CHAPTER 16
Nababanaag ko ang saya sa mukha ni Rish. Nandito kami ngayon sa airport. Inihatid namin sila ni Gabriel. Kasama na niyang uuwi ang asawa nitong si Max. sinundo nito si Rish matapos malaman ang nangyaring pagkakasangkot ng step father nito sa mga illegal na mga gawain. Nalaman na rin niya ang dahilan kung bakit nag nakaw sa kaniya ang asawa ng malaking halaga.
Max is already fifty seven years old at pero mas mukhang bata pa siya sa kaniyang edad. He's half American and half Filipino. Rish told me that her husband is a good man lalo na at napatawad na siya nito. Max didn't file their divorce papers kaya hanggang ngayon ay legally married pa rin silang dalawa.
Rish wanted to be with Max. Maganda naman kasi ang buhay niya kasama nito. According sa mga kuwento ni Rish ay buhay reyna siya kasama ng asawa at kahit na medyo masama ang ugali niya ay hindi siya nito pinakitaan ng masamang ugali. Until, Max found out that she's stealing money from him para ibigay kay Alfredo.
And talking about that nasty guy – he's dead. Lumaban kasi siya sa mga pulis at nabaril siya ng mga ito. Maybe he's gone for the best para naman matahimik ang buhay ni Rish. Hindi naging maganda ang buhay ni Rish dahil sa kaniya at dahil sa lalaking iyon ay muntik ng may mangyaring masama sa kaniya at sa mga anak nila ni Gabriel.
Pero sa awa ng diyos ay naging maayos naman silang tatlo. Kinasal na sila ni Gabriel, isang linggo na ang nakakalipas. Umattend pa sina Rish at Max sa kasal namin.
"Nag-abala pa kayong ihatid kami." nahihiyang sabi ni Rish.
"Okay lang yun. saka hindi kayo nakakabala. Kami ang may gustong ihatid kayo." Nakangiti kong sagot kay Rish.
Sa Laurent Grand Hotel sila pansamantalang tumira. We offered them to stay with us pero nagpumilit ang mag-asawa na sa hotel na lang sila mag stay.
"Salamat sa paghatid at babalik pa kami para maging godparents ng kambal." Nakangiting sabi ni Max sa amin.
Niyaya kasi ni Gabriel si Max at Rish na maging ninong ng kambal kahit masyado pang maaga. Ayos lang naman sa akin. Actually, naunahan ako ni Gabriel na ayain sina Rish.
"Ingat kayo sa byahe niyo." Kumaway pa kami ni Gabriel sa kanilang dalawa hanggang sa nawala na sila sa paningin namin. I hope maging maayos na ang lahat para kay Rish at Max.
Napatingin ako sa gawi ni Gabriel. Pinipisil kasi niya ang kamay ko. Napabuntong hininga ako.
"I can see that Max is trying so hard to make her happy." iyon ang unang beses na narinig ko kay Gabriel ang iniisip niya tungkol kay Rish. "I thought she's happy. Palagi ko lang nakikita ay ang masaya niyang mukha, but behind those smiles is a broken woman inside. Hindi ko man lang napansin na may pinagdadaanan siya." I heard him sigh and pause for a while.
"She wanted someone to be her hero but I'm not that man and I hope that one day makita niya kung gaano siya ka suwerte na may isang Max ang nagmamahal sa kaniya. We're meant to be broken so someone can fix us." Saka tumingin siya sa akin at ngumiti. "Hindi ko naisip na magmamahal ulit ako, but you came and saved me from being broken. Nagpapasalamat ako sa mga magulang natin at dahil sa kanila I found right person for me. Binuo mo ulit ako."
Dinala niya ang kamay ko sa kaniyang labi at hinalikan ang likuran ng aking palad. I smiled at him. He's been always sweet and I love it.
"Hindi pa nakikita yun ni Rish but someday, alam kong makikita niyang si Max yung lalaking dapat mahalin niya." pagpapatuloy ni Gabriel.
"Sana makita niya yun, sa ngayon ang dapat nating ipinalangin na maging masaya siya."
I know she will find her happiness dahil wala na ang taong nagbibigay ng bigat sa dibdib niya. Rish deserved to be happy, ang maging mapayapa ang buhay nito upang maramdaman niya ang pagiging kuntento sa buhay.
We started to walk away, back to our car. Nagsimula ng magdrive si Gabriel pabalik ng village. Napadaan kami doon sa isang dating bakanteng lupa na tatlong bahay lang ang layo sa bahay namin nila Mama at Papa. Napasimangot ako ng makita ang magandang bahay na itinatayo doon.
It should be my house. Dapat bahay ko ang nakatayo dito at hindi bahay ng ibang tao, but sad to say sa ibang tao nga ang bahay na ito.
Habang nakatingin ako sa bahay na naroon ay napakunot noo ako. The house seems familiar. Hindi pa siya tapos but its already majestic sa paningin ko. Wala pa itong fence kaya nakikita mo ang buong bahay.
Nagulat ako ng biglang huminto kami sa harap ng bahay na iyon.
"Do you still remember playing in this place?" tanong ni Gabriel sa akin.
This used to be a playground pero nakahanap ng mas malaking lugar sa village upang patayuan ng playground at club house kaya nailipat ang playground sa kinatatayuan ng club house.
Tumango ako.
"Now, this is our place."
Napatingin ako kay Gabriel. saka ako naluha. Naalala ko tuloy ang usapan namin ni Yasmine nung mga bata pa kami.
"I wanted to build my house here." sabi ko kay Yasmine habang naglalaro kami sa slide ng playground.
"That's impossible the village won't approve that." sagot naman sa akin ni Yasmine.
And that was before the playground was moved. Ang alam ko may nagmamay-ari na talaga sa lupang ito noon pa. nabili na ito ng isang mayamang negosyante na dati ay nakatira sa village. Hindi naman nila ito pinatayuan ng kahit ano pero lagi nilang pinapalinis ang lupang ito.
Tinawanan lang nga ako nina Mama at Papa dahil hindi daw ako puwedeng magpatayo ng bahay sa playground dahil para sa mga bata lang ang playground. I wanted to live there dahil masaya at nandoon palagi ang aking mga kaibigan. Nang lumaki na ako ay naisip ko na dapat may playground na lang sa bakuran ng magiging bahay ko. but still kahit wala na ang playground dito ay gusto ko pa rin na dito itayo ang magiging bahay ko.
"I bought it from the Smith's, binili nila ito noong maalis ang playground dito. Let's check what's inside." Hinila na ni Gabriel ang aking kamay.
Malapit ng matapos ang bahay. we checked the rooms and it has six bedrooms and a servant quarters. May malaking pool din sa likod ng bahay and a mini playground.
"It's beautiful." Hindi ko mapigilang bulas habang nakatingin sa kabuuan ng bahay. This is my dream house. I remember Yasmine draw it for me. Siguro ay sinabi ng kaibigan niya sa kapatid ang tungkol sa dream house niya.
"Ofcourse, it's your dream house."
Yes, it's my dream house! Ang bahay na ginuhit ni Yasmine noon. Ang saya- saya ko dahil natupad na ang pangarap kong ma itayo ang dream house ko sa lupang ito with the man I love and now we're having our babbies.
Hopefully more babies to come. Napahagikhik ako sa aking isipan.
"Thanks, Babe. I love you." I kissed him on the lips. Tapos ay yumakap ako ng mahigpit sa kaniya.
"I love you too." Niyakap din niya ako ng magpit at hinimas ang tiyan ko. "And I love you too babies."
What could I wish for? Hindi ko maisip kung ano pa yun. ang mahalaga ngayon ay kasama ko ang lalaking mahal ko at mga anak namin.
I was once matched with him by our parents and I'm not regretting taking a risk of having a relationship with this playboy now turned into the sweetest guy on earth and he's my husband.
A/N: I know it was short. epilogue na po ang next :)
BINABASA MO ANG
Matched with The Playboy (COMPLETED)
General FictionMartha believes in forever, dahil sa mga magulang niya. naniniwala siya sa pagmamahal at darating din ang lalaking para sa kaniya. Gabriel Ysren De Leon, nagmahal siya noon pero nasaktan siya and now he's one of the famous playboys in the town. Pero...