Do you mind if i sit here?" nakangiti nitong tanong. Napatingin ako sa kanya na parang nagtataka.

"Okay lang ba maupo dito?" tanong niya ulit na todo ngiti. Napataas ang kilay ko. Ang presko kasi ng dating.

"Hindi naman akin ang chair na yan para sabihing hindi.." nakangiting sagot ko na may halong sarcasm. naiirita ako sa pangiti ngiti niya! Bahagya siyang tumawa.

"Thanks!" sabi niya bago naupo. Inis kong iniurong ng bahagya palapit kay candy ang upuan ko.

"Don't be scared, hindi naman ako nangangagat." sabi nito pero hindi ko na siya nilingon. 'masyadong presko!'

Hindi na lang ako kumibo. Nang magsimulang mgturo si ms. Dela cruz ay don ko na itinuon ang atensyon ko, hanggang namalayan ko na lang ay lunch na pala.

"Andy, bilis na jan, gutom na ako." sabi ni candy na tumayo na kasabay si yvonne.

"Sandali, lalagay ko lang mga gamit ko." sagot ko. Ng malagay ko na lahat ay tumayo na ako at paalis na sana kami ng magsalita ang asungot na si xander.

"Ah..can i join you for lunch?" tanong nito. Napalingon kami sa kanya at ngitian naman niya kami.

"sur--"

"Sa iba ka nalang makisabay, nagmamadali kami eh. Tara na?" sagot ko saka binalingan ang dalawa at nauna na akong nglakad.

"Ah..Xander, pasensya ka na kay andy ah?" narinig kong sabi ni yvonne. 'tss! Bat ba nagpapaliwanag pa siya don?!'

"Tara na!"

"Susunod na! Nagmamadali?" sagot ni candy. Nauna na akong naglakad at nagpatiuna na sa canteen. Nakaupo na ako sa table namin ng dumating ang dalawa, este tatlo pala, dahil kasama nila si Xander!

"Oh, bakit kasama niyo yan?" tanong ko sa dalawa. Napamaang naman sila. 'bawal na bang magtanong ngayon?'

"Oy girl, ang sungit mo yata ngayon?"

"Ah, sabay na natin si Xander Andy, wala pa kasi siyang kaibigan eh.." sabi ni candy na parang nagpapaliwanag.

"Its okay, parang ayaw yata ng kaibigan niyo.." napapakamot ulong sabi ni Xander. Na guilty naman ako bigla kaya naman tumingin ako sa kanya bago nagsalita.

"Its okay, s-sumabay ka na sa amin.. M-may extra chair naman.." sabi ko at nag iwas ng tingin. Napangiti ang dalawa kaya palihim ko silang tinignan.

"Yon oh? Xander upo ka." nakangiting aya ni candy.

"Thanks!" sabi nitong naupo sa silyang kaharap ng inuupuan ko. Tumayo ako para mag order ng pagkain namin.

"Oh, andy? Where are you going?" tanong ni yvonne.

"Oorder ng pagkain? Di ba gutom na kayo?"

"Ah.. Oo nga. He he.." tumayo na din ito.

"Sasama ako.. Para may magdala ng food.." sabi naman ni Xander. Napatingin ako sa kanya, at nginitian naman niya ako. Nag iwas ako ng tingin tsaka nagpatiuna na sa linya sa bumili ng food.

"Miss, isang beef steak, rice, salad at pineapple juice." sabi ko.

"ganon din sakin miss, tsaka--" napalingon ako sa nagsalita, si Xander. Ngumiti siya, tinanguan ko lang siya. Ng dumating ang order ko, ay agad kong kinuha yon at akmang aalis na ng magsalita ulit ito.

"Ah..Sabay na tayo Andy.." tila nahihiyang sabi nito. Pilit akong ngumiti.

"Sige.." hinintay ko muna siya, pagkatapus non ay sabay na kaming bumalik sa table.

"Wow! Ang daming food ah?" -yvonne

"Sinong my birthday?" -candy

"huh?" takang tanong ni Xander. Bahagya akong natawa.

"Dont mind them, nagbibiro lang ang dalawang yan. Let's eat?" sabi ko tsaka nagsimula ng kumain. Gutom na ako kanina

Pa eh. Bakit ba? Kumain na din ang tatlo. Kwentohan lang tatlo, habang ako kain ng kain.

"ah..kung ganon 2 years ahead ka pala samin kung di ka nagtino ka lang sa pag aaral?" natatawang tanong ni yvonne ky Xander.

"Thats right. Pero wag mo na akong tawagin kuya!" natatawa ring sagot nito. 'Kung ganun hindi pala 'to matino. Tsk! Tsk!'

"haha! Yes KUYA Xander.!" Biro ni candy tsaka sila nagtawanan. Bahagya naman akong natawa ng malukot ang mukha ni Xander. Haha!

"Pasaway!" naiiling na sagot nito na tinawanan lang nina candy at yvonne.

"Dont mind that two, they're naughty than you think." nangingiti kong sabad sa usapan. Napatingin siya sakin bago nagsalita.

"Halata nga! Akala ko ang hinhin." natatawa niyang sagot. Napangiti ako.

"Oy, good girl kami ah?"

The love story of PHOENIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon