CHAPTER 13

316 11 1
                                    

CHAPTER 13

Medyo nakalimutan ko na ang nangyari kanina sa mall, dahil na rin nakita ko na ang aking mga kaibigan. Marami kaming napag-usapan lalo na ang tungkol sa mga buhay nila. tapos napansin namin na wala si Kristyna pero ang sabi nila ay nasa Belgium lang ito.

Matapos naming mag dinner ay nag-aya na ang ibang umuwi. Sinundo naman sila ng kanilang mga asawa. Samantalang kami naman ni Yasmine ay papauwi na pero bago kami makauwi ay nakatanggap kami ng tawag mula kay Harris.

"Sis, nandito Si Rish sa Grandeur. kanina pa niya ini-stalk si Papa Gabriel." Sumbong sa amin ni Harris mula sa kabilang linya. Kaagad naman bumalik kami ni Yasmine papunta sa Grandeur. Nadaanan na kasi namin kanina ito at medyo malapit pa kami doon.

Pilit kong pinapakalma si Yasmine na naging matulin ang pamamaneho.

Mabilis kaming nakaabot sa Grandeur. kaagad kaming nakapasok kahit marami ang nakalinya para pumasok. Kilala na kami doon bilang mga kaibigan ng mga anak ng may-ari.

Pagpunta pa lang namin sa lugar na sinabi ni Harris ay nakita naming tuluyan na palang lumapit si Rish kay Gabriel. Nagsisimula na ring makitsismis ang mga tao doon.

"Gabriel, I know that you're still in love with me. Alam kong rebound lang naman si Martha. Tama naman di ba?" dinig na dinig ang boses ni Rish sa loob. Tumigil na rin kasi ang tugtog kaya naririnig mo ang bawat bulungan ng mga taong naroon.

Bigla akong kinabahan. Ano kayang isasagot sa kaniya ni Gabriel. Natatakot ako. bakit ganito? Kahit sinabi niya sa aking mahal niya ako ay natatakot pa rin ako na baka mahal pa nga niya si Rish.

"Hindi rebound si Alesia. She's the woman I love and she's going to be the mother of my kids. Sinasabi ko na sa'yo ang totoo and I know it hurts. Please, Rish. 'wag munang ipilit ang sarili mo sa akin. wala ka ng aasahan sa akin."

Nakita kong nasaktan si Rish at napahiya dahil sa dami ng taong naroon na pinag-uusapan sila. hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. kahit hindi ko pa nararanasan ay alam kong masakit na hindi ka mahal ng taong mahal mo. lalo na at na reject ka sa harap ng maraming tao.

"At isang tawag mo pang rebound sa kapatid ko makakatikim ka." Galit na sabi ni Kuya Lander.

Hindi na ako nag-atubiling lumapit sa kanila at umawat.

Si Yasmine naman ay tinawag ang mga security personnel ng club para mapalabas na ang mga taong naroon. Mabuti na lang at mabilis na napalabas ang mga tao kahit may ibang ayaw pang umalis.

Naiiyak na napaupo si Rish sa sahig. Kasama na naman niya yung babaeng kasama niya sa mall kanina. Gusto ko siyang lapitan pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para makausap siya.

Kaagad na yumakap sa akin ni Gabriel.

"Dito ka na naman nag eskandalo. Hindi pa ba sapat ang ginawa mo kanina sa coffee shop?" simula ni Yasmine ng mawala na yung mga tao. Pinisil ko ulit ang kamay ni Yasmine upang mapatigil siya.

Nag excuse yung babaeng kasama ni Rish at umalis na sila doon sa Grandeur. nakahinga na naman ako ng maluwag. Ayaw ko talaga ng mga ganitong eksena. Tiyak na mababalita na naman ito. dahil may ibang kumuha pa ng larawan at video kanina.

"Kanina?" humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin si Gabriel.

nakakunot noong tanong ni Gabriel. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Alam kong magagalit siya dahil namin kaagad ito sinabi sa kaniya.

"Kanina kasi nagkita din kami nila Rish tapos nasabi ni Yasmine yung tungkol sa atin sa kaniya. Medyo nagkasagutan lang." paliwanag ko.

"Bakit hindi ko ito alam?" nasa boses ni Gabriel ang galit.

"I told Yasmine not to tell you. May importanteng meeting ka kanina. Balak ko mamaya ko pa sana sasabihin sa iyo."

Napabuntong hininga si Gabriel. Hindi man siya nakangiti pero mukhang okay na. si Yasmine ay ngumiti din ng alanganin at nag peace sign pa sa kapatid.

"Okay, let's go home." May inis pa rin sa mukha ni Gabriel pero hawak pa rin niya ang kamay ko para umalis na kami doon.

Pero bigla na lang sumingit si Kuya Lander at hinawakan ang kaliwa kong kamay. Nakatingin siya ng diretso kay Gabriel. Mukhang galit si Kuya Lander.

"No, Gab. My sister will be coming home. In our home."

Naku! Sabi ko na nga ba. Galit siya. tiyak namang hindi papayag si Gabriel na uuwi ako sa bahay namin. napatingin din ako kay Gabriel. Saka kay Kuya Lander.

"Kuya naman!"

Hinila ni Kuya ang kamay ko pero hindi naman natinag si Gabriel na hawak pa rin ako sa kanang kamay.

Pero bahagyang napaigik ako ng may maramdaman akong sakit. Sumasakit ang puson ko.

"Agh! ang puson ko. masakit."

Lahat ng naroon ay bigalang nataranta. Si Gabriel ay bigla na lang akong binuhat at isinakay sa kaniyang kotse.

--

Natutulog na ng mahimbing si Alesia sa kaniyang kama sa ospital. Natakot ako bigla ng sabihin niyang sumakit bigla ang kaniyang puson. Baka anong mangyari sa anak namin .

"Masyado siyang stressed kaya naman. ipinagbabawal ko ang mabibigat na Gawain at wag niyo siyang bibigyan ng sama ng loob. Healthy foods and enough rest. Mas mabuti sigurong umuwi muna kayo sa bahay niyo. I mean with your parents para naman may makagabay sa inyo. Alam kong gusto kayong pauwiin nina Jeff at Mariel."

Siyempre kilala ni Doc Sofia ang mga magulang namin mula sa Ninong Enzo namin na kapatid niya. bahagyang tinapik nito ang balikat ko.

"Why not do some arrangements. Hindi niyo Kailangan na maghiwalay. Puwede naman kayong tumirang magkasama sa iisang bahay. why not one week for your family and another one week for her family at saka magkatabi ang mga bahay niyo. Kayong mga bata kayo, sobrang in love na feeling niyo maghihiwalay na kayo kahit isang dipa lang ang layo niyo sa isa't isa." Natatawang sabi ni Dok. Saka umalis na siya sa aming kuwarto.

Pagkaalis ni Doktor ay saka naman dumating ang mga magulang namin para manggulo.

Sobrang dami na namin tuloy sa loob ng kuwarto ni Alesia. yung ibang mga kaibigan namin ay umuwi na.

"Oh, I heard what happened. Don't worry nakausap ko na sina Artem. Okay na ba si Martha?" tanong ni Tita Mariel. Si Tito Justin naman ay seryoso ang mukha. Kamukhang kamukha nga nito si Lander. Alam kong galit na ito dahil sa nangyari kay Martha. Pare kasi ng expression ang mag ama pag galit.

"Opo, okay naman silla ng anak namin. medyo na stress po siya. Tita, napagdesisyunan ko po na sa bahay niyo muna tumira si Alesia at uuwi muna po ako sa amin."

Lumiwanag ang mukha ng lahat sa narinig.

"Mabuti naman at naisip mong iyan ang mabuti sa inyo dalawa. Puwede mo namang bisitahin kahit anong oras si Martha sa bahay. puwede kang matulog doon kung gusto mo. gusto naman naming makasama ang anak namin kahit sandali. Malapit na kayong ikasal at ang pag aayos ng kasal ay dagdag stress din para sa kaniya." – Tito Justin.

"So it means ako na ang bahala muna sa company?" nag ningning ang mga mata ni Yasmine habang sinasabi iyon.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Sinabi ko kasi na pag-umuwi ako ng bahay ay siya ang papalit muna sa akin sa posisyon bilang vice president ng DLC.

"Salamat, hijo dahi napakabait mo. alagaan mong mabuti ang anak namin." saka tinapik niya ang balikat ko.

Napatingin ako sa natutulog na si Alesia. hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko kanina. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa kaba. Natatakot akong mawala ang anak namin at mawala si Alesia. hindi ko kakayanin na may mawala ulit na taong mahal ko. not Alesia and not even our baby.

Matched with The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon