"Napatawag ka?" tanong ko bago sumandal sa head board ng kama.
"ayaw mo yata akong tumawag ah?" may himig pagtatampo niyang sabi.
"Oy, hindi ah? Magkasama kasi tayo 2 hours ago. Namiss mo na agad ako?" nakangiting tanong ko.
"Tumawag lang miss na agad? Confident ah?" biro niya. Napatawa ako ng malakas.
"Masyado ka kasing halata Derryk Kyle Fuentes!" natatawa pa ding sagot ko.
"Tss! Yumayabang ka na ah?" natatawang biro niya.
"Medyo lang!" sagot kong tumawa ulit.
"Mukhang masaya ang babe ko ah?" 'kinikilig kasi ako.' gusto kong sabihin sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakakahiya eh.
"Ah.. Kasi ano.. Masaya ako kasi.."
"Kasi kinikilig ka!" sagot niya sa kabilang linya. Pakiramdam ko kahit hindi ko siya kaharap ay namula ng husto ang mukha ko.
"Hindi ah! Ano kasi.. Kasi nagbibiruan kami ni nanny kanina." pagdadahilan ko. Lokong DK na 'to!
"Wag ka ng magkaila, kilala kita Maxien Andrea. Kapag ganyan ka, panigurado akong kinikilig ka at pulang pula ang mukha mo!" natatawang sabi niya.
"E-ewan ko Derryk Kyle!" malakas kong sabi na sinuklian naman niya ng malakas na tawa. Nagkwentohan pa kaming dalawa hanggang pareho kaming antokin.
"Babe, inaantok na ako.." sabi ko sa kanya na humikab pa.
"Sige na, matulog na tayo babe.. I love you so much..!" tugon niya at ayon na naman ang mabilis na tibok ng puso ko.
"I love you more babe.. Good night.."
"Mahal na mahal kita Andy.. Sige na, matulog ka na." napangiti ako ng maluwag sa huling sinabi ni DK bago ko pinatay ang cellphone ko. Natulog akong may ngiti sa mga labi.
---
DK's
Agad akong bumaba ng kotse matapos itong igarahe at naglakad papasok ng bahay. Nadatnan kong pababa ng hagdan sina mama at daddy kaya naman agad akong bumati at lumapit sa kanila.
"Good evening ma! Dad.."
"Good evening Anak!" sagot ni mama na hinalikan ako sa pisngi, habang si Daddy ay seryoso lang ang mukha.
"Aakyat ka pa ba? Magdidinner na tayo." tanong ni mama.
"Aakyat po muna ako, i'll take a quick shower, malagkit na po pakiramdam ko eh." sagot ko at saka nagsimulang umakyat sa hagdan.
"Oh, sige, umakyat ka na. Bilisan mo anak." sagot ni mama.
"Yes ma!" sagot ko naman. Pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong naghubad ng damit at dumiretso sa banyo. Madalian lang akong naligo at nagbihis saka bumaba. Nandon na sila sa dining table pati sina carl at carlene ay nakaupo na din, ako nalang ang wala.
"Anak upo na." sabi ni mama. Naupo na ako sa pwesto ko.
"Kain na tayo kuya, gutom na ako." napatingin kami kay carlene ng magsalita ito.
"nagutom na naman ang healthy." asar ni carl dito. Napatawa kami nila mama.
"Oh siya, magsikain na tayo. Baka pumayat si carlene niyan." pagbibiro ni mama at nagtawanan naman kami. Hindi kasi slim ang kapatid ko, medyo chubby siya kaya madalas siyang asarin dito sa bahay.
"Ahm, DK, pumunta ka ng library after 30 minutes, hihintayin kita. We need to talk." sabi ni daddy ng akmang aakyat na ako sa hagdan. Katatapos lang namin mag dinner. Tumango ako.
"Yes dad." sagot ko at umakyat na. Matapos magpahinga sandali ay nagpunta na ako ng library. Ang library na tinutukoy ni Daddy ay nasa ikatlong palapag ng bahay katabi ng prayer room. Malaki yong library na nahahati sa tatlo. Nasa gitna yong mismong lalagyan ng mga libro, nasa kanan ang study room kung nasaan ang set of computers na ginagamit namin ng mga kapatid ko at nasa kaliwa naman ang ginawang opisina ni Daddy. Nakahiwalay ito at may sariling pinto. Nang makapasok ako sa library ay agad akong nagtungo sa opisina ni daddy, kumatok muna ako bago tumuloy. Nakatungo si daddy at parang may binabasa ng pumasok ako.
"Maupo ka." sabi nito at tahimik naman akong naupo sa sofa.
"Ano tong nalaman ko DK?" anya sabay lapag sa lamesa ng brown envelope.
"Kaya ba hindi mo magawa ang iniutos ko sayo is because you are damn busy with a high school student?!" galit na sabi ni Daddy habang binubuksan ko ang envelope. Mga kuha namin ni Andy na magkasama at yong isa don ay kahapon lang kinunan. Napatingin ako kay daddy.
"What about it Dad?"
"Nakapending a din ang trabahong yon dahil wala akong mautosan, i want you to DO it!" matigas na saad nito. Napatitig ako sa kanya.
"What if i don't?" nanghahamong tanong ko. Nanigas ang anyo nito at halatang galit.
"Then i have no choice, kung ang babaeng yon ang dahilan mo para hindi magampanan ang trabaho mo, i have to get rid of her!"
"Dad!!" napatayo ako sa kinauupuan ko sa sinabi ni Daddy. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang sabihin ang mga yon. Tumayo din ito at hinarap ako.
"Then do as i said! And besides DK, if you're just planning to ruin the girl's life, stop it!"
"Who told you dad na ganon ang plano ko?" mahinahong tanong ko.
"Don't tell me you're serious with that girl? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?! Sa dami ng babae isang high school pa ang pinatulan mo!" galit na sigaw nito sa mukha ko. Nakaramdam ako ng matinding inis.
"Walang kinalaman ang personal kong buhay sa trabaho Dad, kaya wag na wag niyo pong papakialaman si Andy." seryosong sabi ko.
"Andy pala ang pangalan ng batang yon. Hiwalayan mo ang batang yon! Nakakahiya kapag idenimanda ka ng cradle snatching ng mga magulang niya! Talaga bang sinusuway mo na ako ngayon hah DK?"
"Hindi ko magagawa yon Dad. Kung yon lang ang ipinagpatawag mo sakin dito, tapos na ang usapan natin." sabi ko at akmang aalis na ng magsalita ulit ito.
"DO it or i will get rid of her myself."
BINABASA MO ANG
The love story of PHOENIX
General FictionLove and Hatred are two equally opposite feelings. Mahirap pagsamahin or talagang hindi mapagsama. But have you ever xperience of having this two feelings for one particular person?!? Mahirap at magulo. Parang labanan ng isip at puso. Pero sa ganito...