chapter 1.2

22 1 1
                                    

Sagot ko. Napangiti siya bago lumapit.

"I know! Ngayon mo lang napansin?" mayabang nitong sagot tsaka marahang kinurot ang pisngi ko. Napatawa ako.

"Ang humble talaga ng boyfriend ko! Walang ka hangin hangin!" sarkastikong sabi ko habang natatawa. Natawa din siya.

"Well, minsan ang katotohanan napagkakamalang kayabangan!"

"Ang yabang mo!" malakas kong sabi. Tumawa lang siya bago ako hinawakan sa kamay at iginiya papuntang table kung saan naruon ang pagkain.

"Eat a lot my princess.. Alam kong gutom ka na." sabi niya matapus akong ipaghila ng upuan.

"Bakit hindi ka ba kakain? Kumain ka..sigurado ako gutom ka na din, mahangin ka na eh!" natatawa kong sabi.

"Sus! Bakit hindi ba ako gwapo?" pangungulit niya.

"Gwapo naman, pagka nakatalikod!" sagot ko at tumawa. Nalukot naman ang mukha niya.

"Ang sama mo talaga!" nakasimangot niyang sabi. Mas tumawa naman ako.

"Hahaha! Wag ka ng mag drama jan, ang sagwa tignan eh." pang aasar ko pa.

"Sige mang asar ka pa, hindi kita iuuwi!"

"Okay lang, may dala naman akong kotse." sagot ko.

"Tss!" kunway singhal niya. Natawa ako. Tumahimik lang ako ng tingnan niya ako ng seryoso. Umiwas ako ng tingin, kumuha na ako ng food at nagsimulang kumain.

"Babe oh? Masarap 'to.." nakangiti kong sabi sabay lapit ng kutsara sa bibig niya. Ibinuka naman niya ang bibig niya tska sinubo sa kanya yong food.

"Ayan! Want more?" nkangiti kong tanong. Tumango siya.

"Dahil inasar mo ako, susubuan mo ako ngayon hanggang matapus tayong kumain." seryoso niyang sabi. Napangiti ako.

"Sus! Gusto mo lang maglambing eh." sagot ko pero nagsimula na akong subuan siya.

"Pero dahil love na love ko si DK Fuentes, okay lang." nakangiti kong sabi sabay subo sa kanya. Napangiti siya ng maluwag.

"I love you babe.." mahinang usal niya matapus nguyain ang pagkain. Nagpatuloy kaming kumain, at ng matapus ay magkahawak kamay kaming lumabas ng beach resort at umuwi. Eksaktong 7pm ng dumating ako sa bahay, si yaya meling lang ang dinatnan ko don.

"Good evening nanny! Si mommy po?" agad kong tanong pagkapasok.

"Andito ka na pala hija.. Tumawag ang mommy mo, ipapasundo ka kay ernie para makapunta kang ospital." sagot ni yaya. Ng mabanggit niya ang ospital ay saka lang ulit ako nilamon ng lungkot ng maalala ko yong nangyari kay papa.

"Pakitawagan po si mang ernie nanny, pakisabi ipasundo ako ngayon. Magbibihis lang ako." utos ko bago umakyat sa hagdan.

"Sige hija, tatawagan ko. Hindi ka ba kakain?" tanong ni yaya ng nasa kalagitnaan na ako ng hagdan. Nilingon ko siya.

"Hindi na po, kumain na ako sa labas." sagot ko bago tuluyang umakyat sa kwarto. Nagpalit lang ako ng simpleng printed cotton shirt at fitted jeans tsaka bumaba.

"Nanny nanjan na ba si mang ernie?" tanong ko.

"Andito na hija, handa na ang kotse."

"Sige aalis na po ako. Salamat nanny!" sagot ko at lumabas. Agad akong sumakay sa kotse kung saan ako hinihintay ni mang ernie. Agad na din niyang pinaandar pagsakay ko.

"Mang ernie, may balita ba kayo kung kumusta si papa?" basag ko ng katahimikan.

"Kalalabas lang po ng operating room sabi ni sir Tyron kanina maam." magalang na sagot nito. Nagsimula na akong kabahan sa sagot ni mang ernie.

"Pakibilisan po ng konti mang ernie, gusto kong makarating kaagad." sabi ko at sumunod naman ito. Pagdating namin sa ospital agad akong pinagbuksan ng pinto ng kotse ni mang ernie. Nagkalat pa din ang mga reporters sa labas ng ospital. Pagkababa ng kotse, agad akong nilapitan ng isang tauhan ni papa at iginiya papasok, pero hindi kami sa mismong entrance ng ospital kung hindi sa tinatawag nilang VIP entrance. Walang reporters don kaya matiwasay kaming nakapasok.

"Mommy!" tawag ko pagkakita ky mommy na nakaupo. Agad akong lumapit dito. Tumayo naman ito agad pagkakita sakin tsaka ako niyakap at umiyak.

"Andy.." umiiyak na usal nito. Napaiyak na din ako habang napahigpit ang yakap ky mommy.

"A-ang papa mo.. He-he's in coma.." mas lalo akong napaiyak sa tinuran ni mommy.

"no.." napahagulhul na ako. My dad is my bestfriend, my adviser at mas close pa ako kay papa kesa ky mommy. Lagi siyang may oras sakin no matter how busy he is..tapus ngayon? He's in coma? Napakasakit.. Bumitaw sakin si mommy na mugto ang mga mata sa kakaiyak.

"Where is he? Gusto kong makita si papa!" umiiyak kong tanong kay mommy.

"Nasa ICU.. pero hindi pa daw pweding bisitahin within 24 hrs.." sagot ni mommy.

"Gusto kong makita si papa mommy, kakausapin ko ang doctor niya!" pagpupumilit ko.

"Andy, calm down.." napalingon ako sa nagsalita. Si kuya Tyron na papalapit samin.

"Kuya.. Kuya si papa.. Gusto ko siyang puntahan!" umiiyak na sabi ko. Niyakap at yumakap ako kay kuya Tyron.

"You'll see him later.. Just calm down.. He'll be okay.." sabi ni kuya habang hinahaplos ang likod ko. Medyo nabawasan naman ng konti ang bigat ng pakiramdam ko sa sinabi ni kuya. Bumitaw ako sa kanya.

"kuya, how long he will stay in the ICU?" tanong ko. Napatingin sakin si kuya.

"I cant answer you sis. Itatanong palang natin mamya sa doctor na umasikaso ky papa." sagot niya. Nakaramdam na naman ako ng sakit at parang gusto kong umiyak sa maaaring isagot samin ng doctor mamaya.

"He'll be okay naman di ba, kuya?" tanong ko.

"Of course sis. Ipagdasal natin na gumaling kaagad ang papa." pilit ang ngiting sagot niya. Alam ko naman pilit niyang nagpapakatatag dahil para samin ni mommy. I'm thankful na napaka responsable ng kapatid ko kahit bata palang din siya. He help dad a lot.

The love story of PHOENIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon