CHAPTER 14

327 8 1
                                    

CHAPTER 14

Panay ang papak ko nitong stick-o. hindi ko mapigilan naka dalawang bote na ako at pinagsabihan na ako ni Mama na mag limit sa sweets. Katatapos ko lang naming maglakad lakad ni Gabriel sa loob ng village tapos nandito kami ngayon sa living room ng bahay namin. nanunood kami ng Pee Mak. Yung si Mario Maurer ang bida.

Ilang beses ko na itong napanood pero wala paring sawa ang mga mata ko. Favorite scene ko yung nahulog mula sa hagdanan si Shin. Tawa talaga akong tawa doon.

"Wala ka na bang ibang gustong panuorin?" bored na tanong sa akin ni Gabriel.

Kanina pa ito nag rereklamo na pabalik balik lang itong pinanunood ko.

Napatingin sa kaniya at tinawanan ko lang siya. nakita ko si Mama na sumilip mula sa kusina.

"Kumain na tayo. Kahapon mo pa pinanunood yan. di ba napanood na natin yan noon?"

"Yes, Ma. Actually three years ago pa po yun." sagot ko kay Mama.

"Baka naman maging kamukha ni Mario Maurer yang anak niyo." Natatawang sabi ni Mama. Super guwapo kaya ni Mario Maurer.

"Ma, okay yun pogi po siya."

"Hindi yun okay." napatingin ako kay Gabriel. Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. bakit naman ayaw niya? eh ang pogi nga ni Mario Maurer. "Kasi gusto ko kamukha ko. hindi kamukha ng kahit na sino."

Napangiti ako sa sinabi niya. napahawak ako sa tiyan ko na isang buwan pa lamang. Ikakasal na kami sa susunod na buwan ni Gabriel at hindi na rin nangugulo si Rish. Kung nasaan man siya ngayon sana makatagpo na rin siya ng lalaking magmamahal sa kaniya.

Si Yasmine naman ay busy sa negosyo nila. palagi naman kaming lumalabas ng bahay ni Gabriel. Taking our time together. Hindi naman kami pinipigil nila Mama at Papa. dito ako sa bahay ngayon nakatira at sa kanilang bahay naman si Gabriel.

Minsan dito natutulog si Gabriel sa bahay pero kadalasan ay umuuwi na siya pagkatapos kong makatulog sa gabi.

Palagi kaming nag ba bike dito sa loob ng village o di kaya ay naglalakad lakad kami. minsan binibisita namin ang mga kaibigan namin.

Pinisil ko ang pisngi ni Gabriel.

"Ang cute mo talaga, babe." Pinangigilan ko yung mukha niya.

Hinayaan lang niya akong gawin iyon kahit alam kong nasasaktan na siya. mas okay na daw na pangigigilan ko ang pagmumukha niya. may isa pa akong gustong palaging makita – si Harris. Gustong gusto ko yung palagi siyang tumatawa ng malakas tapos mabilis siyang magsalita. Dati ingay na ingay ako sa kaniya at OA para sa akin ang kaniyang kaartehan pero ngayon gustong gusto ko na.

Minsan naisip ko ang weird naman ng baby ko. baka maging girl ito. naku tiyak na magiging maingay at kasing arte niya ang baklang iyon.

"We need to eat our lunch para makapunta na tayo sa ospital for your check-up." Inalalayan na ako ni Gabriel upang tumayo at tinungo ang hapag kainan.

Matapos naming mag lunch ay kaagad na kaming naghanda para pumunta sa ospital. Wala pang umbok ang tiyan ko pero palagi ko itong tinititigan sa salamin at kinakapa. Hindi na ako makahintay na lumaki ito at malaman kung ano ang gender niya. minsan pakiramdam ko mas excited pa ako na lumaki ang tiyan ko kesa sa kasal ko.

Gabriel takes care of our wedding. Okay na ang lahat maliban na lang sa damit na sa pangalawang linggo pa makukumpleto.

Ngayon nakahiga ako dito sa bed ng clinic ni Tita Sofia. Tinitingnan namin sa monitor kung ano nang itsura ng baby namin. bahagyang napakunot ang noo ko. Dalawa ba ang nakikita kong bilog sa monitor?

Matched with The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon