Chapter 28

53 1 0
                                    

ALDEN's POV

Nagkita kita kami sa cafeteria ng mga kaibigan ko at kaibigan ni Maine.

"Hindi nanaman pumasok" sabi kaagad nila saakin.

Umiling ako, nagsabi naman siya saakin kanina pero akala ko naman magpapahinga lang siya at papasok pa din.

"Ok naman na siya kagabi last day na niya pero sabi niya kanina masakit daw ulo niya pero wag ko na daw intindihin magkita nalang daw kami sa Eclipse ng 8pm"

"Ano naman nangyari dun?" Tanong ni Sam

"Nung pumasok siya last Thursday medyo spaced out siya" sabi ni Patricia

"2nd day niya palang nun baka naiirita pa" sagot ko naman

"Hindi Alden, iba" sabi ni Val "parang she's building up her walls again"

"Pero bakit?" Tanong naman ni Je "kayo ang mas matagal na niyang kaibigan mas matagal ng kasama at kakilala anong meron?"

"Huli namin siyang nakitang ganyan nung namatay si ate niya" biglang sabi ni Andi

Nagkatinginan kaming lahat wari iniisip ano bang nangyayari kay Maine.

Pero kapag magkasama naman kami ok naman siya, she even cooks for our date night.

"Wala ba siyang nakukwento sayo kapag kayo lang magkasama?" It was Valeen

"Wala naman" sagot ko at inisip ano nga ba yung pinaguusapan namin

Ahhhh tama!

"Yung panaginip" bigla kong sabi at napatingin sila saakin

"Panaginip?" sabay sabay nilang tanong saakin

"Lagi niyang napapanaginipan ang ate niya, kahit afternoon nap namin bigla nalang siyang tatayo pawisan tapos ayun napanaginipan pala niya"

"Hmmmmm" sabay sabay silang napaisip

"Mabait naman si ate Coreen bakit siya magpapakita kay Menggay?" Sabi ni Valeen

"Oo nga, mahal na mahal niya si Menggay" sabi naman ni Andi

"Ano daw ginagawa nila sa panaginip niya pre?" Tanong ni Je.

"Humihingi daw ng tulong si ate niya"

MAINE's POV

"Hello love" nagbeso ako sakanya pagkakita ko sakanya sa bar table ng bar nila.

"Hello, kamusta na sakit ng ulo mo?" sabi niya at inakap ako

"Hmmm" sabi ko at inakap din siya pabalik "Medyo wala na, sa pabago bago siguro ng panahon dear, hmm pahinging juice"

Nagpunta siya sa bar counter sa likod at ginawan ako ng maiinom ko, after niya mag gawa ay dumating na yung mga friends ko.

"Hi girl! Kamusta?" it was Patricia

"Eto, parang binibiyak ang ulo sa sakit kaninang umaga" sabi ko sakanila

"Ay baka naman" sabi ni Je na parang may gustong malaman

"Gago" bulong ni Alden sabay bigay ng juice saakin.

Nagpunta sila sa bar counter at ako naman sinamahan ng mga friends ko sa isang table

"Uy di nga? Bakit masakit ulo mo? Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Valeen

"Oo ayos lang ako" sagot ko at ininom yung juice na gawa ni Alden

Hindi ko nakukwento sakanila ang panaginip ko. Hindi ko na rin ikukwento ang ginagawa ko. Problema ko to, problema ng pamila namin. Lulutasin ko to.

God Gave Me You (A MaiChard Movie story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon