chapter 1.7

11 1 0
                                    

"Maghanap ka din ng DK girl, para granted ang wish mong hot and gorgeous bf! Hahaha!" napasimangot si yvonne sa pang aasar ni candy.

"Tss! Panira ka talaga ng trip! Palibhasa wala kang taste sa gwapo." sagot nito.

"What do you mean, ngetpa ang trip ko?! I hate you!" ito naman ang napasimangot at umirap kay yvonne.

"Hindi ah? Kasi girl, beauty

Is in the eye of the beholder. Kahit ngetpa sa paningin namin, gwapo para sayo! Hahaha!"

"Aahh!! Ang sama mong bruha ka! Sa ganda ko'ng to papatol ako sa panget? Hah! Wish mo lang!" candy.

"Andy, maganda ba si candy? Para kasing kailangan ko ng salamin na mataas ang grado!" napabunghalit ako sa tawa ng tanungin ako ni yvonne, at ng tingnan ko naman si candy, lukot na ang mukha niya.

"Andy, bigla mo nga yan ng pampatulog, ang ingay eh!"

"Hahaha! Tama na nga! Nagbangayan na naman kayo. Pareho naman kayong good catch sa mga gwapo." nakangiti kong sabi. Agad lumuwag ang ngiti ni candy.

"See girl? Andy is honest!" natatawang sabi ni candy na nakatingin kay yvonne. Ngumiti naman ng nakakaloko si yvonne bago nagsalita.

"Wag kang maniwala jan, magaling talagang mambola si Andy!" sabi nito bago tumawa ng malakas. Basta ang dalawa to, laging asaran pag magkasama kaming tatlo, pero pag wala ako, bestfriends forever ang drama!

"Tam--"

"Good afternoon class!!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marinig namin ang pagbati ng teacher. Si mr. Valdez, math teacher namin.

"Dumating na naman ang kalbaryo ko!" mahina at medyo nakatawang sabi ni yvonne. Bahagya din akong natawa. Ayaw kasi nila ng numero ni candy, nakakahilo daw tumingin palang sila sa napakaraming numero na hinaluan pa ng letra!

"Mabuti yan, para manahimik kayong dalawa!" natatawa kong sagot. Ngumoso lang ito tsaka nglabas ng notes. Ganun na din ang ginawa ko. Nang mga lumipas na sandali ay natuon na ang atensyon namin sa tinuturo. Nagrerecite at nagsosolve ng problem in front. Sina yvonne at candy naman ay halatang hirap umintindi ng tinuturo. Ewan ko sa dalawang 'to, sa ibang subject magaling pero pagdating sa math, hirap umusad.

"Okay class, next meeting we will be having quiz. Mag advance reading kayo sa next chapter, that will be our next topic and I might give you pre-test. Dismiss!" sabi ni mr. valdez bago lumabas ng room.

"Hay..hindi na ata talaga mababago ang hirap ng mga tinuturo ni sir!" bagsak ang balikat na usal ni yvonne habang inililigpit ang mga gamit niya.

"Feeling ko naman kailangan ko na ng math tutor ngayon!!" sagot naman ni candy. Napatingin ako sa kanilang dalawa, sa performance nila

Kanina medyo sabit nga.

"Maybe i can help?" sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita, si xander.

"Really Xander?!" nkangiting tanong ni candy.

"Ah, yeah! Pwedi ko kayong tulungan." - xander

"Talaga? Wow! Ang galing naman!" natutuwang sabi ni candy na nangingislap pa ang mga mata. Nagkatinginan kami ni yvonne na nagtatanong ang mga mata.

"Ah.. Sure candy.!" nakangiting sagot ni Xander.

"Ehem! Mauuna na ako candy!" malakas kung sabi para maagaw ang atensyon niya. Tumingin silang dalawa sakin.

"Huh? Ah.. Eh.. S-sabay nalang tayo papuntang parking lot.." sagot nito. Nagkibit balikat ako at tumalikod, sumunod naman si yvonne.

"May napansin ka?" tanong nito. Bahagya akong tumawa.

"Hindi magaling magtago ang isang yon."

"Haha! Na love at first sight ang gaga!" tumatawang sabi ni yvonne, natawa na din ako.

"Patay ka don! Todo pa cute pa naman kay xander yon! Haha!"

"haha! Napaka transparent ng isang yon! Ay siya nga pala, saan ang punta niyo mamaya?" tanong niya bigla.

"Ah, hindi ako sure kung saan, nakalimutan ko." kaila ko.

"Oo nga pala, saturday na day after tomorrow, mag malling naman tayo."

"I'm not sure if i can go.."

"Bakit naman?" takang tanong niya.

"Magpapaalam pa kasi ako kay mommy."

"sana naman payagan ka, matgal na din tayong di nakakalabas, nakakamiss din." napangiti ako.

"Oo nga eh. Kung hindi ako makasama, mgse set nalang ng date, dun tayo samin mag bonding!" masayang sabi ko.

"wow! That's a good idea!"

CANDY's

'loko dalawang yon, iniwan pa ako! Nakakahiya naman dito kay Xander.' napabuntong hininga ako.

"Ah..candy, wait! Sasabay na ako sayo palabas." napalingon ako ng magsalita si xander.

"Huh? Ah.. S-sige. Iniwan na din naman ako ng dalawa." sagot kong bahagyang tumawa. Ngumiti siya ng matamis.

"Oo nga eh, nagmamadali ata." sagot niya. Maya maya pa ay naglalakad na kami sa hall way na walang kibuan.

"ehem! Hmm..candy, pweding magtanong?" basag ni xander sa katahimikan. Ngumiti ako.

"hindi ba nagtatanong ka na niyan?" sagot ko na ikinangiti niya.

"Ah.. Hehe! Itatanong ko sana, matagal na ba si Andy at y-yong boyfriend niya?" tila nahihiya nitong tanong na napakamot pa sa batok.

"Ahm..if i'm not mistaken, mag iisang taon na sila ni DK. Bakit mo naman naitanong?" ganting tanong ko matapos sagotin yong tanong niya. Tipid naman siyang ngumiti.

"Ah, wala naman, naitanong ko lang. S-siya lang yata ang my boyfriend sa inyo." napangiti ako ng maalala kung paano nagkatuluyan ang dalawang yon.

"kami nga rin eh, 3rd year palang kami non ng magligawan ang dalawang yon." nakangiti kong kwento.

"Talaga? That was sweet!" kumento niyang nakangiti din.

"yeah right, pareho silang sweet and they love each other so much!" masayang kwento ko.

"I see.." tanging kumento niya. Nag makarating kami sa parking lot, kakaalis lang ng kotse ni Andy.

"Bat ang tagal niyo?" tanong agad ni Yvonne pagkalapit namin.

"Ito kasing si xander, nagpakwento."

The love story of PHOENIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon