CHAPTER 4
MARTHA
Nakatulog na si Kuya Gabriel sa tabi ko. hindi niya sinagot yung tanong ko kanina. Bahagya akong natawa sa sarili ko. hindi ko alam kung bakit ko yun natanong kanina. Siyempre playboy sila dahil may needs sila. yung mga babae ang unang lumalapit sa kanila at pinapatulan naman nila.
I'm not that naïve, I'm old enough to know that. but what I wanted to ask is why not be monogamous? Yung magmahal ka sa isang tao, comitt with her and be sure na aalagaan ka niya.
Alam kong nasaktan na siya dati but it's not enough para sukuan mo ang pagmamahal. Yung pagmamahal hindi naman ibig sabihin na nasaktan ka ay mauulit ulit iyon. Dahil ba hindi pa siya nakapag move-on sa babaeng iyon?
Napahawak ako sa dibdib ko. bakit ganoon, bakit parang nasasaktan ako? iniisip ko pa lang na hindi pa siya nakakapag move-on ay nasasaktan ako.
Maybe because nakikisimpatya ako sa kaniya. masakit mapaglaruan. Masakit masaktan but all wounds heals kung daraan ang mga panahon. Kung matututo tayong bigyang laya ang mga sarili natin.
Kung makapagsalita ako dito ay para akong isang love guru. A love guru na hindi pa nagkakaroon ng relationship. Kahit hindi ko man alam yung pakiramdam na masaktan ng minamahal mo pero alam kong masakit ang masaktan.
Napangiti ako. tutulungan kita Kuya Gab. Makakamove-on ka.
Tutulungan kitang maging masaya at magmahal ulit. hindi ko pa alam kung paano pero maniniwala ako sa sarili kong matutulungan kita.
Natuwa naman ako ng makitang may mga gamit pala ng pang bake dito. kaagad akong gumawa ng cupcakes. One of my favorites at saka inaaral ito dati ni Kristyna. nahawa ako sa kaniya.
Lahat ata ng mga recipe ng Made in Heaven ay meron siya. tinatyaga niyang aralin. Magaling naman si Kristyna mag bake pero yung pag de-design yung mahirap. Hindi naman kasi ako artistic na tao. Bahagya ko na lang nilagyan ng icing sa itaas yung ginawa kong cupcake.
Chocolate flavored yung ginawa kong cake naka kaboost kasi daw ng love hormones yung chocolate. Ginalingan koi tong pag gawa ko. sana lang kainin ni Kuya Gab.
"Oh, cupcakes." Nakangiting sabi ni Kuya Gab.
Gising na pala siya. bahagya pa siyang nahikab. Ang cute.
"Ito kuya, tikman mo." ibinigay ko yung isang cupcake sa kaniya.
Ngunit imbes na kunin ay inilapit nito ang kaniyang bibig sa cupcake na hawak ko at kinagatan ito. bahagya pang nadampian ng kaniyang labi ang daliri ko.
Parang nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam ng sumayad yung labi niya sa daliri ko. hindi ko mapigilang pamulahan. Para kasing sini-seduce niya ako at na se-seduce din ako. parang nag-iinit ang pakiramdam ko.
Aish!
"Kuya naman dapat kinuha mo yung cupcake sa kamay ko. muntik mo tuloy nakain pati daliri ko." naiinis kong sabi sa kaniya.
Inilapag kong cupcake doon sa mesa. Nakakainis kasi siya. hindi ko naman kasi siya sinusubuan. Inaabot ko sa kaniya yung cupcake.
"Masarap naman yung cupcake. Pati yung daliri mo. masarap." Pinadaanan pa niya ng kaniyang dila ang bahagi ng kaniyang labi na tumama kanina sa daliri ko. Tapos kinindatan pa niya ako.
Kinuha niya yung cupcake sa kamay ko saka umupo sa pang-isahang upuan at ipinagpatuloy ang pagkain ng cupcake.
Napakagat tuloy ako sa pang ibabang labi ko. shocks! Lalo tuloy akong pinamulahan ng pisngi. Nakakainis naman siya.
BINABASA MO ANG
Matched with The Playboy (COMPLETED)
General FictionMartha believes in forever, dahil sa mga magulang niya. naniniwala siya sa pagmamahal at darating din ang lalaking para sa kaniya. Gabriel Ysren De Leon, nagmahal siya noon pero nasaktan siya and now he's one of the famous playboys in the town. Pero...