Chapter 26

111 2 0
                                    

Andi's POV

Bakit kaya hindi sumasagot tong si Jake sa mga tawag ko?

"Andi ayos ka lang? You look upset" tanong ni Valeen, kasama ko sila maglunch ngayon dahil yung magaling kong bestfriend lumalablyf!
Mula nung Tuesday dina nagpakita ayun pala nasa Baguio kasama yung lablayp niya! Paalam niya may tigdas siya kaya ayun, buti friday na baka bukas sumunod kami.

"Eh kasi si Jake kagabi ko pa tinatawagan hindi sumasagot may tatapusin pa kaming research e" paliwanag ko and again for the nth time dial ulit ako kay Jake

"Baka naman busy?" It was Pat who just seat nahuli kasi siya ng sulat kaya nahuli ng bili ng food

"Hindi naman, sana kahit isang text lang"

"Ayiee namimiss mo lang ata si Jake e" Val tease

"Hindi noh! Bat ko naman mamimiss yon?! May kailangan lang talaga kaming tapusin"

"Aysus! Defensive! Haha bat di mo nalang puntahan sakanila?"

Tama! Puntahan ko na nga lang mamaya.

"Dika talaga sasabay?" It was Pat, uwian na kasi namin

"Hindi na, I'm fine salamat"

"Pupuntahan pa niya yung jowa jowaan niya" and again its Val

"Hay nako umuwi na nga kayo" we do beso beso and separates way

"Tao poooooo!"

*doorbell

"Ay? Sino po sila?"

"Ay magandang hapon po, andyan po ba si Jake? Classmate niya po ako pakisabi si Andi"

"Ay ma'am" lumapit naman yung maid at saka ako pinagbuksan ng gate "Opo, kaso ma'am mula po nung umuwi ng Tuesday night hindi na po siya nalabas sa kwarto"

"Ha? Pe...pwede po ba akong pumasok? Kausapin ko po siya"

Shit ka Jake! Ano nanaman ginagawa mo?!

Pinatuloy naman ako ng maid niya

"Ma'am kayo na po bahala sana mapakiusapan niyo po siya" sabi niya at iniwan ako sa tapat ng room daw ni Jake

"Jake?" Tawag ko sabay katok "Jake ako to si Andi pagbuksan mo naman ako"

No response pa din.

"Jake ano BA! Buksan mo sabi to e....shhhhit" biglang bumukas yung pinto and it was totally dark inside

Bumalik siya sa pagkakahiga

"Awww" nasagi ako sa bed side table

Ang daming nagkalat na chichirya at bote ng alak

"Did you drink this all?" Tanong ko sakanya at isa isa kong pinulot ang mga kalat

"Isarado mo yan!"

Nagulat ako ng bigla siyang magsalita kaya nalaglag ko yung mga bote sa paa ko that cause me a cut

"Shit! Are you ok?"

"Magtatanong nalang magcucurse pa"

"I'm asking you! Shit you're bleeding! Bakit kasi dinampot mo pa yung mga bote!" He assist me to his bed and he gets his first aid kit sa side table cabinet

"Aba! Kaw tong nang gugulat biglang magsasalita I'm almost done yung curtain nalang talaga"

"Wag mong bubuksan yung bintana I don't want to see light"

And there is silent between us, I try to stare to him even I can't totally see his eyes but I can feel that his broken.

"Jake ok na yan" nalinis at gusto pa din niyang linisin "lagyan mo nalang ng gauss pede na yan"

"Hindi, mahirap na baka kumalat pa kung anong dumi ang nakuha mo sa bote di mo namamalayan unti unti ka na palang namamatay"

"Luh siya! Patay agad? Sugat lang yan malayo sa bituka yan it's just a small cut" pagawat ko sakanya at kinuha yung paa ko to put the gauss and he just sits there

"Ayan kaya nasasanay tayong pinapabayaan ang sugat dahil sinasabi malayo...malayo sa bituka" then he chuckle

"Jake?" I tried to sound worried than sound that I don't get him

"Laging malayo sa bituka, laging maliit lang yan, laging kaya pa yan" then he stand up sits next to me "pero unti-unti ng lumalaki yung maliit na sugat"

"Jake what are you trying to say?"

"Hindi ko naman sinasadyang saktan siya, na masugatan siya" I can feel that he's sobbing "pero ginawa ko kasi gago ako e, kasi mahina ako tanga ako"

"Hey don't say that" I try to calm him by patting his back

"Pero natakot lang naman talaga ako" he says and lean on my shoulder

"Jake?"

"Andi paano kung malaman mo na yung taong mahal mo o gustong gusto mo malaman mo na siya pala ang dahilan ng kalungkutan at sakit sa puso mo na habang buhay ng nakaukit at di mawawala sa puso at isipan mo"

"Ha Jake?"

Hindi ko pa din talaga siya maintindihan.

"Pinatay ko siya"

Nanginig ang buong katawan ko at parang nag echo sa tenga ko ang boses ni Jake.

"Ha? Ano?! Sino?!"

And then bigla nalang siyang nagcollapse. Buti nalang nasa kama na kami kaya I just pull him up and lay his head sa pillow

Pinatay? Sino?

"Maine sorry"

Ah alam ko na. Hanggang panaginip siya pa din, kahit na nasa state ka ng alak siya pa din

"Shhh magpahinga kana Jake" I pat his head "Ano man yang bumabagabag sayo mailalabas mo din yan"

"Andi" pinilit niyang dumilat

"Dito lang ako Jake, dito lang" sabi ko at naupo sa tabi niya

"Thank you" mahina pero narinig ko

"Dun sa tanong mo, magagalit ako oo lalo na siya ang taong mahal ko pero siya pa ang dahilan ng sakit at kalungkutan ko" I wipe my tears away "pero susubukan kong magpatawad, sino ba ako para di magpatawad? Pero Jake para namang hindi ko pa din nararanasan ang mamatay"

I turn my head to him

"Araw araw Jake, araw araw akong namamatay seeing you being so hurt every time na makikita mo si Maine na masaya, pero oo Jake you one's killed her but now..."

I kiss his forehead and try myself to lay down beside him.

"She is more than alive, because finally she found her savior, her new life now begins with him"

*******************************
AUTHOR'S NOTE

OH EMGEEEEE.

I VERY VERY SORRY FOR THIS LAZY UPDATE AND OF COURSE FOR THE SUPER LATE UD!

Dumating kasi yung ate ko diba, si after pagudpud namin lagi kaming out of town huhu too bad laging remote area o virgin island pinupuntahan namin kaya hirap sa signal...

Waaaaaah pasensya na poooo!

Spread the Love!

Nagbabalik at hihirit pa din..

CIAO!

God Gave Me You (A MaiChard Movie story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon