Chapter 14

72 4 0
                                    

THIRD PERSON's POV

"I hate you! I hate you! I hate you!" paulit ulit na sabi ni Maine habang naka closed fist ito sa damit niya.

"Ma'am malulukot po yung damit niyo" sabi ni Luna ang head event organizer ni Maine

"And worst ma'am baka masira" sabi naman ni Daisy ang head designer niya na inaayos ang damit niya.

"Pwede bang iwan niyo muna ako?" sabi ni Maine na hindi maitago ang lungkot, inis at di niya pa maintindihang ibang emosyon niya.

"Ma'am"

"Promise di ko sisirain tong damit" sabi niya sabay loosen up sa pagkakahawak sa damit niya "Iwan niyo muna ako maaga pa naman"

Ngayon ang araw ng debut ni Maine.

"Paasa, sasabihin pa na naiiba siya! Paasa din pala" paulit ulit niyang binubulungan ang sarili

"Best?"

"Please iwan niyo muna ako"

"Teka best, bakit ba nagkakaganyan ka?"

Tumingin siya kay Andi na kanina pa nakikitang masama ang mukha niya.

"Nakakainis kasi" sabi ni Maine

*knock.knock

"Ma'am oras na po"

"Huh? Teka" sabi niya na parang biglang kinabahan "Andi, si Tisoy wala pa"

"Sino ba kasi yung tisoy na yun?" tanong ni Andi at tinulungan si Maine na ayusin ang damit niya at si Daisy.

"S...Si"

"Princess!"

"Pa?" tumakbo si Maine paakap sa papa niya.

"Pa, I'm sorry"

"Shhh it's ok malay mo na delay lang talaga ang flight niya"

"Alam mo?"

"Ah...ehh... sabi lang nila Daisy at Luna"

Tumingin naman si Daisy na may pagtataka sa ama ni Maine.

"Let's go?" sabi ng papa niya "Ako na muna ang mag-escort sayo"

"Kahit ikaw na ang maging escort ko buong gabi papa" sabi ni Maine at umabresete na sa papa niya "Pero pa diba parang ang aga aga pa?"

"Just right in time" sabi ng papa niya at humalik na ito sa noo ng anak "I'm happy for you my princess"

"Thank you papa" sabi ni Maine at umayos ng tayo.

"Andi sige na bumalik kana sa main hall" utos ng papa ni Maine

"Opo tito, pano Maine? Happy Birthday best!"

Hindi na maitago ni Maine sa mga sudden changes sa oras niya kaya napatango nalang siya sa best friend niya. Kumapit na siya ulit sa braso ng ama at nagsimula ng maglakad.

Ang original na plano ay mula sa hotel room niya ay lalakad siyang mag-isa pababa sa main hall kung san gaganapin ang debut niya at sa pagbukas ng pinto dun maghihintay si Alden na escort niya at aalalayan siyang makarating sa gitna at dun ay i-we-welcome siya ng emcee. But that is the original plan.

MENG's POV

Hindi ko maitago ang kaba ko, gusto kong magtanong, gusto kong sumigaw, gusto kong i-absorb nalang lahat pero ayaw e may iba sa nangyayari

"Papa?" tanungin ko nalang si papa? Mukhang may alam naman siya kasi alam naman niya ang flow ng debut ko. Siya pa nga ang nangungulit kung sino ba talaga si Alden.

God Gave Me You (A MaiChard Movie story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon