CHAPTER 15

301 8 1
                                    

CHAPTER 15

Nang tuluyan na siyang magising ay naramdaman niya ang pananakit ng kaniyang leeg. Pati ang kaniyang kamay ay masakit. Nakatali ang kaniyang mga kamay at paa. Nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang kaniyang mga kamay sa kandungan niya. nakatali rin ang kaniyang katawan sa silya gamit ang isang makapal na tali.

May nakadikit din sa kaniyang bibig kaya hindi siya makasigaw.

Napatingin siya sa paligid. Mukhang nasa isang warehouse siya.

Nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang nangyari. Na kidnap siya.

"Gising na pala si Miss Beautiful." Nakangising sabi nung isang lalaki. Lumapit ito sa kaniya at saka inalis ang tape na nakadikit sa kaniyang bibig kanina.

Kinakabahan siya pero pinipilit niya ang kaniyang sariling maging kalmado. Natatakot siya para sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga anak. Sana lang ay huwag siyang saktan ng mga kidnappers niya.

"P-please huwag niyo akong sasaktan."

"Huwag kang mag-aalala. Hindi ka namin sasaktan. Pera lang ang Kailangan namin." sabi naman ng isa sa mga lalaking nandoon.

May isang kilalang mukha ang bigla na lang dumating doon. naningkit ang mga mata ni Martha ng makita ang pagmumukha nito. Ganun na ba kalaki ang galit nito sa kaniya at nagawa siya nitong ipadukot?

Pero napatingin siya sa mukha nito na may pasa. Medyo may sugat din ito sa labi. may dala itong mga plastic bag at inilapag nito sa mesang naroon lang sa loob ng warehouse.

"Nadala ka din ni Boss dito." bahagyang sinundot ng lalaking Malaki ang tiyan ang mukhang may pasa ni Rish.

Napangiwi si Rish na bahagyang iniiwas ang kaniyang mukha.

"Ayoko dito. ayoko kay Alfredo at lalong ayaw ko sa inyo." May bahagyang diin ang mga sinabi ni Rish sa lalaki. "So ilang milyon ang hiningi ni Alfredo sa mga Diaz?"

Back to my current situation, hindi si Rish ang boss ng mga ulupong na ito? pero bakit nandito siya at sino ang tinutukoy niyang Alfredo?

"Seventy five million pesos."

Nanlaki ang mga mata niya. ang laking pera ng hinihingi ng mga kidnappers. Baka mamulubi ang pamilya niya kung pipilitin nilang magbayad ng ganoon kalaki.

"Ganiyan na ba kalaki ang utang niya? saan naman niya dinala yung perang ibinigay ko sa kaniya sa babae ba, luho, sugal or all of the above." Nasa boses ni Rish ang panggigigil. Naiiyak na siya habang nagsasalita.

"Sa lahat. Sige ikaw muna magbantay dito at ng maka kain na kami. gutom na kami." inihagis nung lalaki ang isang susi at isang baril.

Nanginginig na sinalo naman nito ang mga inihagis. Napatingin siya sa mga lalaking papalayo.

Nagpunas ng luha si Rish gamit ang braso niya. "Ano bang nagawa kong kasalanan at nangyayari ito sa buhay ko?" saka naipadyak niya ang mga paa.

Napabaling ang tingin nito sa kaniya.

"R-Rish, ikaw ba ang nag pakidnap sa akin?"

"No, I won't resort into something like this. Siguro kumapit ako sa matandang mayaman para maalis sa buhay ko si Alfredo, my step father. Who's a very bad man pero nandito pa rin ako. Hindi ako makatakas sa kaniya but I want to help you."

She's doubting her words pero wala nang maaarign makatulong sa kaniya ngayon kundi itong si Rish. Panay ang linga ni Rish sa palagid. Ilang sandali lang ay nakita naming bugsak ang mga lalaking kumakain sa mahabang mesa.

"Oh My! I did it. Now let's leave this place." Kaagad na kinalagan ni Rish ang nakataling si Martha. Medyo nahirapan si Rish na alisin ang mga lubid pero kahit natagalan ito ay nagawa na rin nitong makalagan siya.

Matched with The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon