Napaangat ako mula sa pagkakayakap kay papa at tiningnan siya.
"Papa naman! Hindi ka pa fully recover makaasar ka jan.." tumawa ito.
"I just dont wanna see you crying Anak.." napangiti ako.
"Magpagaling ka na muna papa, tsaka mo asarin!" nangingiting sabi ko.
"Naku anak, wag mo muna kulitin ang papa mo." sabi ni mommy.
"E, mommy si papa po ang pagsabihan niyo, nang aasar na eh.."
"Ikaw george magpahinga ka na, sabi ng doctor you need it." sabi ni mommy. Tiningnan ko si papa, nagkibit balikat ito habang nakangiti.
"Narinig mo pa? So, pahinga kang mabuti." tila nang aasar kong sabi. Bahagyang napatwa si papa.
"Pinagtutulongan ata ako ng mag ina..no choice." sabi nito na animoy natalo. Napatawa kaming lahat kasama si tita Agness.
"Wag ng maraming satsat, sleep ka na pa, talo ka na." nakangiting sagot ko tsaka inayos ang kumot niya. Ngumiti naman siya at umayos na higa at pumikit.
"Oo nga pala cassandra, i guess kailangan ko ng umuwi, hinahnap naman ako ng mag ama ko. Nasa bahay na si Alex." napatingin kami kay tita Agness ng bigla itong magpaalam.
"Uuwi ka na agad tita?" tanong ko. Tumango naman ito at ngumiti.
"Yes hija, pero babalik naman ako para may maka kwentohan ang mommy mo."
"Thanks for coming tita!" nakangiting sagot ko bago ako lumapit dito para humalik sa pisngi.
"Thanks for comin Agness.. Ihahatid na kita sa labas." nakangiting sabi ni mommy at tumango naman si tita.
"Oh paano, mauna na ako.." paalam ni tita.
"Ingat po kayo tita!" sabi naman ni kuya at humalik din sa pisngi nito. Ngumiti si tita.
"Salamat hijo!" sagot niya bago sila tuluyang lumabas ni mommy. Naiwan kaming tatlo nila papa at kuya sa kwarto. Mukhang tulog na si papa at si kuya naman ay bumalik na ang atensyon sa laptop niya. Naupo nalang ako sa tabi ng kama ni papa at pinagmasdan itong natutulog. 'sana gumaling ka na pa..'
"Anak, hindi ka pa ba kayo uuwi?" napapitlag ako ng biglang marinig ang boses ni mommy. Nakabalik na pala ito sa kwarto.
"Nakaalis na si tita?" tanong ko ng lingunin ito.
"Oo, kakaalis lang. Kayo ng kuya mo? Its getting late, may pasok pa kayo bukas. Tyron?" baling nito kay kuya.
"We're going mom.." sagot ni kuya habang inaayos ang gamit niya. Tumayo na din ako at humalik muna sa pisngi ni papa bago nilapitan sina mommy at kuya na nakahanda na din para umalis.
"Alis na kami mommy.." paalam ko at humalik sa pisngi nito.
"sige anak!" sagot ni mommy na hinalikan din ako sa pisngi pati si kuya.
"Mag iingat kayong dalawa, okay?" bilin pa nito.
"Yes mom.!" sagot ni kuya bago kami lumabas ng kwarto at naglakad palabas. Ng makarating kami kung saan naruon ang sasakyan ay agad kaming pinagbuksan ng pinto ng driver na si kuya raul. Sumakay ako kasunod si kuya. Magkatabi kami sa likod habang si kuya raul naman ay naupo sa driver's seat.
"Uuwi na po tayo sir?" tanong nito na sinulyapan kami.
"Kuya, kain muna tayo." sabi ko kay kuya.
"Hindi ka pa nag dinner?!" parang gulat na tanong nito. Umiling ako.
"Balak ko sana sumabay kay mommy, pero nakakain na pala kayo.." sagot ko. Nakita ko kasi kanina sa kwarto ni papa ang mga inorder nilang pagkain sa isang restorant.
"dadaan na muna kami sa hotel." baling ni kuya kay kuya raul bago pinaandar ng huli ang kotse.
"sa hotel pa just for dinner?" tanong ko.
"may malapit na hotel dito kesa naman maghanap pa tayo ng resto. Its almost 10:00 pm." sagot ni kuya. Tumango tango naman ako. Maya maya lang ay nakarating na din kami sa hotel. Pinagbukas kami ni kuya raul ng pinto tsaka kami naglakad papasok ng hotel.
DK's
"Hello ma? Andito na po ako." bungad ko ng sagotin nito ang phone. Nandito ako ngayon sa 5 star hotel kung saan nagpasundo si mama after her meeting with some business partner.
"Pababa na ako. Wait for me at the lobby son.." sagot nito bago ibinaba ang phone. Naupo na ako sa lobby at naghintay ng ilang sandali bago ko nakitang papalabas na si mama kasama ang mga ka meeting niya.
"Its nice doing business with you amiga. Ipadadala ko nalang ang ibang papers for signing." narinig kong sabi ni mama bago nagpaalam.
"let's go?" tanong nito ng makalapit. Tumayo ako at tumango.
"Nakakain ka na ba anak?"
"Yes ma, kumain na ako kanina bago umuwi ng bahay." nakangiting sagot ko habang patuloy kami sa paglalakad.
"good. Ang daddy mo at mga kapatid mo nasa bahay na ba?"
"Si daddy wala pa, nasa opisina pa i guess.yong kambal lang ang nasa bahay." sagot ko. Ang kambal na tinutukoy ko ay sina carl at carlene, mga nakakabatang kapatid ko.
"I see.." nagpatuloy sa pagsasalita si mama ng may mahagip ang aking paningin. 'is that Andy?' sa isip ko habang nakatitig sa bagong dating. Naka office attire ang kasama nitong matangkad at gwapong lalaki. Napatiim bagang ako ng makitang nagtatawanan pa ang dalawa habang papasok sa loob ng naturang hotel. Hindi nila kami napansin kahit halos pasalubong na sila samin.
"That's Tyron James.." narinig kong sabi ni mama.
"Po?" nagtatakang tanong ko ng tignan siya.
"Yong lalaking tinitingnan mo, siya si Tyron James. Ang nag iisang anak ni george dela falcon." mahabang sabi nito. Napatitig ako kay mama.
"the richest george dela falcon?" tanong ko. Tumango ito.
"Yes, siya nga. Business partner siya ng daddy mo sa real state, and they help our company a lot."
"Yong kasama niyang babae ma, you know her?" tanong ko. Nangunot ang noo ni mama at muling nilingon sina andy na kasulukuyang kumakain.
BINABASA MO ANG
The love story of PHOENIX
Художественная прозаLove and Hatred are two equally opposite feelings. Mahirap pagsamahin or talagang hindi mapagsama. But have you ever xperience of having this two feelings for one particular person?!? Mahirap at magulo. Parang labanan ng isip at puso. Pero sa ganito...