CHAPTER 12

351 7 0
                                    

CHAPTER 12

"It's better kung uuwi na muna sa amin si Martha." Nabigla kami sa sinabi ni Mama. Lalo na si Gabriel na napakapit ng mahigpit sa kamay ko.

"Oo nga naman, para naman umuwi na rin itong si Gabriel sa bahay namin. may dalawang buwan pa bago ang kasal nila. gusto namin kayong makasama mga anak." Nakangiting sabi ni Tita Jeff.

Napailing si Gabriel ayaw niya kasing umuwi sa kanilang bahay dati at na sanay na siyang mamuhay mag-isa. Isa pa ayaw niyang nalalayo ako sa kaniya.

"Puwede bang pag-isipan muna namin?" nasa boses ni Gabriel ang pagkadisgusto sa sinasabi ng mga magulang namin.

Nadala na rin sa condo namin ang pagakainis niya dahil hindi ko na siya nakitang ngumiti. Wala namang masama kung uuwi muna kami sa mga bahay namin. nasa iisang village lang naman ang bahay ng mga magulang namin.

Niyakap ko siya ng makahiga na kami sa kama.

"Ayaw ko lang na mahiwalay sa'yo." Sabi niya habang nakasiksik ang mukha ko sa leeg niya. ang bango talaga niya. gustong gusto ko ang amoy niya. saka ang guwapo guwapo sana kung lalaki ang anak namin kamukha niya at kaugali niya. 'wag lang maging palakero.

"Naiisip ko palang na hindi kita makikita pag-uwi ko ay sumasama na ang pakiramdam ko." napasimangot ako ng mapatingin sa mukha niya na nakasimangot. Kinurot ko yung pisngi niya.

"Ngiti na, please." Napalabi ako habang nakatingin sa kaniya.

Kahit naman hindi siya nakangiti ay super cute niya. hindi ko talaga mapigilang kurut-kurutin ang mukha niya.

Napatingin siya sa akin saka hinila ang isang pisngi ko at hinalikan niya ako sa labi. napakunot noo tuloy ako. sabi ko ngiti, hindi kiss.

Pero di bale okay naman yun eh. Solve na ako. sarap ng kiss niya.

"Pero ayaw mo bang umuwi muna sa inyo? Gusto ka lang naman makasama nila Tita. Saka baka nakakalimutan mong isang pader lang ang layo ng bahay natin." Maliban sa nasa iisang village lang kami nakatira ay magkatabi lang ang bahay naming dalawa.

Nakatira sina Gabriel sa dating bahay ng parents ni Tito Ivan. samantalang ang bahay namin ay katabi naman ng bahay ng lolo at lola namin na parents naman ni Papa. Bata pa lang sina Tito Ivan at Papa ay magkakilala na sila dahil magkapitbahay sila.

Magkatapat lang ang kuwarto namin ni Yasmine kaya naman palagi kaming nag-uusap sa bintana namin.

"Hindi kita makakatabi sa pagtulog." Nakapikit na ang mga mata ni Gabriel habang nagsasalita.

Napangiti ako ulit. gusto ko rin na palagi siyang palaging nakikita bago ako matulog at sa tuwing gigising ako sa umaga. Nararamdaman kong tulog na nga siya kaya naman inayos ko ang kumot niya at hinalikan siya sa pisngi.

Sa palagay ko hindi ko rin kayang malayo sa'yo kahit na gaano kalayo.

--

"Kuya, aalis kami ni twiny mamayang four ng hapon. Pupunta lang kami sa bahay nila Charles at Xarina. Doon na rin kami mag di-dinner." Paalam ni Yasmine sa nakakatandang kapatid. Tumawag lang siya sa opisina nito dahil hindi na nag-abot pa kanina ang magkapatid sa unit namin.

"Hmmm... okay but be sure na makakauwi kayo before eight. Buntis pareho sina Xarina at Alesia dapat natutulog silang dalawa ng maaga." Pagpayag ni Gabriel. Okay lang naman sa kaniya ang umalis ako ng bahay dahil alam niyang mabo-bored lang ako doon. "Pipilitin kong makauwi before eight. Nagyaya kasi sina Philip na mag Grandeur. hindi ako iinum ng marami. Promise." Naka loud speaker kasi itong cellphone ni Yasmine habang kausap si Gabriel.

Matched with The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon