chapter 1.10

7 0 0
                                    

Nakaramdam ako ng matinding kirot ng makita kong nagtatawanan ang dalawa. 'akala ko ba mommy mo ang kasabay mong magdinner? Bakit makikita ko nalang iba ang kasama mo at isa pang lalaki?'

"No, hindi ko siya kilala. Why?" napalingon ako kay mama saka umiling.

"Wala naman po. Tara na?" sabi ko saka kami tuloyan ng umalis ng lugar na yon. Habang daan ay hindi ko maiwasang mag isip tungkol sa nakita ko.

"Magpapahinga na ako ma." paalam ko agad pagkapasok namin sa bahay.

"Sige.. Are you okay son?"

"Yes ma, pagod lang ako i guess. Sige po." humalik muna ako sa pisngi ni mama bago umakyat. Pagdating ko sa kwarto ay agad kong inilabas ang phone ko at tinawagan si Andy. Pero nakailang ring na ay hindi pa din niya sinasagot. 'bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko?' sa isip ko habang patuloy pa din ang pagtawag sa phone niya. "Baka nga kasama pa niya ang Tyron na yon." napabuntong hininga nalang ako saka pabagsak na nahiga sa kama. Makalipas ang ilang sandali ay kinuha ko ulit ang phone ko pero nadismaya lang ako dahil wala man lang text galing sa kanya. 'ibig sabihin hindi man lang niya natignan ang phone niya.' inilapag ko nalang ulit ang phone ko at nagtungo ng banyo para maligo. Matapus maligo ay nagbibihis na ako ng biglang mag ring ang phone ko. Biglang tumibok ang puso ko at dali dali kong kinuha ang phone, pero na dismaya ako ng makitang si Daddy ang tumatawag.

"Hello dad?" tinatamad na sagot ko.

"Where are you DK?" agad na tanong nito.

"Nasa bahay ako ngayon. Bakit po?" tanong ko.

"may ipinadala akong dukomento sa condo mo, asikasohin mo yon."

"Ngayon na ba dad?" tanong ko na tumingin sa wall clock sa kwarto. Almost 12 midnight.

"Bukas nalang, papauwi na din ako. Come to my office tomorrow lunch." sagot nito.

"sige dad.." sabi ko bago ibinaba ang phone. Nagbihis na ako at nahiga. "hindi man lang niya naisipang tignan ang cellphone niya. Sino ba si Tyron sa buhay mo Andy?" tanong ko habang nakatitig sa kisame, at nandon na naman ang mabigat na pakiramdam ng maalala ko ang pagtatawan nila kanina. Napatiimbagang ako at pinilit na pakalmahin ang sarili. 'ask her first DK, wag kang mag isip ng negatibo.'

NEXT DAY

Maaga akong nagising kinabukasan. Agad akong naligo at nagbihis tsaka bumaba.

"good morning ma!" bati ko ng madatnang nasa baba na ito at tumutulong maghanda ng breakfast.

"Good morning son! Tulog pa ang mga kapatid mo?" tugon ni mama bago ako halikan sa pisngi.

"hindi pa yata ma.. Maaga lang siguro ako masyado ma, may aasikasohin lang ako."

"Ang aga naman ng anak ko ah? Yong daddy mo maagad din nagising." nakangiting sabi ni mama.

"May ipapaasikaso kasi sakin si daddy, don niya sa condo ko naipadala kaya dadaana ko pa yon ngayon bago pumuntang school." sagot ko na naupo na sa breakfast table.

"Hindi ka naman ba inaabala masyado ng daddy mo? Graduating ka na." tanong ni mama, umiling ako.

"Hindi naman ma, sakto lang." nangingiting sagot ko.

"Naku! Ang daddy mo talaga, hindi nalang mag utos ng tauhan niya."

"Narinig ko ata ang pangalan ko ah?" napalingon kami sa hagdan ng marinig ang boses ni daddy.

"Nandito na pala ang hari." natatawang sabi ni mama habang papalapit kay daddy.

"Maupo ka na, magbibreakfast na tayo. Manang, pakidala na dito ang breakfast." baling nito sa katulong namin.

"Mukhang ang aga niyo akong pag usapan ah?" sabi ni daddy na naupo na din.

"May iniutos ka daw kasi dito sa anak mo. Naku ha? Graduating na yang anak mo, wag mo ng ina abala."

"hon, pagka graduate niya yong business din natin ang hahawakan niya, so much better ngayon palang alam na niya ang pasikot sikot sa business." mahabang sabi ni daddy na bahagya pa akong sinulyapan. Lihim naman akong napailing. Maya maya lang ay bumaba na din sina carl at carlene, ang kambal na kapatid ko. Pareho silang nasa first year college. Ng matapus mag breakfast ay agad akong tumayo.

"Mauna na ako ma, daddy. Dadaan pa ako ng condo." paalam kong tumayo na.

"Sige anak, mag iingat ka."

"Bye kuya!" magkapanabay na sabi ng kambal.

"Sige." sabi kong tumayo na.

"DK, dont forget to drop by sa office after your class." bilin ni daddy.

"yes dad.. Alis na po ako." sabi ko at umalis na. Agad akong sumakay sa kotse ko at nagdrive papuntang condo.

ANDY's

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa kwarto ko. 'bwisit na alarm clock yan! Antok pa ako!' pilit kong inabot ang alarm clock sa side table saka pinatay. '5 minutes pa..' sa isip ko saka pumikit ulit.

"Maam andy, gising na po kayo!" nagising ako sa sunod sunod na katok sa pinto.

"Maam Andy!!"

"Gising na ako!" sigaw ko saka bumangon nang mapatingin ako sa relos.

"Oh my god! Ma lalate na ako!" bulalas ko sabay takbo papuntang banyo at mabilis na naligo. "bakit kasi ngayon lang ako ginising! Patay ako nito!" mahinang bulong ko habang pinapatuyo ang buhok ko ng dryer. Nag matuyo ay dali dali akong bumaba.

"Nanny alis na po ako!" paalam ko na dumiretso sa pinto.

"Teka! Hindi ka ba mag aalmusal?" pahabol na tanong ni Nanny.

"Hindi na po, sa school nalang! Bye nanny!!" mabilis pa sa alas kwartong nakasakay ako ng kotse ko at pinaharurot paalis. Eksaktong limang minuto bago magsimula ang klase ng marating ko ang parking lot ng school. Dali dali akong bumaba ng sasakyan at naglakad.

"Andy, wait!" napalingon ako ng may tumawag sakin.

"Good morning!" bati ni Xander ng makalapit. Ngumiti ako.

"Good morning din! Dalian na natin, late na tayo." sabi ko at naglakad na, sumabay naman siya sakin sa paglalakad.

"Late ka din pala." usal niya.

The love story of PHOENIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon