M A N H O LE

535 86 108
                                    

Papasok na sana ako sa school, kaso may nakita akong malaking caution sign sa dinadaanan ko. Kaya tinignan ko muna kung ano ang meron doon.

"Ah isang manhole pala..."

Tinignan ko ito ng matagal at pinagmasdan ko kung gaano ba ito kalalim.

Habang tinitignan ko ito , bigla na lang dumilim ang paligid ko at sa pagkamulat ng aking mata, nasa school na pala ako. Medyo nagulat pa ako kasi ang alam ko, andun pa ako sa manhole at tinitignan ito kani-kanina lang. Pero imbis na pagtuunan ko ito ng pansin, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa aking classroom.

Pagkapasok ko ng classroom, narinig ko na naman ang boses ng aking maiingay na kaklase at natagpuan ko na naman na magulo ang room, ngunit normal naman na yun sa araw araw. Nakipagkwentuhan narin ako sa kanila, kaso medyo nagtaka ako, kasi habang kinakausap ko kayo, wala man lang kayong respond sa mga bati at tanong ko.

"Hi Guys! Kamusta na kayo?"

"Good Morning!"

"Uy, wag naman kayong ganyan... Wag n'yo naman ako pagtripan..."

Pero kahit anong pilit ko na itigil n'yo na ang pantri-trip sakin, wala parin... Hindi n'yo parin ako pinapansin.

Hanggang sa nagstart na ang klase at katulad n'yo din naman ako. Tulog sa lesson, aral kunwari, kain sa break at uulit lang, tapos dismissal na.

Sa katotohanan, hindi naging masaya yung araw ko ngayon, kasi buong araw na walang kumausap sakin.

Naglalakad na ako pauwi nang napansin kong maraming taong nakaharang sa dinaraanan ko, pero imbis na makiisyoso pa ako, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pauwi sa aming bahay.

Pagkapasok ko sa bahay, magmamano sana ako kay nanay, kaso nakita ko siya na umiiyak habang hawak-hawak ang graduation picture ko.

"Uy Nay, bat ka umiiyak? Huwag mong sabihin na dahil yan sa pinapanuod mong drama sa T.V.?" Pabiro kong sabi sa kanya, ngunit wala naman siyang naging reaksyon at patuloy parin sa pag-iyak.

"Uy Nay!"

Hindi ulit siya nagsalita, patuloy lang na tumutulo ang kanyang mga luha at paulit-ulit na tinatawag ang aking pangalan.

"Louis! Louis! Louis!..."

"Uy Nay, hindi mo ba ako marinig?" Hindi s'ya sumagot.

"Nay, sumagot ka naman!"

Nang naglaon, may dumating sa bahay. Isang pulis at may binigay s'ya kay Nanay.

"Ito po yung I.D. at bag ng anak n'yo. Sorry and condolence po."

"Di ba uuwi pa ang anak ko dito?! Sabihin mo!" Humahagulgol na sabi ni Nanay.

"Sorry po..."

Mas lalong bumuhos ang kalungkutan ni Nanay habang hawak-hawak ang bag at I.D. ko.

Nalaman ko na lang na nahulog pala ako sa manhole kaninang umaga. Kaya pala wala man lang kumausap sakin sa school, kaya pala madaming tao kanina malapit sa manhole at kaya pala hindi ako marinig ni nanay.

Kasi patay na pala ako.

------A/N------

To boyofmydreams,

Ayan na po yung next part! ^ω^
Thanks for requesting and reading my story!

To all of my readers,

Continue to read the 40 Death Days of Louis Staying On Earth!

Vote•Comment•Support

At basahin nyo din po ang story ni boyofmydreams ...

Living like a hell~ tungkol sa isang babae na naiinis sa dalawa nyang demonyong katabi sa classroom. Kaya you should search it.

~AkoSiWeirdo

M A N H O L ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon