CHAPTER 1
MARTHA
Napapangiti ako sa tuwing nakikita kong super sweet sa isa't isa ang parents ko. Always in love lang sila kahit na may edad na sila. tulad ngayon nagsusubuan pa sila habang kumakain.
How can a daughter like me would not be happy kung ganito ang nakikita mo. yung naniniwala kang may forever kasi yung parents mo ay hanggang ngayon ay hindi nagsasawa sa isa't isa.
Hindi applicable kay Dad ang kasabihang 'Once a playboy, always a playboy' dahil playboy siya noong kabataan niya pero ng magmahalan na silang dalawa ay hindi na tumingin pa sa ibang babae ang Dad ko.
They might be not a perfect couple. May mga ups and downs din ang love story nila. life is not always being happy but they still fought for their happiness. Sana kung sino man ang future boyfriend ko, sana tulad siya ni Dad.
Wala parin akong boyfriend kahit na umabot na ako ng twenty three. Maraming nanliligaw at nagpaplipad hangin but it seems I can't have a time for it, I can't find the man to love.
Nakikipadate ako but I just couldn't make it. Yung aabot ka level na gusto mong mag commit.
"Mag ho-honeymoon kami ng Mom mo."
Bahagya akong natigilan sa pagkain. Hindi na ako nabigla they always do some quality time but kami na ni Kuya ang nag ha-handle ng business namin kaya si Dad he's just coming to our company to check us.
"Saan naman po kayo pupunta?"
"Sa isla ng Tito Ivan mo."
Oh! I heard that island is so beautiful. Hindi gaanong kalakihan ngunit sariwa at maganda ang tanawin. Pagmamay-ari ito ng mga De Leon. Medyo malayo sa siyudad at walang cell site. Yun daw ang maganda sa lugar na iyon dahil hindi ka madidisturbo kung sakaling Kailangan mong makapag-isip.
I wished na sana makapunta ako doon. naiisip ko pa lang na kung gaano kaganda ang paraisong iyon ay na e-excite na ako. my twin sis – Yasmine ay palaging ikukuwento kung ganoo kaganda ang lugar na iyon.
My thoughts just came back to the reality when I saw my handsome brother coming.
He greeted us with his sweet smile. He kissed Mom and Dad.
Kaya lang itong kuya ko panira 'to ng paniniwala ko sa forever. Sobrang pabling. Hindi nahihiya na i-display ang kalandian niya sa kahit sino. Tss. Hanggang hindi siya titigil sa pagiging pabiling niya ay hindi din ako titigil sa pagtirik ng kandila sa simbahan.
"So, are we getting a younger brother or sister pagbalik niyo?"
He just winked to our parents. What a naughty brother I have.
"Hijo, hindi na kayo magkakapatid." Natatawang sabi pa ni Dad kay Kuya. Pati si Mom natawa na din.
Kuya Lander just raised his shoulder and started to eat.
May sariling condo na itong kapatid niya pero minsan ay umuuwi pa rin sa bahay namin. We were very close to each other na pati mga manliligaw ko ay binabantayan niya. siguro isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa ako nagkakaboyfriend ay dahil na rin sa pagiging protective ni Kuya.
He doesn't want me to be fooled by the likes of him.
"I didn't hear you coming, did you just slept here?" tanong ko kay Kuya.
Hindi ko kasi narinig yung ugong ng sasakyan niya. kasi naman pagpumunta siya dito sa bahay ay tumatawag siya o di kaya ay naririnig ko yung ugong ng sasakyan niya ay kaagad ko na siyang sinasalubong.
"Yeah, I got drunk last night. Nagyaya yung head ng marketing. Birthday niya kasi."
Napatango ako. may tama talaga siya ay sa bahay siya umuuwi. Malapit lang kasi dito sa amin ang Grandeur which is favorite na tambayan ng magbabarkada at saka kaibigan nila yung mga anak ng may-ari ng bar.
BINABASA MO ANG
Matched with The Playboy (COMPLETED)
General FictionMartha believes in forever, dahil sa mga magulang niya. naniniwala siya sa pagmamahal at darating din ang lalaking para sa kaniya. Gabriel Ysren De Leon, nagmahal siya noon pero nasaktan siya and now he's one of the famous playboys in the town. Pero...