Chapter 13

85 3 0
                                    


ALDEN's POV

Nakakabagot dito sa bahay. Oo bahay! As in bahay ko dito sa Philippines. Nakauwi na ako nung May 31 pa. Kaya nung tumawag si Meng sakin pagod na pagod talaga ako dahil nga nakauwi na ako kararating rating ko lang nun. Pero di muna ako magpapakita sakanya hanggang birthday niya to surprise her.

"Hello? San kayo?..... Oo nung 31 pa, hahaha may practice kayo? UY! Gago!" nako mukhang mali pako ng napagsabihan na nakuwi na ako ah "WAG! I want to surprise her sa bday niya!... oh ngayon? Edi ligawan niyo! Patay kayo kay Menggay mga kaibigan niya yan"

Nung nagiisip palang si Meng ng mga isasali niya sa cotillion niya tinanong niya ako kung pwede tong dalawa kong kaibigan sabi ko siya kumausap ewan pano napapayag pero isang lang sure ako. Pinangakuan ni Meng to na maganda ang kapartner at single

"Oo na! mga sira talaga kayo. Basta ipangako niyo kahit papaano mangako kayo na di niyo sasabihin kahit kanino na nakauwi na ako ha!" sabi ko at narinig ko nalang na tinatawag na sila sa practice.

Aba mga bastos, excited nanaman sa mga kasayaw nila hindi na nagpaalam mga adik talaga sa babae. Buti nalang ako hindi, cause I found the one. YUCK! So gay Alden. So gay!

Gusto ko sanang pumunta ng mall para maghanap ng gift for her, kaso malamang sa malamang tumawag yun kapag 2nd set na ng practice. Kaya naghintay nalang ako ng tawag niya. Ano naman kayang gagawin ko? Ano kayang ibibigay ko sakanya?

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing

Eh?? 2nd set na agad?

"H...hello Menggay?" kinabahan ako baka sinabi na ng mga loko

"KUYAaaaaaaaaaaa! Hello" sabi niya masaya siya baka nga sinabi ng mga mokong ah kahit kelan talaga!

"Ahh..ehhh"

"Open muna internet mo, maaga 2nd set e madali na kasi dahil practice nalang ng buong step daliiii di kita macontact e" sabi niya.

*deep sigh

"Ayos ka lang kuya?"

"Ay, oo bubuksan ko lang teka hold on" sabi ko at binaba at kinuha yung phone ko for face time, hinarap ko sa isang side ng room ko kung saan white wall lang ito at may book shelf lang sa isang tabi. Di pa naman siya nakakapasok sa kwarto ko kaya hindi niya malalaman na nakauwi na ako.

Tinodo ko muna yung aircon ang init sa Philippines e.

"Game" sabi ko habang inaayos yung face time at nakita na ang mukha niya tumayo na ako ng ayos. Kapartner niya muna si bubbles habang ako ginagaya ko si bubbles, ganun na talaga technology. Pasensya na Menggay nahihirapan ka kahit andito naman na ako at pwedeng mag practice kasama mo.

After ng ilang twist and turn natapos din kami, dinampot ko agad yung towel ko at pinunasan ang sarili para kahit papaano di halatang ang init init talaga.

"Kuya?! Ligo lang ako ha? Call you ulit, miss yah!" sabi niya sabay patay ng call.

Anong sabi niya? Miss yah?! Miss you yun diba? Ginawa lang conyo kaya nagging Miss yah?

Miss you more Menggay.

MENG's POV

Ay! Ano ba yung nasabi ko kay Alden nakakahiya baka isipin nun miss na miss ko na siya. Nakakahiya talaga e. After ko maligo sumakay na ako sa car niya, tatawagan ko ba siya? Baka naman kasi tuksuhin lang ako nun.

*riiiiiiiiiiiiiiiiiing

"Ay! Palaka!"

Sasagutin ko ba? Nakakahiya kasi e

God Gave Me You (A MaiChard Movie story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon