CHAPTER 10

345 8 2
                                    

CHAPTER 10

GABRIEL

Nag-aya si Lander na lumabas kami ng mga kaibigan namin sa Grandeur. pinayagaan naman ako ni Alesia na sumama. Actually, gusto ko sana talagang huwag umalis. Masyado kasi akong naging busy nitong nakaraang araw at medyo nawawalan na ako ng oras sa kaniya.

Imbes na mag bonding kami after kong makauwi ay nag-uuwi pa ako ng trabaho. Ayaw ko kasing tapusin iyon sa office dahil na rin sa gusto kong umuwi ng maaga at makasabay siya sa hapunan. Kahit paano ay nakakapag-usap pa rin kami kung ano ang ginagawa namin sa maghapon.

Wala namang masyadong nagyayari kay Alesia dahil nasa condo lang siya at nanunood ng t.v o di kaya ay nagbabasa ng libro. Minsan ay lumalabas siya ng unit para pumunta ng mall.

Nang makarating akon ng Grandeur ay naroon na sina Lander, Calvin, Philip, Theo at Andrew.

Halatang masama ang timpla ni Lander dahil panay ang lagok nito ng alak. Pero alam ko namang hindi pa ito lasing. Isa si Lander sa mga kilala kong hindi madaling malasing.

"In love ang kapatid ko."

Napailing lang ako at hindi nagsalita. si Calvin naman ay bahagyang natigilan. Pati na rin ang ilang kaibigan naming naroon sina Theo lang at Philip ang tumawa ng malakas.

"So, mangyayari na ba ang kinakatakutan mo? tss. Masyado ka namang praning. Lahat ng tao nagmamahal, ikaw lang ata itong puro libog ang alam." Natatawang sabi ni Theo.

"Ayaw ko lang na masaktan siya. what if gawin lang siyang laruan ng lalaking iyon."

Gusto kong sabihin kay Lander na hindi ko gagawin iyon sa kapatid niya pero naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Alesia na dapat siya ang magsasabi sa kapatid at mga magulang nito. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan.

"Alam mo kakambal ng pagmamahal ang sakit. Kahit anong dahilan ng sakit na mararamdaman niya ay dahil sa nagmamahal siya. you will never get hurt kung wala kang pagpapahalaga sa isang tao. Mahal mo ang kapatid mo kaya natatakot ka. Normal yun." si Theo pa rin ang nagsasalita. Kung magsalita akala mo nagmahal na.

"Tama si Theo, ang Kailangan mo lang gawin ay suportahan siya. Matalino si Martha ngunit kakailanganin ka pa rin niya as her brother. Sa ngayon kung ayaw man niyang sabihin kung sino ang lalaking mahal niya ay hayaan mo siya. darating din ang tamang panahon para dun." Si Lance pala ang nagsalita na kadarating lang at kasama si Charles at Edrin.

"Dapat makilala ko siya. I won't let my sister to have a relationship with a jerk. Gusto ko sa isang mabuting lalaki siya mapunta."

"Tama si Lance, Lander. Kailangan mong hinatayin ang kapatid mong magsabi. Hayaan mong ma-experience ng kapatid mo ang ma-inlove." Pagsang-ayon ko sa sinabi ni Lance.

"Jeez! Let's stop talking about that. I heard a gossip na may girlfriend ka na daw." nakangiting umakbay sa akin si Edrin. Napakunot noo ako sa sinabi ni Edrin. Then naalala ko na may nakakita pala sa amin nung isang araw ni Alesia na magkadate.

Tiyak na yung babaeng iyon ang nagkalat ng balita.

"Yeah and I love her." napangiti ako habang naaalala ang maamo at magandang mukha ni Alesia. Bigla ko na lang siyang na miss. Parang gusto ko ng umuwi kaagad kahit na kadarating ko lang.

"Teka lang, kailan ka pa naging tsismoso Edrin?" nakangising pambubuska ni Philip dito.

Umiling na lang si Edrin saka tinapik ako sa balikat. "How does she look like? Anong pangalan niya?"

"All I can say is she's beautiful. Everything about her is beautiful but hindi pa siya ready na malaman ng lahat. So I'll wait for her to tell everyone about us."

Matched with The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon